Napakahalaga na tama ang source of Hope natin. At ang Panginoong Hesu Kristo lang ang makapagbibigay sa atin ng tunay na Pag-asa dahil Siya ang naglikha sa ating lahat, dahil Siya ang nagbigay ng purpose natin sa mundong ito, at dahil Siya lang ang nag-iisang daan para magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan sa langit balang araw. At kung meron tayong buhay na walang hanggan sa langit ay nasa presensya tayo ng Panginoon for eternity at sa langit wala ng sickness, wala ng death, wala ng pain. Nandoon ang perfect world na hinahanap natin dahil nandoon ang presensya ng Panginoon. Kaya kahit gaano kahirap ang buhay natin sa mundong ito ay meron tayong Eternal Hope na pinanghahawakan kung si Hesus ay nasa buhay natin. Tuklasin ang Tunay na Pinagmumulan ng Pag-asa sa inyong buhay. Magpakumbaba at Maniwala kay Jesus. Siya lamang ang ating Tunay na Pinagmumulan ng Pag-asa. Ibigay ang inyong buhay sa Diyos ngayon. 🙏
No comments yet