Pork adobo sa Asin at Pork Nilat-an o Pork Nilaga
Hello mga frennies ko .
Tanghalian na .Kakatapos ko lang maglaba ng ilang pirasong mga damit .
Actually mga paninda ko yun na naulanan.
Amg iba pede pa mabenta kase naibabalik ang etikita pero may 2pcs na short na di na pede ibenta kase hindi maalis yung kalawang.
Natuluan daw kase yun sabi ni Mama.
Anyways andto naman ako taga suot para mapakinabangan.
By the way kumain na ba kayo?
Sa mga kakain palang at nakakakain na ,tara kain po tayo ulit.
Ulam ay nilagang baboy bisaya version kaya naging nilat-an at tsaka adobong baboy sa asin.
Si mother inlaw ang nagluto bago sya pumunta sa tindahan kanina.
As usual nauuna talaga kumain palagi ay si baby.
Pagkaluto nito since maaga nagising si baby kaya pinakain ko na sya at nakatulog na din ,saka ako naglaba.
Ngayon palang din ako kakain ng Lunch tapos after neto maliligo at saka ko isasampay yung mga nilabhan ko.
So tara na kainan na mga Frennies.
Anuman ang meron tayo sa ating mga hapag kainan palagi natin itong ipagpapasalamat sa Diyos dahil maliit o malaki, madami o konti still ito ay biyaya nya para sa atin.
Isipin natin palagi na madaming tao ang nagugutom hindi lang dito sa bansa natin ,maging sa ibang bansa din.
So paano kakain na ako ha.
Ingat kayong lahat ,enjoy din natin bawat araw .
Maulang Umaga
Hello mga frennies ko ,isang maulan at napakalamig na umaga sa inyong lahat.
Amg sarap pa sana matulog kase malamig
Kaya lang si baby ko ang aga nya nagising.
Late naman to sya nagulog kagabi .
Pero napakaaga nya nagising .
4 hours palang yung naitutulog nya ,sakin naman nsa 3 hours palang.
By the way yung photo po ay kinuhaan ko kanina sa bintana ng kusina ,taniman ng aking mother inlaw.
King saan kitang kita talaga na malakas ang ulan at baha na naman ,as usual kase nga hindi pa naayos yung mga lupang nakatambak sa labas.
At talagang sa kanal pa kaya naman every umuulan baha talaga agad,.
Hmm ito muna for today's blog . Charroott.ag iingat kayong lahat at magpapasko.
Habang papalapit ang pasko dyan dumadami mga scammer, snatcher ,at iba pa na masasamang gawain.
Maging alerto palagi at iwasang mag cp kapag naglalakad baka mahablot mga cp ninyo.
Midnight Snack
Hi mga frennies ko .
Gising pa ba kayo ?
Kami heto mulaga pa ang mga mata .
Si baby panay lang ang dede kaya nan heto gutom na naman ako.
Gusto ko na sana awatin sa pag breastfeed kase para makakilos ako ng maayos.
Ayaw naman ng mother ko .
Tsaka isa pa hindi pa sya masyadong malakas kumain ng kanin.
Sa mga breastfeeding moms dito paano nyo inaawat sa pagdede ang baby nyo?
Naaawa ako sa anak ko ei.
Baka magkasakit o mamayat kapag inawat ko .
By the way tara po kain tayo.
Milk amd sliced bread tsaka yung tira ni baby na fudge bar.
Saan daw ang gala at nakapostora ako.
Hmm naligo lang naman ako tapos nag ayos konti dahil nasasagwaan na ako sa hitsura ko.
Hindi na nga ako nagsuklay ei .
Sinubukan ko lang naman kung magmumukha pa akong tao .
Lakas kase talaga makahaggard ng puyat at stress.
Ikaw ba naman matakasan ng 50pcs na tshirts hindi ka ba ma stress?
Iyak tawa nalang ako .
Sana naman may konsensya pa yung reseller ko .
