Ayon sa isang dalubhasa sa macrophotography maging mapagpasensya at pumili lamang ng mga modelo o subject na nakikipagtulungan upang kukunan ng litrato. Ang mga insekto ay makukulit dahil nature nila yun na palipat-lipat at galaw ng galaw kaya hayaan mo lang sila. Kung hahabulin mo mauubos lang ang oras mo kaya hayaan mo lang, wait patiently until mag settle down siya... Kaya hayan may natsambahan akong isang bubuyog na gustong magpakuha ng litrato. Carpenter Bee🐝 (Xylocopa…
@Fherdz in May 2021
Kapag may mga problema huwag sumuko. Ilagay ang iyong mga problema sa Mga Kamay ng ating Diyos at bibigyan ka niya ng kapayapaan sa iyong puso. Manahan sa presensya ng ating Panginoon na Siya ay laging nandiyan para sa iyo. Magandang gabi sa ating lahat. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography #Macrophotography
Lahat tayo ay may kanya-kanyang laban at pagkakamali sa buhay, kaya't hindi tayo dapat ikahiya kung nasaan tayo. Mayroon tayong mapagmahal at mabait na Diyos kaya't may pag-asa tayo na anuman ang ating nagawa, kahit na sino pa tayo, maaaring tubusin tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus. A Blessed Sunday Everyone! 🙃🙏 #Originalphotography®️ 📸Photos taken by me using my trusty A10s mobile phone. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography #Macro Photography
May bisita ako kanina sa aming bakuran na isang makulay na Green Jewel Bug. Noong nakaraang taon ang unang pagdalaw nila at unang pagkakataon na nakita ko ang ganitong uri ng insekto. Green Jewel Bug. Karaniwang kilala bilang Jewel bugs or Metallic shield bugs dahil sa kanilang madalas na makinang na kulay. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography #Macrophotography
Kung nais mong baguhin ng Diyos ang iyong buhay, asahan mong may mga bagay na dapat mong bitawan. Mga bagay na mahirap nating bitawan ngunit iyon ang humahadlang sa ating paglago. Kailangang mong bitawan at isuko ang mga bagay na pumipigil sa iyo upang malaman mo ang kalooban ng Diyos at pamamaraan ng Diyos. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography #Macrophotography
Oriental Fruit Fly🙃 (Bactrocera dorsalis) Bactrocera dorsalis, dating kilala bilang as Dacus dorsalis at karaniwang tinatawag na oriental fruit fly. Kabilang sa pamilya ng Tephritidae. Parang isang langaw ng bahay ngunit may kakaibang kulay. Ang kulay ng katawan ay variable ngunit sa pangkalahatan ay maliwanag na kulay dilaw at ang mga pakpak ay malinaw. Mainit na hapon sa ating lahat.😎 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City,…
Bagaman napakahirap magalak sa mga oras ng pagsubok at paghihirap, ito pa rin ang pinakamahusay na paraan ng pagpapahayag ng ating pananampalataya sa Diyos. Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. - Santiago 1:2-3 MBBTAG. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines.…
LadyBird / LadyBug🐞 (Chilocorus circumdatus) Magandang tanghali mga ka-Noise!🙃 Ayon sa nabasa kong article na ang mga Ladybirds ay mula sa pamilyang Coccinellidae Latreille. Ito ay karaniwang kilala rin bilang Ladybugs, ngunit sa totoo lang daw ay hindi totoong mga Bug ngunit sila ay Beetle. Iyon ang dahilan kung bakit ginugusto ng ilan na gamitin ang pangalang Ladybird beetles kaysa sa Ladybugs upang maiwasan ang anumang pagkalito na dulot ng maling salita. Ito ang…
Kahit na lalayo’t tatalikod tayo sa Diyos at sa Kanyang salita. Patuloy na inaanyayahan tayo na lumapit sa Kanya at Siya ang magbago sa atin. Bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula, ang mga ito'y magiging mapuputi na parang niyebe; bagaman ito'y mapulang-mapula,ang mga ito'y magiging parang balahibo ng tupa. -Isaias 1:18 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography…
Leaf-Footed Bug🙃 (Physomerus grossipes) Family: Coreidae Ang Leaf-footed bug ay kahawig ng Squash bug (Mictis caja) ngunit mayroon itong kulay orange na istraktura sa likuran lamang ng ikalawang pares ng mga binti na wala sa Squash bug. Bagaman mayroon silang mga bibig pero hindi kumagat sa mga tao o iba pang mga hayop, ginagamit lamang nila ito upang sumipsip ng mga juice mula sa mga dahon, tangkay, at prutas. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty…
Ang Panalagin ay ang pag-uusap sa pagitan mo at ng Diyos. Ang tanging sandata upang mapagtagumpayan ang ating mga problema at anumang laban sa buhay. Lumapit at kausapin natin Siya. Magtiwala kayo sa PANGINOON, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya. - 1 Cronica 16:11 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography #Macrophotography #Spirituality
Click Beetle (Conoderus lividus) Family: Elateridae Dahil wala akong mahanap kaninang umaga na insekto. Aba! Akalain mo nga naman dahil may bumisita sa akin sa aking trabaho. Ang Click beetles, ay maaring pinangalanan dahil sa hindi pangkaraniwang mekanismo ng pagtunog na taglay nila. Ang mga nakakaaliw na beetle na ito ay kabilang sa pamilyang Elateridae. Ang kulay ay karaniwang itim o kayumanggi, ngunit may ilang mga species din na pula o dilaw na kulay. Magandang hapon sa…
Mainit ang panahon Walang problema.🙃 Tara na! Halo-halo na.😋 Para lahat ay nasa kanya, wala nang hahanapin pa!😘 Maraming salamat Ma'am @ZanneV.
