"Kung Wala Ka."

0 15

"Natapos na ang lahat...nandito pa rin ako.."

5 years and I still see your smiles, I still hear your laughters, I still smell you, feel your hug, feel you..like it was just yesterday. Limang taon na pala, limang taon na pala simula nung huli kitang makasama. Oo, limang taon na pero ikaw pa rin talaga, hanggang ngayon ikaw parin, ikaw lang at sana hindi na maging ikaw pa din.

Simula. I still remember how we become "us". You are like the sun, bright and shinning. You have a very happy disposition. Friends lines for you and everyone got to like you. Yes, hindi ka naman talaga ganoong kagandahan, pero ewan ko ba, iba yung tama simula ng una kitang makita, simula ng una mo akong ngitian kasama ng kislap ng iyong mga mata, hindi na ako nakaahon, kaya't sa halip na malunod magisa ay isinama nalang kita.

Unang yugto. Masaya, iyan ang isang salitang pwedeng ilarawan ang simula nating dalawa. Everything is fine, we were like a normal couple, some were even calling us as a"relationship goal". Wala na nga akong mahihiling pa, ibinigay mo ang buong mundo mo sa akin. I'm your priority, and you are also mine - nung una.

Pangalawang yugto. Wala daw perpektong relasyon and we are not an exemption. Sa sobrang kampante ko, natuto akong maglaro, sa isip ko kasi ay alam kong hindi mo ako kayang iwanan. Natuto akong makipaglaro sa iba, at ng mahuli mo'y agad ko ding pinagsisihan. Ito ang unang beses na umiyak ka, ang sakit palang makitang nasasaktan ka. Sabi ko'y hindi nako uulit ngunit hindi ko din alam,dahil siguro sa alam kong kahit anong gawin ko ay tatanggapin mo ako, naulit ng naulit ang pagkakamali ko.

Koro. Paulit ulit kang umiyak sa harapan ko, at tuwina'y ang tanong mo ay "kelan pa?" "Kulang paba?" "Sino pipiliin mo?""Ako pa ba ang mahal mo?"at paulit ulit kong sasagutin yon ng ikaw lang, dahil laro lang naman sila. Natuto akong mamanhid sa iyak mo, baliwalain ang hinaing mo. Lahat ng sakit na binibitawan mo ay hindi ko sineryoso sapagkat sa isip ko ay 'drama lang nya to, konting suyo ko lang naman ay ookey din to'. And that's what happened. In our 7 years of relationship, 4 years was spent on and off. Apat na taon mong paulit ulit na tinanggap lahat ng pananakit ko, paulit ulit kong binaliwala ang halaga mo.

Tulay. Ngunit ang lahat nga pala ay may hangganan...

Ikalawang Koro. Our life is full of choices. And I made mine in a very wrong way. Sa sobrang sakit ay pinili mo ng bumitaw, naalala ko pa ng sambitin ko sayo ang mga katagang "akala ko ba walang iwanan?" "ang bilis mo namang mapagod" "hindi mo na ba ako mahal?" "May bago ka na ba?! " At ang iyong tugon ang nagsilbing sampal sa aking walang kwentang pagmamahal. "Mahal kita. Mahal na mahal kita, pero sobrang sakit na. Apat na taon kong tiniis lahat, pinagtatawanan nako ng iba dahil sa katangahan ko pero lumaban ako. Inilaban kita. Pero nakakapagod din palang lumaban, lalo na kung yung ipinaglalaban ko, ang syang mismong kalaban ko."

Ikaapat na yugto. Then I realized how much I've hurt you. How much you love me for giving me chances I totally lost count of. Umiiyak akong lumuhod sa harap mo pero umiiyak kang nagmakaawang palayain na kita dahil ubus na ubos kana. That was five years ago, the most painful and unforgettable night of my life. Alam ko kung gaano ka nawasak ng oras na tinapos mo na satin ang lahat. Nawasak din ako ngunit sa tindi ng nagawa ko ay nawalan ako ng karapatang maramdaman yon, dahil kung tutuusin naman'y kasalanan ko ang lahat. Noon ko naiisip ang mga ngiti mong pilit na ikinukubli ang sakit. Ana mga mata mong nawalan ng kislap at sigla. Ang mga yakap at halik mong mas ipinararamdam ang iyong pagmamahal ngunit mas hindi ko binigyan ng importansya.

Huling koro. Nakita ko kung paano ka nawala. Paano ka nagbago. Lumayo ka sa mga tao at nawala ang saya sa mata mo. Nakita ko kung paano ka nya pinilit na sagipin. Gustuhin ko mang sagipin ka pa ay alam kong lalo lang kitang ilulubog. At ngayon nga, pagkatapos ng limang taon ay nandito ako, nakatayo habang pinapanood syang lumuhod sa harapan mo at itanong ang mga salitang ilang beses kong inisip noon kung paano at sa anong paraan ko itatanong sayo. He managed to bring back your smile, he managed to save you, pero alam ko sa kaloob looban mo ay marami ng nagbago, hindi na ikaw ang dating ikaw, nang dahil sa akin, dahil sa pagsira ko sayo. Siguro nga'y ganoon nalang ang epekto ng lahat ng nagawa ko. Patawad, mahal na mahal kita ngunit hindi ko alam kung bakit nagawa pa rin kitang saktan - ng maraming beses, ng paulit ulit. Limang taon, limang taon na pala ang nakakaraan simula ng tumalikod ka. Ngunit heto ako't nakatanaw pa rin sa likod mo, patuloy na nalulunod, ngunit ngayon ay mag-isa na - sapagkat mayroon ng sumagip sayong iba.

"Hindi mo maiisip, hindi mo makikita, ang mga pangarap ko, para sa 'yo, para sa 'yo."

  • Kung Wala Ka by HALE.

0
$ 0.00

Comments