read.cash Log in
@Fherdz

@Fherdz in August 2022

@Fherdz

Kanina pa kalikot ng kalikot sa phone para maghanap ng maipo-post. Marami namang nakunang larawan kaso mahirap maglagay ng caption. Kaya itong maliit na paru-paro lang ang nakayanan na pwede niyong pagtiyagaan.๐Ÿ˜

@Fherdz

May palabas ngayon na mainit init pa Nagbabardagulan sa takilya. Gayundin sa social medya Ayaw paawat ang magkabila Kung sino ang lamang at bida-bida Pero kayo na ang bahala .. Basta ako manood muna ng Extraordinary Atty. Woo.๐Ÿ˜ Kaya ito muna ang i-share kong larawan Dalawang langgam na aking nakunan Kung mag agawan ay walang pakialaman Di baling makalamang kahit sino pa ang masakatan.

@Fherdz

Nakakalungkot na balita, kamakailan lang ay pumanaw ang dating pangulong FVR. Ngayon isa na namang award-winning character actress na si Cherie Gil ang susunod. ๐Ÿ˜ช ๐Ÿ“ธctto filipino

@Fherdz

Hello mga ka-PiNoise! Share ko lang itong nakunan kong isang maliit na Skipper Butterfly. Buti nalang pinagbigyan akong mapicturan bago lumipad palayo. Magandang gabi.๐Ÿ™ƒ

@Fherdz

Yung option ka lang sa buhay niya Kung hindi mag wowork sa iba Babalikan ka niya. Awit๐Ÿ˜‚ Flex ko lang! Mga alagang pusa ng kapatid ko sa bahay namin sa probinsya.๐Ÿ™ƒ๐Ÿฑ๐Ÿˆ

@Fherdz

Kung mawawala sa atin lahat ng bagay na meron tayo ngayon, pati ang mga mahal natin sa buhay, patuloy padin ba natin sasambahin ang Panginoon? Napakahalaga na matibay ang pundasyon ng faith natin sa Panginoon sa pamamagitan ng pagkakaroon natin ng mas malalim na relasyon sa Kanya at mas malalim na pagkakilala sa Kanya. Para kahit anong dumating sa buhay natin ay panghahawakan natin ang mga pangako ng Panginoon at pagkakatiwalaan natin ang nature ng Panginoon. Palakihin angโ€ฆ

@Fherdz

Flex ko lang itong bigay ng client naming. Akala ko may nakalimutan lang kaya bumalik after ng transaction sa office. Pero may ibigay pala sa amin na merienda. Aba eh, blessings na yarn kaya mahirap tanggihan hehehe. Nagkakape na ako, kaya mamaya nalang upakan yong ibang pagkain.๐Ÿ˜

@Fherdz

Buhay MUG-isa!โ˜• Kung MUG-isa ka lang sa buhay Huwag kang MUG-alala Darating din ang MUGpapasaya sayo. At kapag dumating na, MUG-asawa ka na.๐Ÿ˜ ๐Ÿ“ธctto

@Fherdz

Pagkatapos maglaba Harapin ang kusina Dahil tanghalian na. Salamat you tube sa gabay Natutong magluto't makisabay Mula noon ikaw na ang kaagapay. Arat na kain na, ginisang sitaw sa manok.๐Ÿ˜

@Fherdz

Yun nasa Church ka pero may bisita din nadadapo sa sayo. Sabi ko nalang wag ka munang lilipad at kukunan pa kita. Ayun, pinagbigyan naman pero umalis agad kaya ito lang ang nakayanang kuha.๐Ÿ˜

@Fherdz

Madalas kaya hindi lumalago ang relasyon natin sa Panginoon ay dahil madami tayong bagay na itinatago sa dilim. Natatakot at nahihiya tayo na ilagay ito sa liwanag dahil alam natin na mali pero hindi natin mapakawalan dahil malakas ang kapit sa atin. Pero pag ganito tayo ay baka wala tayong tunay na relasyon sa Panginoon o malamang dahan-dahan tayo napapalayo sa Panginoon. Lumakad sa Liwanag. Huwag mahiyang ipakita sa Diyos kung sino kayo talaga dahil alam na Niya kung sinoโ€ฆ

@Fherdz

May kumakalat sa Soc med ngayon tungkol sa taong ahas daw sa Robinson. Narinig ko na ang bali- balitang ito noon at may movie ata binase dito. Totoong may taong ahas talaga pero wala sa Robinson. Minsan nga kasa- kasama mo at kausap. Lol. ๐Ÿ˜‚ ๐Ÿ“ธctto

@Fherdz

Maulan kaya lalong mas masarap mag kape. Wala ng hugot kape, humigop na agad pagka timpla. Kaso mainit pala, kaya ayun napaso ang dila. Magandang hapon sa ating lahat.โ˜•โ˜•

@Fherdz

Tandaan natin na lahat ng pinagdaraanan natin ay madalas dalawa lang ang rason: Minsan meron tayong ginawa na mali kaya hinaharap natin ang consequence, o sinusubukan ng Panginoon ang faith natin para mas lalo pa itong tumibay at mas lalo pa tayong mapalapit sa Kanya. ๐Ÿ™‚ Alalahanin natin ang pinakamahalagang katotohanan: Na 2000 taon na ang nakalilipas pinasan ni Jesus hindi lamang ang pasanin kundi ang kaparusahan sa lahat ng ating mga kasalanan. Ang pananampalataya sa Kanyaโ€ฆ