Magandang gabi sa ating lahat mga ka-Noise!🙃 Isa pang inCHICKto nais kong ibahagi sa iyo. Kakaiba at ngayon ko lang din nakita. Isang lahi ng Moth na maliit ngunit may magagandang mga pakpak na tila may butas na disenyo. Sana ay magustuhan niyo. Maraming salamat.🙃 Assembly Moth🦋 (Samea ecclesialis ) Samea ecclesialis is a genus of moths of the family Crambidae. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines.…
Kapag ang ating buhay ay sobrang dilim, alalahanin ito: Ang Diyos ay may layunin sa likod ng ating pighati at sakit. Kahit sa ating pinakamadilim na sandali, mayroon tayong sapat na dahilan upang umasa sa ating Panginoon Hesu Kristo. Salamat Panginoon, ikaw ang aming Pag-asa kahit sa pinakamadilim na sitwasyon ng aming buhay. Walang katulad ang pagmamahal at kapayapaan na matatagpuan lamang namin sa iyo. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s.…
Mango Planthopper😬 (Colgaroides acuminata) Family: Flatidae Ang Mango planthopper na ito ay malapit na nauugnay sa insekto ng cicada. Karaniwan ang mga ito ay matatagpuan sa mga tangkay ng iba't ibang mga halaman. Mukha silang isang berdeng tatsulok sa isang halaman kapag sila ay namahinga sa mga tangkay ng puno. Karaniwan silang lilitaw sa panahon ng tag-init. Ang planthopper sa pamilyang Flatidae ay maliit hanggang katamtamang sukat. Ang kanilang mga kulay ay mula sa…
Gaano man kainit ang panahon. Tapatan mo din ng mainit na kapeng Kopiko at samahan ng Presto creams choco. Tara kape tayo. Mga Coffee lover diyan labas na😍
Leafhopper🍃 Ang mga Leafhoppers ay maliliit na insekto na kumakain ng mga halaman na nagreresulta na parang binutas ng bala. At ang mga ito ay mula sa pamilyang Cicadellidae na may natatanging katangian sapagkat ang hulihang binti ay may hilera ng parang mga tinik. Maraming mga species ng Cicadellidae na magkakaiba ang hitsura at may iba't ibang mga kulay na kaaya-aya tingnan. Mabilis din silang lumipat sa kabilang bahagi ng sanga o dahon kapag nagulat. Buti nga di nagulat…
Ang Panginoon ay makapangyarihan at ang Kanyang plano ay laging mananaig. Maging mapagpakumbaba at huwag magyabang. Gagawin ng Diyos ang Kanyang mga plano para sa atin. At palagi itong para sa kabutihan. Magpagpalang araw sa ating lahat.🙃 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography #Macrophotography #Spirituality
Jumping Spider 🕷 (Rhene ) Maraming uri ng pala ang mga Jumping spider at ito ang isa sa mga nakunan ko noong nakaraang araw. Ang gagamba na ito ay tinawag na Rhene at mula sa pamilyang Salticidae (Jumping Spiders). Mayroon itong malapad at patag na ulo. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography #Macrophotography
Anuman ang ating sitwasyon at panyayari sa ating buhay. Ang pananampalataya ay tungkol sa pagtitiwala sa Diyos at pagtupad sa Kanyang mga pangako, lalo na sa ating pabago bagong kalagayan. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography #Macrophotography
Tamang tambay muna tayo. Sa pwesto ni @goldencathy na petmalu. Kaya tamang kape muna tayo Samahan nang walang katapusang kwento. Bakit daw pabago- bago ang patakaran dito Yung dating FT mo unti unting naglaho. Ngayon may bisa na ang puso mo. Ang tanong pupusuan mo ba ako.? Kung anuman ang pagbabago Mula sa puso maniwala tayo Dahil panigurado para sa ikabubuti natin ito Sana nga lang walang mag aabuso. ------------------------------ Bago uuwi, bago mamalingke. Iwan muna mga…
Dahil nag-brownout kanina, balik muna tayo sa kandila, ka-Noise. Ang seste ay ang init ng panahon kaya't nagpahangin muna sa labas. Naalala ko lang ang mensahe sa aming Church noong nakaraang Linggo na maging ilaw tayo sa mundong ito. Dahil ang ating mundo, kultura, at lipunan ay lubhang nangangailangan ng ilaw na, ayon kay Jesus, sa Mateo 5:14;16 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago... Gayundin naman, dapat…
Mainit at maalinsangan Ngunit dika mapipigilan Kung gusto may paraan Paghanap ng insektong kukunan. Nakakapagod pero sulit naman kung maganda ang kinalalabasan Tangal ang pagod na naramdaman O kay sarap sa pakiramdaman. Balik Rated SPG muna tayo mga ka-Noise.🤭 Humihingi ako ng paumanhin sa aking maliliit na kaibigan dahil ginulo ko sila sa kanilang mga masasayang sandali. Green Tortoise Beetle (Cassida circumdata) The Green Tortoise Beetle is also called Cassida circumdata.…
Maraming tao ang naghahangad ng mga materyal na bagay at maging matagumpay, ngunit pinapaalalahanan tayo na ituon ang pansin sa mga bagay na para sa Diyos. Ang tagumpay ay hindi masama. Nais ng Diyos na tayo ay maging matagumpay para sa Kanyang kaluwalhatian. Kaya gumawa ng isang bagay na mabuti para sa Panginoon ngayon. Magandang araw sa ating lahat. Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng…
