Kung gagawa tayo ng kabutihan sa kapwa natin ay gawin natin ito privately at wag natin ipagsigawan sa mundo ang ginawa natin. Isipin niyo nalang ang mararamdaman ng tao na tutulungan natin, halimbawa bibigyan natin ng pagkain, tapos makikipagselfie tayo tapos ilalagay natin sa social media. Hindi ko sinasabi na mali ang post sa social media pero ano ba talaga ang heart natin sa paggawa natin ng mabuti sa kapwa natin. Kaya matetest natin ang sarili natin kung gagawa tayo ng kabutihan kung walang makakaalam ng ginawa natin. Dito natin malalaman kung ang intensyon ba talaga natin ay mapapurihan ang Pangalan ng Diyos at makatulong talaga sa kapwa natin. Suriin ang ating puso ngayon. Sa lahat ng ginagawa natin, lalo na ang mabubuting bagay at sa ating tagumpay, Sino ang naitataas at napupurihan? Ito ba ay inyong sarili o sa Diyos? Dalangin ko na ihayag sa atin ng Diyos kung sino talaga tayo at dalangin ko na kung kailangan, pinapahintulotan natin Siyang baguhin ang ating puso at motibo. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙏🙃
2 comments
yeap, Kasi I believe we should never let our left hand know what our right hand is doing. Si Lord na bahala magreward sa good deeds natin. Ganda ng photo mo mate, well as usual naman eh!😉👍
Amen mam