read.cash Log in
@Firenze more from that month

Pahinga Muna

Gusto mo munang magpahinga, Gusto mo munang huminga Kasi parang nakakapagod na Yung sabay-sabay at paulit ulit na problema Gusto mo munang magpahinga Gusto mo munang ipahinga ang mata mo, ang tenga mo, ang puso mo, ang buong ikaw sa ingay at gulo ng mundo Nakakapagod na Nakakapagod na mag panggap na okay ka Nakakapagod na maging matatag at idaan sa tawa Para lang mapakita mong matapang ka Gusto mo muna magpahinga Kasi nakakapagod din minsan ang mundo Yung para bang kahit anong gawin mong tayo Ibabagsak ng kalawakan ang lahat para masubukan ang tibay mo Masyadong makulay ang mundo mo Puno ng adventure, saya at lungkot ang kulay nito Pero okay lang kasi di ka nabubuhay para mabuhay lang Kailangan mo lang ng isang tahimik na espasyo Gusto mo muna magpahinga Hindi para sumuko na Kundi para mabakante muna ang isip at puso Sa mga responsibilidad na binato ng mundo Minsan mapagbiro din ang problema, Ayaw nila ng paisa isa Gusto lahat sila ay bida Kaya minsan gusto mo na lang talikuran na Kinalimutan mo ang dating ikaw Lumayo ka para di na sya matanaw Pero kahit gaano ka pa naging matibay Dadalawin ka pa rin nya para ipaalala sayo na Okay lang umiyak, okay lang huminto Okay lang hindi maging okay Na okay lang mag pahinga Basta bukas pag gising mo dapat okay ka na Okay lang na walang nakaalam Okay lang na walang nakarinig Dahil lahat ng tao may kanya kanyang dinadala At hindi lahat maiintindihan ka Walang magliligtas sayo kundi sarili mo Hindi sya, hindi sila, kundi ikaw Kaya okay lang yan, magpahinga kung gusto ng pag hinga Basta bukas pagbangon mo, sana magaan na yang nararamdaman mo. Tatawa ka na ulit ng walang halong pagpapanggap, Alam kong matibay ka na, pero tibayan mo pa Matatapos din ang lahat, pahinga lang, Tas tuloy ulit ang laban sa buhay bukas.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.