Cicada; Cigarra (Cicada barbara lusitanica) Family: Cicadidae Tinatawag namin ang insektong ito na Andidit (Ilocano) na karaniwang lumalabas sa tag-init. Ito yung maingay na katulad din dito sa Noise na pangmalakasan kung mag-ingay. Nakita ko lang kahapon sa puno ng atsuete na ang sarap ng pamamahinga niya. Medyo mataas ito kaya dahan-dahang hinila ang sanga sa kinatatayuan niya ngunit nagulat kaya bigla itong lumipad. Sa kabutihang palad sa puno ng saging lumipat at mababa…
Ang pandemya ay maaaring nabago ang ating buhay, ngunit hindi ito nakawin sa atin ang ating layunin. Marahil marami sa mga ito ay maaaring magbago ngunit ang ating Diyos ay hindi nagbabago. Inayos ng Niya ang lahat upang maganap ang Kanyang layunin. Siya pa rin isang maawain, mapagmahal, at perpektong Diyos na may perpektong plano para sa atin. Magandang gabi. Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong…
Pod-Sucking Bug🙃 (Riptortus) Ang Riptortus ay mayroong dalawang species, Riptortus serripes at Riptortus linearis. Isang lahi ng malalawak na mga bug ng pamilyang Alydidae. Ang katawan nito ay payat at mas makitid sa gitna, na may maikling matulis na tinik sa bawat panig ng kanilang mga binti. Ang mga insekto na ito ay isa sa pangunahing mga peste at nagdudulot ng malubhang pinsala sa mga pananim na Beans. Karaniwan ang kanilang pagkain ay sitaw (long beans). Sinisipsip nila…
Pakawanen dak kakabsat ngem daytoy ti makunak. Kahit abot singit ang init Dulot ng panahong tag-init Mapapakape ka kahit mainit Dahil sa sarap mapapa ulit. Tara kape na!! Great Taste Original! Pampagising sa natutulog mong damdamin Baka sakaling siya parin ang Hahanap-hanapin. Halika na’t namnamin Hatid ay happy ending.
Maging magpagpasalamat sa kabila ng iyong paghihirap. Ilagay mo ang iyong pasanin sa Panginoon, at aalalayan ka Niya. Siya ang iyong kanlungan at kalakasan, laging handang tumulong sa oras ng pangangailangan. Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman. - Salmo 55:22 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography…
Maaaring hindi mo maunawaan ang Kanyang mga pamamaraan. Maaring mahirap maunawaan ang iyong mga problema. Maaaring mahihirapan kang malaman ang mga kasagutan. Ngunit magpahinga sa presensya ng Diyos. At Siya, palagi kang makakahanap ng sapat na lakas upang bumangon. Sa pamamagitan Niya mahaharap mo ang anumang hamon sa iyong buhay. Magandang umaga. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography…
LAMBITIN🙃 Panay lambitin kung saan-saan Palipat-lipat ng sinasamahan. Kaya ingat nalang kaibagan Baka ikaw ay maiiwan. Kasi naman yung akala mong siya na, Pero sumabit sa iba. Kaya ayun nag lambiting mag-isa Baka sakaling mapansin ka niya. #Awit 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography #Macrophotography
Robber Fly🦗 (Efferia pogonias) Family : Asilidae Kilala rin sila bilang isang Assassin Fly at Bee Killer. Mga miyembro ng pamilya (Asilidae) at malalayong kamag-anak ng karaniwang housefly. Ang kanilang hitsura ay medyo nakakatakot dahil sa malalaking mata at mabuhok. Mayroon silang matibay na mga binti na maaaring manghuli habang lumilipad. Karamihan sa kanilang mga biktima ay nahuli sa gitna ng kanilang paglipad. Halos ang anumang lumilipad na insekto ay may potensyal na…
Makikita ng mga tao kung ano ang nasa iyo sa pamamagitan ng mga salitang lumalabas mula sa iyong bibig. Ang iyong mga binigkas na salita ay nagsasabi kung nasaan ang iyong puso at kung sino ka. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi, kaya't bantayan natin ang ating puso. Sapagkat kung ano ang nasa puso ng isang tao, iyon din ang lumalabas sa kanyang bibig. - Lucas 6:45 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San…
Ang Diyos ay may natatanging plano para sa bawat isa sa atin. Ngunit mayroon lamang tayo isang panghuli na hangarin ...upang luwalhatiin ang Diyos. Hindi tayo dapat gumawa ng mabuti para sa ikaluluwalhati ng ating mga sarili ngunit gumawa tayo ng mabuti para sa kaluwalhatian ng Diyos. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙂 So whether you eat or drink, or whatever you do, do it all for the glory of God. 1 Corinthians 10:31 NLT 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my…
