Pork adobo sa Asin at Pork Nilat-an o Pork Nilaga Hello mga frennies ko . Tanghalian na .Kakatapos ko lang maglaba ng ilang pirasong mga damit . Actually mga paninda ko yun na naulanan. Amg iba pede pa mabenta kase naibabalik ang etikita pero may 2pcs na short na di na pede ibenta kase hindi maalis yung kalawang. Natuluan daw kase yun sabi ni Mama. Anyways andto naman ako taga suot para mapakinabangan. By the way kumain na ba kayo? Sa mga kakain palang at nakakakain na ,tara kain po tayo ulit. Ulam ay nilagang baboy bisaya version kaya naging nilat-an at tsaka adobong baboy sa asin. Si mother inlaw ang nagluto bago sya pumunta sa tindahan kanina. As usual nauuna talaga kumain palagi ay si baby. Pagkaluto nito since maaga nagising si baby kaya pinakain ko na sya at nakatulog na din ,saka ako naglaba. Ngayon palang din ako kakain ng Lunch tapos after neto maliligo at saka ko isasampay yung mga nilabhan ko. So tara na kainan na mga Frennies. Anuman ang meron tayo sa ating mga hapag kainan palagi natin itong ipagpapasalamat sa Diyos dahil maliit o malaki, madami o konti still ito ay biyaya nya para sa atin. Isipin natin palagi na madaming tao ang nagugutom hindi lang dito sa bansa natin ,maging sa ibang bansa din. So paano kakain na ako ha. Ingat kayong lahat ,enjoy din natin bawat araw .
4 comments
Sarap naman niyan sis.. enjoy your lunch
tara sis kain tayo
Ang sarap naman sissy. 🥰
kain tau sis kahit late reply na ,hehe