Ang pag tatapos ng kabanata para sa atin ang tagumpay na ito

0 50
Avatar for Gab06
Written by
4 years ago

Time check: 9:46 pm in the evening

Date: june 25, 2020

Subscribe name: Gab06

Alam nyo napaka halaga ng edukasyon para sa akin dahil ito lamang ang tanging maipag mamalaki natin sa iba.

Bakit? Dahil kapag mayroon ka nito hindi ka nila kayang maliitin at yurakan ang iyong pag katao.

Bakit? Dahil isa ako sa mga tao na hindi nakapag tapos ng aking pag aaral. Dahil siguro sa pasaway at puro tropa or barkada ang inuuna. Kung naisip or mas maaga ko naisip na kung gaano pala ka halaga ang edukasyon siguro hindi ako ganto or wala ako dito ngayun. Dahil ang edukasyon or kapag mayroon ka nito kahit anung trabaho pwede kang mamili or pwede mung gustuhin. Dahil salahat ng mga company ngayun mas priority nila ang mga four years graduate or mga first graduate.

At ang advantage pa ng mga four yeard grad. Ay mabilis kang aangat sa iyong posisyon at maari kang maregular at maka sweldo ng mas malaki.

At kumpara naman sa elementary lang ang natapos mo or high school lang ang natapos mo may limitasyon kung hangang saan ka lang nararapat na trabaho. Dahil wala ka namang diploma na maipapakita para katibayan na graduate ka nga ng four year course.

Ang hirap talaga kapag hindi ka naka graduate. Dahil sobrang hirap mag hanap ng trabaho. Dahil maka hanap ka man ng trabaho pahirapan. Dahil hindi lang naman ikaw ang nag aapply para sa posisyon nayon. At pinaka masaklap dahil mas priority nila ang mga four year graduate.

Kaya ako? Sobrang laki talaga ng pag sisisi ko dati sa buhay ko noong mga panahon na nag aaral pako. Sabi ko nga kung pwede lang ibalik ang mga panahon na sinayang ko. Siguro napaka ganda na nang buhay ko ngayun.

At siguro lahat ng mga mahal ko sa buhay ay naibibigay ko ang mga pangangailangan nila nang sa ganon ang mga magulang ko hindi nadin sila mag papa kahirap mag trabaho para sa mga kapatid kopa na maliliit.

Tama nga sila nasa huli talaga ang pag sisisi. Kaya para sa mga kabataan na nag aaral wag nyong sasayangin ang panahon na nakakapag aral kayo ng magulang nyo dahil hindi lahat ng mga bata ay nakakapag aral kaya manswerte padin kayo na may mga magulang kayu na sumisuporta sa inyu para makapag aral. Kaya wag nyung sasayangin ito at wag nyo ako tutularan para hindi kahu humantong sa ganito pag dating ng panahon.

1
$ 0.00
Avatar for Gab06
Written by
4 years ago

Comments