Malakas naman kutob ko na babayaran pa ako .
Hoping hoping ,sakit sa dibdib ei.
Pede naman sana na kausapin ako na hulog hulugan hindi yung nabenta na lahat ng items tapos iba block ako.haiist .
Hindi ako nawawalan ng pag asa ,malilinawan at makokonsenya din yun.
Late Lunch
Hindi na ito Brunch ,kundi Breakfast ,lunch at snack na .
Opo sobrang late kase late na din ako nagising at nagluto pa bago makakain.
Yung instant nalang para mabilis maluto.
Yung noodles nilagyan ko ng talbos ng kamoteng violet .Pero bagonyan ginawa ko muna pinakuloluan ko muna yung noodles at tinapon ko yung unang sabaw para matanggal yung amoy wax nya .
Saka nagpakulo ako ulit para sa sabaw nya bago nilagay ko na si noodles at ang talbos ng kamote saka ko tinimplahan.
Yan para safe na yung makain namin na noodles .Mas maganda din pala daw kase yung kamote na violet ang dahon kase mas mabilis makadagdag dugo.
Dahil sa kakapuyat ko kase medyo mababa na dugo ko na naging sanhi ng pagkahilo ko the last few days.
Nagluto din pala ang ng itlog para sa aking anak.
So tara na kain po ulit kayo.
Alam ko snack nyo na ito .
.
Heavy Rains
Hello Dear Friends 😊 ,Good morning sa inyo kahit malakas at maulan dito sa amin.
Heto ang nkuhaan ko ngayong tanghali.adaming mga motorista ang na stranded due to heavy Rains.
Second photo and third photo makikita ninyo na baha na amg kalahatinh bahagi ng main road dito sa amin .
Halos maabot na din amg hagdan na nagsisilbing daanan namin paakyat dito sa bahay.
Dumagdag pa sa baha ay dahil hindi makadaloy ng maayos ang tubig,dahil na din sa itinambak na mga lupa sa mga kanal tapos hindi din naman agad inayos kaya ang ending mga residents dito ang nag sa suffer sa kapabayaan ng mga contructor.
Anyways ingats kayo mga frennies sa mga lakad ninyo.
Malamig man ang umaga ko ngayon o ang buong araw ko .
Amg mahalaga anjan kayo na mainit na tumatamggap sa akin..Ayieee .
Good night Dear friends
Tulog na ang aking baby and then ako naman sana mkatulog na din.
Salmat Lord natapps ang maghapon namin na hindi mo kami binigo.
Kahit papaano ay may incomena pumasok.
Maliit o malaki yung benta still biyaya pa din kaya maraming maraming salamat po Panginoon.
Alam ko mga frennies marami sa atin ngayon ay pagod na sa mga kakaraket ,pero ganun pa man palagi kong ipapaalala na anumang trabaho lahat yan ay nakakapagod.
Kaya feel frew to rest but not to quiet.
Magkaina yung pahinga sa pagsuko ha.
Pahinga lang tayo pag pagod .
Kung may pangarap tayo na nais natin maabot ,wag tayong sumuko.
Pasasaan ba at madidinig din ni God bawat panalangin natin ,lalo na kung ito ay par sa kabutihan.
Owsya Goodnight na ulit .
Pray kayo bago matulog .
Good eve Dear frennies 😊
Flex ko lang tong picture ko .haha
Nagtambay tambay lang ako kanina sa tindahan.
Nagflyers na din para sa mga Cignal ng aking mga biyanan .
And thanks God nakabudol naman ako ng isang nagpa install.
Sabi pa nung client pag ganito laganda yung makikita ko araw araw sisipagin ako magload araw araw. Agoy naulaw man ko sa client ko.haha
Anong haggard ko na nga dahil palagi nalang puyat.
By the way mga frennies baka may alam pla kayo na vitamins yung good for blood kase feeling ko namumutla na ako tsaka palagi akong walang gana kumain.