Leaf-footed Nymphs (Leptoglossus zonatus) Nymph of a leaf-footed bug. Ang mga malilit at napakabatang insekto na wala pa sa gulang (kilala bilang nymphs) ito ay malambot ang katawan at bright orange-red ang kulay. Ang mga insektong ito ay sumisipsip ng mga katas ng halaman mula sa mga dahon, sanga at prutas. Kapag ang mga insektong ito ay kumakain ng prutas, nagdudulot ito ng iba't ibang mga problema depende sa prutas. Magandang araw ka- Noise😁 📸 #Originalphotography®️…
Makikita natin ang katapatan ng Diyos sa ating buhay habang nahaharap tayo sa mga pagsubok. Ang Kanyang katapatan ay nangangahulugan na Siya ay totoo sa Kanyang Salita, Nawa'y makahanap tayo ng kalakasan at katiyakan sa kanyang katapan. Magandang gabi sa ating lahat. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography #Macrophotography #RandomThoughts
Cicada Exuviae Abandoned exoskeleton. Ang Exuviae ay ang technical term para sa mga exoskeleton ng mga insekto o iba pang mga arthropods. Ito yung tuyong balat ng mga insektong Cicada na naiwan kapag sila ay may sapat na gulang. Nai-post ko na ang tungkol sa Cicada na maaari mo itong balikan.🙃 https://noise.cash/post/lv3455xp 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography #Macrophotography
Magandang araw sa ating lahat! Nais ko lamang ibahagi ang nakita kung isang Giant Swallowtail Catterpilar sa may dahon ng tanim nilang Calamasi dito sa malapit sa aming opisina. Hindi mo aakalain na isang uod kung malayo ka dahil ito ay parang mga tae ng ibon na nahulog lang sa dahon ng Calamansi. Ang Caterpillars na ito sa pangkalahatan ay kayumanggi at puti ang kulay at kahawig ng mga dumi ng ibon o isang ahas. Ang mukha na parang namamaga at ang dalawang malalaking spot…
Nangako ang Diyos ng kapayapaan na hindi maibibigay ng mundo, isang kapayapaang hindi maintindihan ng mundo, isang kapayapaang maaari mong maranasan sa kabila ng mga kaguluhan sa buhay. Ang kapayapaang ito ay maaaring maranasan kung mayroon tayo sa Kanya sa ating buhay. Walang sinuman ang maaaring magpaliwanag ng kapayapaang ito sapagkat papayagan tayong maging payapa sa kabila ng ating pinagdadaanan. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang…
Mud Dauber Wasp (Sceliphron madraspatanum) Family Sphecidae. Di man ako pinalad na kunan ng magandang angulo. Dahil nagulat at biglang lumipad palayo. Natabig ko kasi kung saan siya dumapo. Buti nalang may kuha akong mas klaro. Kaya ito lang muna maibahagi ko sa inyo. At sana lang ay magustuhan niyo. Mud daubers Wasp are black in general with yellow stripes crossing the body and banding the legs; body form is narrowly elongated, thread-waisted with a very narrow constriction…
Ang Diyos ang ating provider at may pakialam siya sa atin. Siya lamang ang makakapagbigay kasiyahan sa ating kaluluwa. Siya ang dakilang Diyos na pareho kahapon, ngayon at magpakailanman! Kaya salamat sa pagpapalang natamo, Napadaan ulit sa kapehang pwesto. Halika na at kape tayo Sa tambayan ng mga ilocano. Samahan ng Otap na panalo Ang sarap at busog ang ang natamo. Salamat ulit sa petmalu naming kaibigan @goldencathy. Next week ulit.hahaha
Ang mga tao at mga bagay ay nagbabago bawat oras at hindi natin makontrol ang pagbabago. Ang tanging bagay lamang na makokontrol natin ay kung paano tayo tumugon sa mga sitwasyong kinakaharap natin. At sa mga mahihirap na panahon napakahirap tumugon nang positibo at masaya. Iyon ang dahilan kung bakit napakahalaga kung saan nakatuon ang ating mga mata. Kung ang ating mga mata ay nakatuon sa mga tao, tayo ay mabibigo. Kung ang ating mga mata ay nakatuon sa mga kaligayahan,…
Magtiwala na ang Diyos ay gagawa ng mabubuting bagay sa iyong buhay. Ituon ang pansin sa Kanyang mga pangako at hindi sa iyong mga pagkakamali. Good night everyone. Bukas ulit😍 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography #Macrophotography
Bangon Kapatid, may dahilan talaga para mabigyan tayo ng pagkakataon na bumangon, babangon tayo para sa Panginoon. Ito ang araw na ginawa ng Panginoon , kaya tayoʼy magalak at magdiwang. - Salmo 118:24 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography #Macrophotography #Spirituality
Sa dami ng mga species ng uod mahirap hanapin kung ano ang tamang pangalan. Kaya't hindi ko alam kung anong uring uod at kaninong pamilya ng insekto ito. Sa uod palang yan, wala pa diyan ang mga iba't ibang klase ng insekto. Kaya nakaka amaze talaga ang mga nilalang ng ating Panginoon. At ang bawat nilalang niya maliit man o malalaki ay unique at hindi kayang mailalarawan ng ating mga isipan. Ang masasabi ko lang ay ang ating Diyos na lumikha ng langit at lupa ay…