@Fherdz

Napakahalaga na tama ang source of Hope natin. At ang Panginoong Hesu Kristo lang ang makapagbibigay sa atin ng tunay na Pag-asa dahil Siya ang naglikha sa ating lahat, dahil Siya ang nagbigay ng purpose natin sa mundong ito, at dahil Siya lang ang nag-iisang daan para magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan sa langit balang araw. At kung meron tayong buhay na walang hanggan sa langit ay nasa presensya tayo ng Panginoon for eternity at sa langit wala ng sickness, wala ngโ€ฆ

@Fherdz

Yung day off mo, pero dami mo palang gagawin. Kaya kape muna, bago lumarga sa paglalaba. Magandang araw sa ating lahat.โ˜•

@Fherdz

Bago magpatuloy sa sanka-damakmak na labada. Kain muna dahil nagutom na. Habang naglalaba, sabayan ng pagprito ng isda, napatingin sa may bakuran kaya namitas ng talbos ng kamote para may pantapat sa isda. Samahan ng kamatis at bagoong. Ayun kain muna. ๐Ÿ˜

@Fherdz

Late nag-agahan kanina kaya late din nananghalian. Ulam tayo monggo with dahon ng ampalaya na may kasamang isdang gg, natira ko kanina kaya sinahog ko na pampalasa. Lol.๐Ÿ˜‚ Arat na.๐Ÿคค๐Ÿคค

@Fherdz

Green Tortoise Beetle (Cassida circumdata) Hanggang ngayon brownout pa, buti nalang mahangin at di gaanong mainit. Pero ang dalawang Tortoise Beetle ay nasa kalagitnaan ng nagpapainit ng katawan๐Ÿ˜‚ Huli sa akto, pero di kulong๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

@Fherdz

Kung hindi natin naranasan ang pag-ibig ng Panginoon at hindi tayo napupuno ng pag-ibig ng Panginoon, hindi natin ito maibibigay sa ating kapwa. Dahil hindi natin maibibigay ang wala tayo. Ang Tunay na Pag-ibig, isang pag-ibig na walang kundisyon, selfless and sacrificial, mahahanap at mararanasan lamang kung tayo ay kay Kristo. Mahirap ipakita ang ganitong uri ng pagmamahal sa pinaka-espesyal na mga tao sa ating buhay sa pare-parehong batayan, gaano pa kaya sa ibang tao?โ€ฆ

@Fherdz

Dahil sa bagyong florita at apektado kami dito sa norte, kaya inabisuhan kami ng nakatatas na wala kaming pasok ngayong araw. Mabuti na din para maka pakapahinga dahil medyo di pa rin maganda pakiramdam ko simula noong Lunes dahil sa sipon. Kaya mag hapong dito lang sa bording house nakahilata. ๐Ÿ˜ Share ko na rin itong nakunan kong paru-paro, diko gaanong nakunan ng magandang anggulo dahil medyo mataas ang bintana kung saan ito nakadapo. Kumuha ako ng tuntungan para makunanโ€ฆ

@Fherdz

Bawal tumanggi sa grasya kaya napa greenwich ng wala sa oras. Lol๐Ÿ˜‚ Maraming salamat sa aming client na bukal sa pusong nag share ng pagkain. After matapos ang transaction umalis pero pag balik boom! Blessings. Salamat boss. Sa uulitin. Arat na.๐Ÿคค๐Ÿคค๐Ÿคฉ

@Fherdz

Ok lang masaktan para tumibay. Ok lang minsan mag-isa para mkita mo ang tama. Ang lahat ng ito ay paraan lamang ng Diyos para maging matatag ka. Inilagay ka niya sa ganitong sitwasyon para ihanda ka sa plano niya para sa iyo. Manatiling matatag. Panatilihin ang Pananampalataya. Itong Moth muna ang i-share ko sa inyo, naging bisita namin sa office noong nakaraang araw. Mapagpalang araw sa ating lahat.๐Ÿ™ƒ

@Fherdz

Kung gagawa tayo ng kabutihan sa kapwa natin ay gawin natin ito privately at wag natin ipagsigawan sa mundo ang ginawa natin. Isipin niyo nalang ang mararamdaman ng tao na tutulungan natin, halimbawa bibigyan natin ng pagkain, tapos makikipagselfie tayo tapos ilalagay natin sa social media. Hindi ko sinasabi na mali ang post sa social media pero ano ba talaga ang heart natin sa paggawa natin ng mabuti sa kapwa natin. Kaya matetest natin ang sarili natin kung gagawa tayo ngโ€ฆ

@Fherdz

Isa itong trending sa social media, Pambansang Kolokoy at Marites hiwalay na matapos ang 20 taong pagsasama. Inamin ni kolokoy na meron na siyang iba, pero di natin alam ang tunay kwento kaya sa ibang trending nalang tayo. Dahil nasa BER Months na bukas kaya sandamakmak na memes ni Sir Jose Mari Chan ang nagsulputan sa FB. Abangan bukas...September 1 na... Pasko na!!!๐Ÿ˜ ๐Ÿ“ธ๐Ÿ“ธCtto