Pa comment nalang po at salamat ng advance.
Ingat po kayo lagi .
Thank you sa inyo mga frennies konh lalabs ,dahil sa inyo nabigyan ko ng regalo ang sarili ko .
Syempre it will not be possible kung wala po yung ambag ninyo.
The blessings na shinishare ninyo kahit pakonti konti iniipon ko po yun.
Nasa tao talaga yan kung may gusto kang makuha kailangan din ng disiplina on how to spend money.
Dumaan man ako sa matindinh pagtitipid para makuha to.
Yes mababa pa ang karats nyan pero goods na yan para sa akin.
Soon yung mataas taas naman na karats.
Sipag,tyaga at determination samahan na din ng disiplina sa pag gastos .
Ayan lnguna mga frennies ko.
Ingat kayo palagi sa mga lakad ninyo and Have a Merry Christmas 🎄 in advance po sa inyong lahat.
Gift and investment
Hello dear friends , kamusta na kayo?
pansin ko medyo natahimik na dito .
Well anyway ganun po talaga walang forever.
By the way gusto ko lng iflex iyong unang regalo at investment na din para sa sarili ko.
Nakuha sa pagtyatyaga ,pagpupuyat at pagsisipag.
Join Force po mula sa noise.cash, noise.app at sa mga benta online .
Nagtatabi ako pabente bente kada makakabenta ako .
Finally nabuo ko yung halaga na need ko para mabili ko ito .
And yes opo nabili ko na po yan .
Nextweek masusuot ko na yan.
Sa online ko nabili sa akimg kaibigan.
Personal ko syang kakilala at kasama ko din sa lahat ng mga raket ko online.
Ang sarap pala sa pakiramdam na mabibili mo yung gusto mo na di kana hihingi sa Asawa mo.
I posted this not to brag kundi para maging inspiration din.
Yung pkonti konting ipon lumalaki yan pag pinagsama sama.
Imiss you all mga frennies.
Early Dinner
Hello guys kamusta kayo .Good evening pala.
Kumain na ba kayo ng hapunan?
Ako ay ngayin palqng kakain.
Tara at sabay na tayo.
Daghang ulam ,ang iba ay binili lang sa labas.
Ang sida dto sa bahay niluto.
Advance Merry Christmas 🎄 pala sa inyong lahat .
Grabe noh, palapit na ng palapit ang pasko.
Malamig na ang simoy ng hangin lalo na sa labas ng bahay.
Hello Dear Friends ,good evening sa inyong lahat .
Kamusta po kayo ? Namiss ko mandin kayo kaya lang ay need maghanapbuhay lalo na at wala namang forever dto.
Nakakapagod man rumaket offline dahil kailangan ng physical na kaanyuan dto .haha
Kailangan talaga tutukam ang hanapbuhay para may pangtustus sa pamilya .
Basta pag npapagod na learn to take rest but not to quit ha .
Deserve natun mag rest at mag unwind paminsan minsan .
Pasko na naman ,O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko
Dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko
Tayo ay mag-awitan,
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Ang pag-ibig naghahari!
Kanta yan nung mga bata na nangangaroling dito kanina mga frennies.
Kmusta po kayo.
Nabusy kahapon dahil dumagsa yung mga bumili ng mga damit kahapon.
May ilan na nagpareserve at sana kuhain na nila bukas para makapamili na ulit ng pang restocked.
By the way mga frennies yung pictire sa sa bayan namin sa cavite city .
Ang laki na ng ipinagbago talaga.
Mabuti at napalitan na ang Mayor dun.
Midnight Snack
Sliced bread with peanut butter spread and milk for my snack at this time.
By the way it's already 2:10am ph time.
I feel hungry after i nursing my baby .
Now that he is fall asleep already ,it's now my turn to feed myself.
Bythe way who's still up at this Time ?
Can you say Hi in a Comment section.