Dahil hindi nagsawa sa pagbisita sa akin. Hindi rin ako nagsawa na kunan ng larawan ang mga insekto na ito. Kaya't muli kung ibahagi ko ito sa iyo dito, sana ay hindi kayo magsawa.🙃 Ito yung Green Jewel Bug na laging dumarapo sa halaman ng Tagumbao (Tuba-Tuba) sa aming bakuran.🍃 Nai-post ko na ang tungkol dito na maaari mo itong balikan.🙃 https://noise.cash/post/1940mjn5 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union,…
Kapag ang BCH ay mataas, asahan mo na ang post ng mga ka-Noise nating iba ay tungkol sa BCH. Dahil Miss Universe Ngayon sympre di mawala sa wall natin ang patungkol dito kahit sa ibang social media. Naalala ko tuloy ang nabasa kong Convo tungkol sa Miss u na ganito ang usapan nila, Boy 1: Hello Pre Miss u na. Boy 2. Talaga Pre. Sure ka diyan. Boy 1: Oo, Pre Miss u na nga. Boy 2: Aww! Miss u too, Pre. Boy 1: Anong miss u too ka diyan pre.. sabi ko Miss Universe na. Oy!…
Hindi ka papabayaan ng Diyos na dumaan ka sa iyong paglalakbay na mag-isa. Maaari mong maramdaman na nag-iisa ka ngunit ang presensya Niya ay laging kasama mo. Dahil sabi sa kanyang pangako Hindi ka niya iiwan at hinding hindi kanya pababayaan. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙃 📸 Lynx spider on a Zinnia flower🕷🌼 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography #Macrophotography
Coreid Bug🤔 (Acanthocoris scabrator) Ang Coreid bug, na tinatawag ding Leaf-footed bug o Squash bug ay isang lahi ng malawak na bugs na nasa pamilya ng Coreidae. Ang mga insekto na ito ay isang peste ng kalabasa at melon, na sumisipsip ng mga katas ng halaman mula sa mga pananim tulad ng mga gisantes, beans, patatas, at mga kamatis. Kadalasan ang mga ito ay dark colored, kahit na ang ilan ay brown, orange, o yellowish, at maaaring may magkakaibang mga kulay. Ito muna ang…
Anumang madilim na pinagdadaanan mo ngayon ay may katuturan sa tamang oras. Hindi ka lamang nilagay ng Panginoon sa isang sitwasyon nang walang dahilan. Kahit na nagkamali ka, God is still working. Hindi mo man naiintindihan ngayon ngunit may pag-asa. Magpakatatag ka. Huwag kang susuko. Makakaasa ka na ang Diyos ay makakasama mo sa madilim mong laban. Siya ang iyong ilaw at gabay sa tamang landas. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San…
Black Robber Fly Ang mga Robber flies ay minsan napapagkamalang mga dragonflies dahil mayroon silang mag katulad na katangian kabilang ang nakaposisyon na mga binti,malalaking mata at mahabang payat ng tiyan,subalit ang Robber Flies ay mayroon lamang isang pares ng mga pakpak hindi katulad ng mga tutubi na dalawang pares ang mga pakpak. Ang Robber Fly na nakunan ko ay kulay itim kumpara sa naunang post ko noong nakaraan. Ito ay maitim na kulay-abo hanggang sa mga pakpak na…
Flat-faced Longhorn Beetle. (Callimetopus capito) Isa na namang inCHICKto ang nais kong ibahagi sa inyo. Kinunan ko ito kaninang umaga sa tabi mismo ng pinagtatrabahuhan ko. Minsan, kung maaga pa, maglibot muna sa garden na malapit sa gusali ng opisina. Kaya't may tsambahan ulit na isang uri ng longhorn beetle. Ang Callimetopus capito ay isang isang uri ng longhorn beetle na kabilang sa pamilyang Cerambycidae at ito ay kilala mula sa pilipinas. Naimbag nga rabie tayo amin.…
Maaaring pilitin ka ng mundo na gumawa ng maraming bagay, ngunit laging tandaan na mayroong perpektong tiyempo para sa lahat. Alam ng Diyos kung handa ka na. Ibibigay niya ang hinihiling mo kapag handa kang tanggapin ito. Anuman ang nais mong gawin, humingi ng Kanyang patnubay, at Siya ang magdadala sa iyo doon. Hawak niya ang oras, at Siya ang lumikha ng sanlibutan. Maaari mong palaging ilagay ang iyong tiwala sa Kanya. Maaaring magtagal ito, ngunit matuto ka lang na maging…
Coreid Bug Nymph🙃 (Acanthocoris scaber) Ito ang mga batang coreid bug na akala mo ay tulad ng mga sundalong nagmamartsa... at sa huling larawan, sila ang pasaway dahil na hiwalay sa kanilang hanay.😁 Nakita ko sila kung saan nakaposisyon ang mas matandang coreid bug na marahil ang kanilang ina ang na-post ko kamakailan. At ang kulay ng mga maliliit na nymph na ito ay itim na kulay-abo. Ang tungkol sa Coreid Bug na malalaki ay maaari mo itong balikan ang aking nakaraang post.…
Madalas nating nais ang isang agarang resulta at mga instant na bagay kaysa sa mga mahahalagang bagay sa ating buhay na tumatagal ang epekto. Maaari mong maramdaman ang kasiyahan sandali, ngunit hindi ito magtatagal. Minsan, ang agarang mga resulta ay maaari lamang humantong sa iyo sa mas malalim na sakit. Kaya pumili ng mga bagay na nakalulugod sa Diyos. Kaya bago ka gumawa ng anumang desisyon, mangyaring kumunsulta sa Diyos at subukang suriin ang iyong puso. Marami tayong…
Mapagpalang gabi sa ating lahat mga kakabayang maiingay. 🇵🇭 Tambay muna tayo dito sa bagong Pinoy Channel.
