read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Dahil may bagong update sa Noise na binabahagi ng iba dito. Share ko na din ang napicturan ko kanina sa daan na isang maliit na ating kaibigan. Isa itong uri ng Skipper moth na kabilang pamilya ng Lepidoptera (moths and butterflies). Maamo naman siya kaya habang kinukunan ko, pero ng ilagay ko na sana sa aking daliri lumipad na palayo. Kaya pagpasensiyahan niyo nalang muna itong kuha ko. Ayon sa nabasa ko ganito ang pagkakaiba ng Butterflies at Moths. Karaniwang nagpapahinga ang mga Butterflies na sarado ang kanilang mga pakpak, habang ang mga Moths ay nagpapahinga na bukas ang kanilang mga pakpak. Ang mga Butterflies ay may mahaba, manipis na antena, habang ang Moths ay may mas maikli na feathery na antena. Karamihan sa mga Butterflies ay may manipis na payat na filamentous na antena na club shaped sa dulo. Ang Moths, sa kabilang banda, ay madalas na may comb-like o tulad ng feathery na antena. 😉 Magandang gabi sa ating lahat. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography #Macrophotography

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.