Thanks dear frennies ;)
De Kandila at Di paypay na naman
Pahimutok lang mga mga frennies.
Madami makakarelate neto skin lalo na yung lugar na laging walang kuryente.
Grabe alam nyo po kanina pa walang power ,halos mag apat na oras na .
Grabe ay bakit kaya ganito itong Zaneco na ito .
Hindi lang araw araw black out kundi oras oras din.
Tipong mga every two hours lang may kuryente tapos mamatay na naman.
Nakakainis po yung ganito sa totoo lng ,napaka corrupt ng Zaneco na ito .
Bulok na bulok ang serbisyo tapos Kung maningil naman taas taas lagi ng bill ng mga consumer.
Apakatarantado na ei .Hindi man lang maawa sa mga tao .Lagi nalang ganito kami ,
Minsan pa kung kelan ka masarap na yung tulog saka bigla bigla din nila papatayin ang kuryente ,ni walang abiso.
Hayss kawawang mga consumer ,lagi nalang nagtitiis sa bulok na serbisyo ng ZANECO .
chocolates and Apple 🍎
Ayyyiee helloga frennies ko .
Mainit na hapon .
Kanina pala bago kami mag lunch punta ako kay neighbor para humingi ng sili kase yung aili na tanim namin namatay kaya pati bunga natuyo.
Sabi ni Neighbor o ni Maam Emz ,pitas nalang daw ako.
Edi pumitas ako ,pagkatapos nagpaalam na ako at nag thank you.
Sabi ni Maam :Wait lang nasaan si Ivar ( si baby ko po hinahanap nya )
Me :nasa bahay po Maam nanunuod sa tablet nya .
Maam Emz:saglit may ibibigay akong chocolate at apple sa kanya.
At ayon nga pagbalik ni Maam naku kadaming chocolate ang binigay ,yan pong nasa pictire ay may naklba2as na dyan.hehe
Dumating daw kuya nya galing Manila madaming dalang pagkain.
Hindi pa daw nya nabuksan yung ibang nakabox kaya may ibibigay daw ulit sya sa sunod.
Good Afternoon po 😊
superlate nagising ang aming babyloves.
Pero ok lang goods naman ang gising nya ,
Kakatuwa yung smile nya sa second pic parang nang aasar na ewan ,haha.
Basta talaga nakaopen ang aircin sarap na sarap sya matulog .
Napuyat ba naman kami kagabi dahil nagblack out kung kelan madaling araw ay di hindi sya makatulog.
Mag uumaga na nakatulog kami kaya ayan bago palang nagising.
Kamusta umaga nyo mga frennies kong pogi at magagnda?
Have a good day ahead sa inyong lahat.
Bye muna at mahprepare ako ng super late lunchy naming dalawa.imgats kayo always 😊
Dinner
Hello mga frennies ko .
Kain na po tayo ng hapunan.
Late ulit kase super busog ko sa meryenda namin ni baby kanina.
Hindi na nagluto si Mama ng ulam kase late na sila nakauwi .
Kaya ayan for the barbeque ang ferson ngayong gabihan.
Tamang dalawang tuhog ok na plus may tirang miswa kaya katalo na ito.
Tara po kain na tayo .
Goodnayt na din sa mga maagang ntutulog .
Sana kagaya nyo ako na nakakatulog din ng maaga pra fresh kinabukasan.
Kaso ako laging ewan haha ,laging puyat .
Hanger for kids Terno
Hello Dear Friends 😊 ,Mainit na gabi .Kamusta po kayo ?
Opo mainit talaga dahil black out na naman ngayon ngayon lang.
Sana bumalik na agad para naman di magpaypay pag nalowbat si Solar fan.
Alam nyo ba mga frennies masaya ako kase dumating na itong mga hanger para sa terno pambata ko na paninda.
1 dozen lang muna inorder ko kase mas mahal pa sf kesa sa mismong item.