Dahil sarado ngayon ang dalawang karenderya na kung saan kami nagpapa - deliver ng aming pagkain pag tanghali, kaya ayan tuloy napa Jollibee ng wala sa oras. Ang hot ng panahon ngayon mga ka-noise kaya tamang hot and spicy chicken muna tayo… baka sakaling maging Hot and Spicy din tulad nila.
Ground Skimmer or Chalky Percher (Female) (Diplacodes Trivialis) Family: Libellulidae Magandang araw mga ka-Noise, sharing time na naman mga insekto. Nakunan ko ang isang Tutubi kahapon na tinatawag naming Ilocano na Tuwwató , Tuwato o Ussait. Ngunit ang kanilang mga pangalan ay hindi pare- pareho sapagkat maraming iba pang mga species ng mga tutubi. Ang tutubing ito ay tinawag na Ground Skimmer (Diplacodes trivialis) na kabilang sa pamilyang Libellulidae. Ito’y isang…
Habang pinapakingan ko ang kantang Way Maker nareremind ako kung gaano kadakila ang ating Panginoon. May matinding pinagdadaang problema man o wala talagang ang ating Diyos ay dakilang Way maker, miracle worker, promise keeper, and light in the darkness. Yun panahong akala mong wala ng sulosyon ang mga problema mo, ang mga pasanin ay palala ng palala, at tila bang wala ka ng mapuntahan pa dahil dead-end na kumbaga. Pero sa sobrang over-whelming sitwasyon na kung saan walang…
Magandang araw mga kabayang Pi-noise. Dahil may bago ngayon dito sa Noise. May sariling channels kung saan ka mag-post. Nais ko ding subukan Para lalong gaganda ang samahan Dito muna tatambay at mag kwentohan. Sama-samang tuklasin ang kagandahan Para ibahagi ang kahanga-hangang mga larawan At mga magagandang karanasan. Mga kabayang PI- NOISE 🇵🇭🇵🇭🇵🇭 Baka Naman gusto niyong sundan.😁👇👇👇 https://noise.cash/c/mobile-phone-photography-ph-v413m415 #Philippines
Magandang araw mga Ka-Noise! Nais ko lamang ibahagi ang Jumping spider na nakunan ko ilang linggo na ang nakaraan. Hindi ko alam kung anong uri ito ng Jumping spider dahil marami silang mga lahi. Ang maliit na gagamba na ito ay kabilang sa pamilyang Salticidae, na bumubuo sa pinakamalaking sa lahat ng mga grupo ng spider na maaring higit sa 6,000 species sa buong mundo. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union,…
Tanggapin kung ano ang hindi mo mababago. Ang buhay ay hindi nasa ilalim ng iyong kontrol. Ang pagtanggap at pasasalamat ay binabawasan ang sakit pagdating ng trahedya sa ating buhay. Magpasalamat tayo sapagkat may Diyos tayong masasandalan. Magtiwala sa Kanya upang gawing matagumpay ang iyong trahedya sa tamang oras. Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo ngunit alam ng Diyos at Siya lang ang kailangan mo upang maibalik ang iyong kapayapaan, kagalakan, pag-ibig, at…
Magandang araw ng Sabado ka- Noise! Sabi nga nila, Better to count our blessings than to focus on our struggles.💪 Salamat Panginoon sa biyayang natanggap namin ngayon.Yun nagising palang tayo kaninang umaga ay napakalaking biyaya na. Salamat sa safety and protection na nakarating ako ng elyu na safe and sound.😉 At syempre, Salamat sa mainit na kape at pandesal ni mildred @goldencathy. (Magtayo ka nalang coffee shop mo.✌) Samahan mo ng choco crinkles na bigay ni mam @ZanneV.…
Maulang hapon mga ka-noise.! Sabi nga nila, giving thanks is one of the best form of worship.🙌 Lord, maraming salamat sa biyayang ulan at ang lahat ng iyong nilalang ay naginhawaan. Ice cream muna tayo mamaya na yung kape para tuloy- tuloy ang lamig. 🙃 Maraming salamat mam @shashley ice cream. Next week ulit😉
Kung nararamdaman mo ngayon at pakiramdam mo ay nawawalan ka ng gana na gumawa ng mga bagay, o nawawalan ka ng kasiyahan sa lahat ng bagay at sa lahat ng tao sa paligid mo. Marahil ay nagsisimula kang mawalan ng pag-asa dahil sa patuloy na problema na dulot ng pandemya na nakalaapekto sa ating kalusugang pisikal, mental, emosyonal, pampinansyal at pang-espiritwal. Nais kong sabihin sa inyo na may pag-asa kay Hesus sapagkat Siya ang ating Buhay na Pag-asa. Ang katotohanang…
Asian Painted Frog (Kaloula pulchra) Mayroon akong bisita ng palaka kaninang umaga sa aming bakuran. Dahil siguro umulan kagabi kaya lumabas siya upang maghanap ng makakain. Ang tawag sa kanya ay Asian Painted Frog, kilala rin bilang Chubby Frog, Banded Bull Frog, Rice Frog, o Bubble Frog. Ang mga palaka na ito na kabilang sa pamilya ng palaka na makipot ang bibig at may bilog na katawan na may mahogany na brown na likod at cream na tiyan. Ang mga natatanging guhit sa gilid…
