Time Check: 9:18 AM
Date: June 17, 2020
Hello mga ka Read & Cash ito nanaman po tayo may i kukwento lang po ako sa inyo tungkol sa isang pulubi.
So Habang papauwi si Marie galing sa trabaho, nakita na naman nya ang pulubing nasa may kanto. Nahahabag ang kalooban nya sa tuwing makikita ito kaya’t pinaglalaanan talaga niya ito ng kaunting pera para bilhan ng makakain. Sa araw-araw na pagbibigay nya ng pagkain dito, hindi nya kailanmang narining itong magsalita. Minsan ay natutulog, minsan ay nakatulala lang. Kaya iniiwan nalang nya sa tabi nito ang binibiling tinapay.
Gustong-gustong tanungin ni Marie ang Mamang pulubi kung nasaan na ang pamilya nito. Sa panahon ngayon, naisip nya na pwedeng ibagahi ang kwento nito sa Facebook para naman makatulong kahit papano.
Ngunit sa tuwing kinakausap nya ito, nabibigo sya. Siguro ay isa itong pipi o bingi kaya hindi nakakapagsalita.
Ngunit sa araw na iyon,
Salamat hija, nagulat sya nang banggitin ito ng matandang pulubi.
“Naku! Walang anuman po, kuya!”, sambit ni Marie.
Sa isip nya, ito na ang pagkakataon upang makausap ang matanda. Nalaman nyang pamilyado pala ito ngunit iniwan siya ng kanyang mag-ina nang mabulag dahil sa isang aksidente sa pinagtratrabahuang Konstruksyon.
May dinukot ito sa kanyang pitaka at ipinakita sa kanya ang isang litrato.
Tumulo ang luha ni Marie sa nakita, dahil ito’y isang litrato niya at ng kanyang ina.
Nawa'y nagustuhan nyo itong aking maikling kwento tungkol sa Pag-ibig para sa ating kapwa. Hindi man natin kadugo ang mga pulubing ating nakikita sa daan, nawa'y magsilbi parin itong leksyon na ang tunay na Pagibig ay hindi humuhusga ng anyo o ng estado ng ating kapwatao.
Ang article na eto ay may kaparihas sa net.
Ewas mo eto sa susunod dhil na dedetect ng ai ng platform na eto.