Importante may maididisplay na akong pambatang mga damit.
By the way ingat sa mga motorista dyan dahil nauuso na ang aksidente ,ok lang mag rides rides basta be aware lagi sa daanan dahil ang kalsda na pampubliko hindi dapat ginagawang race track lalo na kung kurbada dapat matutong magminor dahil mostly curve lane ay blindspot yan.
May nabasa kase ako yung nagtrend na mag Asawa na blogger na bumangga sa Hilux ,namatay ang mag Asawa tapos possible pa na makulong itong driver ng hilux na chill at mabagal lang ang patakbo .
Haiist kaya be responsible sa kalsada .Isipin din sana na yung madadamay ay may pamilya din.

View-tiful God's creation
Ako ay tumingala at ito ang aking nakita .
Kulay bughaw na kalangitan at magagandang formation ng mga ulap.
Ngunit sa kabila ng ganda ng kalangitan ,kaakibat naman neto ang pakiramdam na maalinsangan.
Ang araw ay tirik na tirik na tela ba nagngangalit.
Sinag palang ni Haring araw ay mapapa-aray kana .
Kanina aking sinubukang lumbas kung kakayanin ko ba .
Pero ako ay nabigo at dali daling sa loob ay bumalik.
Kay sakit sa balat ,para bang ako ay iihawin na.
Tamang dito nalang muna ako sa pintuan at aki nalang pagmamasdan, ang ganda ng bughaw na kalangitan.
Kamusta mga frennies ko , ingat kayo palagi lalo na sa mga motorista natin dahil nauuso na namam amg aksidente .
#Pilipinas
#SarilingKuhaNgLarawan
#SarilingArtikulo
Good morning beautiful people around the globe 🌎.
Hello dear friends ko .
Napaaga itong almusal ko .
Aba ei ikaw ba naman mapasabak sa mahabang oras ng breastfeeding hindi ka kaya gutumin.hmm
So dahil maaga ako kumain for sure mamaya pa ako neto makakatulog kase full pa ang tummy ko.
Unhealthy food ulit kasw noodlea ,wala yan lang kase madaling lutuin,kaya nga sya tunawag na instant .Pero pag ako nagluluto nyan may sabaw man o wala yung unang tubig na pinagkuluan tinatapon ko kase amoy wax na ginagawang candle, after ko yun itapon ,ilalagay ko ulit sa kaldero at lalagyan ng panibagong tubig yung mainit na tubig saka itatapon ko ulit.
Basta make sure na hindi nyo papakuluan ng sobra ,parang binabanlawan o nililinisan nyo lang yung noodles .
Inaalis ko kase muna yung amoy nya .
Tapos after ng pangalawang tapon na sabaw ,yung pangatlo dun ko na sya hahayaang kumulo at palambutin ang noodlea saka ko ilalagay yung seasonings nya.
Tanggal na ang amoy wax plus hindi na sya masyadong unhealthy .
sino dto parehasko magluto sa Instant Noodles?
Lemon o Suha
Hello Guys na busy ako kanina kase nagpunta ako sa store nila Mama .
Mabuti may nagbayad ng utang ,dalawang tshirt din yun at may bumili din ng moringga kaya may almost 500 akong pera kanina.
I'm glad hindi umulan kaya naman nagkaroon ako ng time to visit our little garden.
Namiss ko lase itong lemon namin kaya binisita ko para mkita din kung hinog na ba.
By the way mga frennies naku-curious na talaga ako dto kung lemon 🍋 ba talaga ito o Suha.
Bakit antagal nya maging yellow 🤔 ,tsaka sobrang laki naman yata para sa lemon 🍋 yung ganito.
Itong isa sobra na sa palad ko .
Hindi ko na mailagay sa palad ko ang dalawang lemon.
Nakakatuwa din kase dumami na yung bunga .
