Covid

0 6

"Sana"

Diba't kay sarap gunitain ang mga dating nakasanayan noon?

Na ang tila walang lamang Kalsada ngayon, ay muling mapupuno ng ingay mula sa mga mga batang walang ibang nais kundi ang maglaro maghapon.

Na ang malungkot at tahimik na gabi ay muling mapapalitan ng maingay at masayang tawanan.

Na ang pangamba at takot ay maiibsan at mapapalitan ng kapanatagan.

Na ang mga taong handang ibuwis ng kanilang buhay para sa bayan, ay muling mayayakap at mahahagkan ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sana, sana, sana.

Ebola, birdflu, mers-cov, asf, zika virus, at covid19 virus.

Ito'y mga sakit na nagmula sa hayop!?

Hayop man kung tawagin ngunit diba't kay laki ng tulong sa atin?

Nakakalungkot isipin na mismong kalikasan na ang gumawa ng paraan upang iparating ang kanilang hinaing sa atin.

Hinaing sa pagkasira ng kanilang mga tahanan at unti-unting pagkaubos ng kanilang lahi.

Pagkatapos sana ng unos na ito, makita sana natin ang halaga ng kalikasan.

Ngunit virus kalang, at gaya ng ibang kauri mo.

Malalagpasan ka rin namin.

Sa tulong ng ating mga panalangin.

At ang simpleng pananatili ko, ikaw, ninyo, tayo sa loob ng ating mga tahanan.

Ay magdudulot ng napakalaking tulong sa ating mga kababayan upang maipanalo ang laban na ito.

May Godbless us all.

Be safe. 😊

2
$ 0.00

Comments

sa tulong ng panalangin at pkikisama ng mga tao matutulungan mabawasan ang cases ng covid at sa doctor na handang matuklasan ang lunas.

$ 0.00
4 years ago