Kinakausap tayo ng Panginoon upang bumabalik tayo sa kanya. Hindi mahalaga kung ano ang nagawa natin ang Kanyang awa at kapatawaran ay naghihintay sa atin. Panginoon nawa ang iyong kalooban ang masunod para sa amin at hayaan mong gabayan kami ng Iyong Espiritu at ibalik kami sa Iyong mga nagmamahal na bisig. Mapagpalang araw ng Lunes sa ating lahat, Umagang kayganda🙃 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines.…
Yellow-banded Polybia Wasp (Polybia occidentalis) Magandang araw Ka-Noise! Isa na namang kagiliw-giliw na insekto ang nais kong ibahagi sa iyo na nakunan ko kaninang umaga. Tahimik na namamahinga sa isang dahon ng halaman. Ito ay isang uri ng wasp, maliit na nilalang na tinatawag na Yellow-banded Polybia Wasp (Polybia occidentalis) at karaniwang kilala bilang Camoati na nabibilang sa pamilyang Vespidae. Ang kulay ay itim at dilaw at ang mga pakpak nito ay manipis na may…
Ang paghihintay ay isa sa pinakamahirap na gawin. Lalo na sa panahon ngayon kung saan lahat ng gusto natin ay madalian. Ang problema sa kawalan ng pasensya ay nagkakaroon tayo ng isang ugali na kumilos kaagad kaysa maghintay para sa patnubay at direksyon ng Panginoon. Iyon ang dahilan kung bakit karamihan sa atin ay napunta sa mga sitwasyon kung saan ang resulta ay nakakapagod at paulit-ulit na nagagawa ang parehong pagkakamali sapagkat sa halip na maghintay para sa…
Dahil umulan kahapon ng gabi sinubukan kong maghanap ng mga kaibigan nating mga inChickto kaninang umaga. Minsan kapag umuulan, lumalabas sila mula sa kanilang mga lungga at baka may makitan akong Kakaiba. Buti na lang may nagpakita at ngayon ko lang nakita ang ganitong klase ng insekto kaya na-excite ako. Kaya't hindi ako nag-alangan na kumuha ng maraming mga shots baka biglang umalis at sayang ang pagkakataon. Mahirap kunan magandang angulo at detalye dahil malikot at…
Share ko lang ulit ka-Noise, ang nakunan kong insekto kanina. Ang isang magandang Banana stalk fly na ang tiyan ay busog o baka buntis siya😂 Na-post ko na ang insekto na ito na maaari mong balikan para sa iba pang mga larawan na may link sa ibaba. Parang larawan ng ex mo na magagandang alaala nalang ang maaari mong balikan.✌ Magandang gabi sa ating lahat.😉 https://noise.cash/post/1gz322zk 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City,…
Matoto na yakapin at mahalin ang bagay na ipinagkakaloob sa iyo ng Diyos. Huwag tumingin sa mga bagay na wala ka o hindi pa nangyayari. Makontento, masiyahan sa Kanyang presensya at Magpagkumbaba. Hatid ko ay isang maliit na butterfly, Sana matangal ang iyong lungkot at lumbay. Good night ka- Noise😉 May God bless us All.🙏🙏 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography #Macrophotography #RandomThoughts
Magandang araw mga Ka-Noise!🙃 Isang inCHICKto na naman ang ibahagi ko sa inyo. Ito yung kilala sa Pilipinas na gagambang Ekis sapagkat literal na X ang itsura habang nasa kanyang bahay. Kilala rin sa kanilang laki at kapansin-pansin na hitsura ang kulay ay may yellow, orange at may itim na tiyan. Mayroon silang isang puti, malagkit na web, na lumilitaw sa anyo ng isang zig-zag pattern at kabilang sila sa pamilya ng orb weaver.🕸 Sana magustuhan niyo at maraming salamat…
Huwag maging abala na subukang baguhin ang isang tao sapagkat ang Diyos lamang ang makakabago sa tao. Huwag maging abala na subukan na kontrolin ang iba. Ituon ang pansin sa Panginoon sapagkat Siya lamang ang magbabago ng iyong pagkatao at sa iba. Magandang hapon sa ating lahat.🙃 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography #Macrophotography #Spirituality
Huli pero di kulong.😁 Paumanhin lang mga ka- noise dahil Rated spg po ulit. Huli kasi sa akto ang dalawang ito sa kanilang intimate moments. Para maprotektahan ang kanilang pagkakilanlan, di po natin ipag-landakan ang kanilang pangalan baka kasi mag viral. Pero kung alam niyo ang ID pa comment nalang para sa susunod alam na natin.😁 maraming salamat.😷 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography…
Hindi alintana kung ano ang nangyari sa iyong buhay hanggang sa puntong ito, hindi pa huli ang lahat. Ang Diyos ay hindi tumitingin sa nakaraan mo ngunit sa iyong kinabukasan. Hindi ka Niya nakikita para sa kung ano ka, nakikita ka Niya para sa kung ano ang maaari mong marating. Mapagpalang umaga sa ating lahat.🙃 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography #Macrophotography