Nag woworry lang kami baka pag yung dakawang bunga sa tuktok ay lumaki ay mabali na yung sanga ,kase hindi talaga normal na lemon siguro ito.
Pagkalaki laki ei .
Owsya mamaya na ulit ,raraket muna din ako sa pag compute compute kay LZ.
Ingats mga frennies 😊
#LemonBig
#Photography
#OwnPhoto
#Pilipinas
Late Lunch
Mainit na hapon mga frennies.
Hinihintay ko kung uulan na naman.haha
Nasanay na ako every afternoon uulan ng malakas.
Mukang ngayon hindi uulan.
Anyway magtanghalian na po amg hindi nakakpglunch dyan gaya ko.
Dahil late ako kumain kaya heto puro left over ang ulam ko.
Leftover adobong manok na ang cute ng size, haha ,left over gulay na ginataan,at left over sabaw ng tolang manok.
Pati yung guyabano left over din buti nalang at malaki yung natirang guyabano.
Sa guyabano nalang ako babawi tutal paborigo ko nmn tlaga yang prutas na yan.
So paano kakain na muna ako bago pa ako mawalan ulit ng gana.
Fruits for breakfast
Have a blessed Sunday frennies 😊
Ang aga naming nagising kanina .
Tipong matutulog palang yata ako tapos kumatok na si Mama para attend kami ng early Service.
Tapos after service balik tulog ako kaya heto late nagising.
Dahil wala din ako sa mood kumain ng kanin kaya magprutas nalang muna .
Maya maya na siguro mag lunch pag nagutom na.
Kamusta kayo mga kaibigan?
Anong ganap sa araw ng linggo ninyo?
Labadami
Hello Frennies ,good evening sa inyong lahat.
Napagod ang ferson kakalaba kaya nagpahinga muna bago posting.
Ayan labada kahit maulan, laban pa din.
Wala ng masusuot kami ni Baby.
Kamusta naman maghapon ninyo ?
Ok naman hapon ko productuve din nmam kahit papaano .
Habang nakasalang si labahin ay nagdotdot sa cp.
Multitasking ang Ferson .haha
Kumain na ba kayo?
Ako magkalkal plang sa kusina .
Premise
Hello Dear frennies ko .Maulang hapon sa inyo.
Yes po maulan na naman dito sa amin sa Zamboanga ngaying mga oras na ito.
Nasasanay na nga ako at expected ko na talagang uulan.
Aba naman ay consistent ang Sched.nila ni Haring araw.
Araw s umaga after lunch unti unti na magdidilim .Tapos maya maya uulan na ng pagkalakas lakas na akala mo nagagalit.
Well anyway ,gusto ko lang naman talaga i share sa inyo itong si Premise ko.
Consistent din ito magbigay ng survey na napakadali.
Ito nga nakaipon na ulit ako ,at kaunti nalang hello cash out na ulit.
Basta matyaga s pagdotdot talaga may mappala bandang huli.
Target ko namn dis time ay dress kay Shein na matagal ko nang pinapangarap na mabili.
Makukuha ko yan sana bago magpasko.
May kamahalan kase yun nasa 900+ din.
Bukod kay SHEIN may Ysense na din ako dahil kay Sis @yssay.
Kaya tuloy lang tayo self
Cold Morning /Gatas at bread muna tayo .
Hello Dear Friends 😊 Brrrr cold morning sa ating lahat .
Grabe noh super lamig na talaga .
Patunay lang na Christmas is coming to town na talaga .
Osya painit muna mga frennies kung magaganda at pogi .
Maibsan man lang yung pangangatog ko.
Yung anak ko ang lamig na ng panahon pero sya ayaw nya pa magpakumot .
Nagigising pag kinukumutan .
Samantalang ako ngatog na chin ko sa lamig.
Teka nga pala ingat kayo ha ,dahil Christmas season na tsaka mahirap ang buhay ngayon ,madami na namang maglilipanang modus dyan.
