read.cash Log in
@FiveKs

Saan daw ang gala at nakapostora ako. Hmm naligo lang naman ako tapos nag ayos konti dahil nasasagwaan na ako sa hitsura ko. Hindi na nga ako nagsuklay ei . Sinubukan ko lang naman kung magmumukha pa akong tao . Lakas kase talaga makahaggard ng puyat at stress. Ikaw ba naman matakasan ng 50pcs na tshirts hindi ka ba ma stress? Iyak tawa nalang ako . Sana naman may konsensya pa yung reseller ko . Malakas naman kutob ko na babayaran pa ako . Hoping hoping ,sakit sa dibdib ei. Pede naman sana na kausapin ako na hulog hulugan hindi yung nabenta na lahat ng items tapos iba block ako.haiist . Hindi ako nawawalan ng pag asa ,malilinawan at makokonsenya din yun.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.