May isang kakaibang uod ang nakunan ko mga ka-Noise, medyo hawig sa Bull na may maliliit na sungay. Sana nga parang BCH na green ang kulay at sana bullish na tuloy- tuloy ang pag-akyat para naman lahat masaya.😁 Nakita ko ang uod na ito sa puno ng Guyabano na nagpapahinga.. Ang tawag sa kanya Tailed-Jay Caterpillar (Graphium agamemnon), ng pamilya Papilionidae, ang kulay ay green na may itim at dilaw na sungay sa ulo. Sana magustuhan niyo at maraming salamat hanggang sa…
Kapag naramdaman nating nawalan tayo ng kontrol sa buhay. Ang Diyos ay laging naghihintay, laging bukas ang Kanyang bisig upang tanggapin tayo. Palagi niyang ibinibigay ang ating mga pangangailangan alinsunod sa Kanyang kalooban. Ipagdasal lagi na ang Kanyang Kalooban ay magawa sa lupa tulad ng sa Langit. Mapagpalang araw sa ating lahat. Snail in my yard.🐌🐌 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines.…
Wag Tularan. Huli pero di kulong 2.😁 Paumanhin mga ka- Noise dahil Rated SPG na naman.😁 Ang mga insektong 'wag tularan Noong una ay nagkahiyaan Maya't maya may ligawan Kalaunan nagkaroon ng kababalaghan. Aba! kay Kabilis nga naman Agad-agad sinuko ang bataan.✌ Baka naman mga ka-noise. Kung sakaling alam niyo ang ID pa comment nalang. maraming salamat.😷 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography…
Minsan inilalagay tayo sa isang mahirap na sitwasyon upang sukatin tayo kung gaano katatag ang ating pasensiya at paniniwala. At ang mabibigat na hamon sa atin ay siyang nagbigay ng pinakadakilang mga aral sa ating buhay. 💪 Mapagpalang araw ng Friday sa ating lahat, Umagang kayganda🙃 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography #Macrophotography
Malapit na ang tanghalian mga ka-Noise! Anong ulam natin diyan? Buti pa si Pareng Lawa- lawa (Ilocano) Orb Weaver Spider sa English ay maayos na dahil may nahuli na siyang pagkain. Nakita ko lang kahapon sa daan ng pauwi ako galing sa trabaho. Kaya ito muna ang ibabahagi kung insekto sa ngayon. Maraming salamat at mapagpalang araw ng Friday sa ating lahat.🙃 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography…
Dahil may bagong update sa Noise na binabahagi ng iba dito. Share ko na din ang napicturan ko kanina sa daan na isang maliit na ating kaibigan. Isa itong uri ng Skipper moth na kabilang pamilya ng Lepidoptera (moths and butterflies). Maamo naman siya kaya habang kinukunan ko, pero ng ilagay ko na sana sa aking daliri lumipad na palayo. Kaya pagpasensiyahan niyo nalang muna itong kuha ko. Ayon sa nabasa ko ganito ang pagkakaiba ng Butterflies at Moths. Karaniwang nagpapahinga…
Mag-isip ng dalawang beses bago magbitiw ng masakit na salita. Dahil ang mga masasakit na salita na binitiwan ay hindi na maibabalik pa, maaari itong sirain mismo ang puso at kaluluwa ng iba. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, La Union, Philippines. #Photography #Macrophotography
Dahil magaganda ang mga nakunan nilang larawan ng Full Moon noon nakaraan araw. Nais ko ding i-share ang aking nakunan noon pero yun lang expectation vs reality talaga.😁 Ang gandang tignan dahil malaki siya pero nang kunan ko ng litrato ganito lang ang kinalabasan, samahan pa ng mga panirang petmalung sampayan ng Pinas. Pang Macro lang talaga ang kaya ng aking cellphone kasi naman yun malaking Moon lumiit, yun maliit lumalalaki. Kaya pasensya nalang ito lang ang aking…
Blessed Sunday everyone.😊 Isa na naman cute na ating kabigan ang nabisita ko kanina sa kanyang lungga. Nag aya kasi ang isa kong kaibigan na sasamahan ko daw siya sa kanilang bukid para kukuha ng lupa para sa kanyang mga halaman. Di na ako nag atubiling sumama dahil malapit lang naman sa aming bahay at pagkakataon na din para maghanap ng mga maliit nating kaibigan na mga insekto. Ito yung uri ng insektong kung tawagin ay Mango Planthopper na kulay berdeng tatsulok at may…
Happy Monday! Balik trabaho ulit tayo mga ka-Noise! Nais ko lamang ibahagi ang aking nakunan kahapon sa bukid ng aking kaibigan na isang uri ng Jumping Spider na isa sa pinakamalaking pamilya ng mga gagamba. Ang nakakaaliw minsan sa mga insektong ito dahil nahihiya man ngunit pagkukunan mo ng larawan nakatitig naman sa camera mo at mapapangiti ka nalang pag nakunan mo ng maganda.😁 Kaya aliwin natin ang ating sarili, ngiti lang mga kaibigan kahit maraming pinagdadaanang…
Chill lang muna tayo kahit na mainit ang panahon ngayon mga kababayang Pi-niose! Tamang tambay muna at simpleng paalala. Matutong controlin ang sarili kahit punong puno ng hinanakit at galit dahil kung sasabog ito hindi mo na maibabalik ang mga sinabi mong mga salitang masasakit.