Mga snatcher buhay na buhay na naman lalo na dyan parteng Manila ,Taguig ,Bicutan ,Parañaque , Quezon City ,Caloocan ,Baging Silang ,Novaliches at madaming lugar pa dyan sa Manila .
Ingat ingat lang baka pera na ay maging bato pa.
Wag mag cp habang naglalakad .
Sa hirap at mahal ng bilihin ngayon madami na talaga makakaisip gumawa ng hindi maganda.
Naranasan ko na talaga masnatchan ,gold na necklace pa naman at regalo ng ate ko dahil grumaduate ako na kasama top list at isa sa mga best students.
Nung na snatch necklace ko ayon grabe trauma ko at iyak lang ako ng iyak,syempre may sentimental value yun ei.
Kaya paalala ko lng yan sa inyo ,Mag ingat at maging aware sa paligid.
#Pilipinas
#Christmas
#Coldmorning
JCO DONUT 😍
Hey guy's I'm so happy 😁
Nagpunta kase kami ni baby kanina sa tindahan.
Tapos ng ayos lang ako mga paninda .
Nagki crave ako sa aomething sweets kaya lang wala naman ako mabilhan na maayos na pagkain doon sa Sentro.
Alam mo yung pakiramdam na may kutob ka na may darating na pagkain kase natatakam kana.
Akala ko imagination ko lang un.
Hindi nagtagal may humintong SUV sa tapat ng tindaham ni Papa.
Dumating pala yung bestfriend ni Hubby na Airforce ,may bitbit na isang box na JCO 😍
Kinilig talaga ako at natatakam na pero di ako nagpahalata .haha
ATlast ito na abot kamay ko na ,kakainin ko nalang mamaya .
#Blessed
#Jco
#pilipinas
#FoodPorn
At Changi Airport
Habamg nagpapalips oras ako and waiting na antukin si baby para sana makaligo na ako.
Ito nakita sa memories ko sa fb .
A throwback photo of me and my friends.
I really miss those moments of my life .
Once upon a time i was live in fantasy ,wherein we experienced a luxurious life even for a week .
We are only friends online until a company binds us and gives us time to know each other in person.
So in short from a virtual friend to real friend in person.
Our first bonding was in the cruise ship.
Yes po we really enjoyed every moment na nasa cruise ship kami.
Kahit sa panaginip hindi ko inakala na mararanasan ko yung buhay mayaman ,yung pa travel travel lang at walang iniisip na problema.
Kain lang kami ng kain dahil 6x a day ang free meal namin sa cruise ship which is included na sa package na binigay sa amin.
Grabe to the highest level ng sarap at enjoyment talaga yung naranasan ko wayback 2019.
And that photo was at the changi airport at pabalik na kami nyan sa Manila .
Tapos na yung fantasy world namin.hehe ,hindi naman kase pala yun fantasy lang kase naman in real life kaya sobrang bitin .
Hoping soon makabawi din ako sa mga loses ko .
#ChangiAirport
#Singapore
#Pilipinas
#Frennies
Super late Lunch
Late sleep ,late gising so ito ang resulta late lunch din.
Hello noise.app frennies kamusta kayo dyan?
Maulan na naman dito sa amin .
Kada hapon ganito laging malakas ang ulan.
Parang nag uusap na yung araw at ulan.haha
Paano po kase sa umaga napakainit tapos pagkahapon na biglang uulan ng napakalakas, samahan pa ng malakas na kulog.
Alm mo yun parang halfday lagi sched.ng dalawang yan.
May pang umaga at pang hapon.haha
Anyway kain po tayo mga Migo ,pili na po kayo dyan ng ulam nyo.
May left over lechon manok ,pansit, isdang inun-on at isdang prito.
Isda nalang yata talaga ang may forever ,hehe
Tapos may sabaw din ng sinigang daw po yan sabi ni Mama.
Tara na lapang na .
#FoodPorn
#Pilipinas
#NoiseApp