read.cash Log in
@Fherdz

@Fherdz in September 2021

@Fherdz

Huwag mong tignan o hangarin kung ano ang nasa palad ng iba, tangapin mo kung ano ang nasa palad mo. Hindi mo kailangang baguhin para sa pag-apruba ng isang tao. You are already beyond blessed kapag mayroon kang mapagmahal na pamilya at mga kaibigan dahil ang mga ito ay natatangi mong kayamanan. Naimbag nga rabie tayo amin.🙃

@Fherdz

Marahil ay nakikita mo ang mga ganitong insekto sa loob ng iyong bahay at madalas sa inyong banyo. Ayun sa aking napanood sa youtube at nabasang article na ang mga ganitong uri ng insects ay di naman daw delikado sa tao. Sakatunayan, mas nakakatulong pa sa ating bahay kasi nangingitlog sila dun sa mga itlog ng mga ipis. Kinakain nila yung mga bagong pisang ipis. Kaya wag nating patayin kapag nakakita ka ng ganitong uri ng insekto sa loob ng bahay niyo. Ang napakagandang…

@Fherdz

Red Grasshawk, Common Parasol Dragonfly (Neurothemis fluctuans) Ang mga nilikha ng ating Diyos ay talagang kamangha-mangha. Katulad ng Dragonfly na nakunan ko kaninang umaga nakaka-amazed ang taglay niyang ganda. Napaka-interesting na kumuha ng larawan ng mga insekto dahil bawat species ay may kani-kanilang disenyo ng katawan at kung makakakuha ka ng malapitan mas lalabas ang kanilang kagandahan.😍 Ang nakunan ko ngayon na Dragonfly ay isang Female Red Grasshawk at kilala rin…

@Fherdz

Kapag tayo ay abala ng mga problema, may posibilidad na tayo ay mag-alinlangan sa kabutihan ng Diyos, iniisip na Iniwan na niya tayo. Dahil apektado tayo ng ating sitwasyon may posibilidad tayong hanapin ang ating kagalakan at katuparan sa pamamagitan ng mga bagay sa paligid natin at hindi sa Diyos. Huwag ituon ang iyong mga mata sa mga bagay sa paligid mo na pansamantala lamang sa halip ay anchor your faith in God sapagkat hindi ka magdududa kung mananatili ka lamang sa…

@Fherdz

Bumuhos na naman ang ulan katulad ng problema na tila ba walang katapusan. Subalit huwag kang maalala dahil gaano man kalakas ang ulan, titigil at titila din naman. Ganyan din ang problemang naranasan, may simula at katapusan at ang naiwan nalang ang kagandanhan ng raindrops na kay gandang pagmasdan. Magandang gabi sa ating lahat.🙃 📸#FherdzMobilePhotography®️ 📸 #Originalphotography®️ 📷 #SamsungA10s 📍#Philippines 🇵🇭

@Fherdz

Ang Diyos ay kumikilos pa rin kahit pakiramdam mo ay napaka Silent Niya. Nais Niyang magtiwala ka sa Kanya kahit na hindi mo lubos na maunawaan ang lahat ng nangyayari. Piliing magtiwala sa Kanya kahit ang iyong sitwasyon ay eksaktong kabaligtaran sa gusto mo. Di man naaayon sa kagustuhan mo pero asahan mo na mas nanakakabuti para sayo.

@Fherdz

Heto ako, basang-basa sa ulan Walang masisilungan, walang malalapitan Sana may luha pa akong mailuluha At nang mabawasan ang aking kalungkutan.🎶🎵 Tila ganitong eksena sa pelikula na sinasabayan ng ma emosyong kanta. Katulad ng ating munting kaibigang Grasshopper na di alintana ang mga patak ng ulan sa kanyang katawan. Para bang may malaking problemang pinagdadaanan at kahit basang-basa na sa ulan ay wala siyang pakialam. 😂 Lol. Maulang hapon sa ating lahat.🌧…

@Fherdz

Maaaring hindi natin maintindihan kung bakit pinayagan ng Diyos na makaranas tayo ng mga bagyo sa ating buhay. Ngunit lahat ng nangyayari ay may dahilan. Sapagkat Siya ang may-akda ng ating buhay. At minsan ang mga pagsubok ina allowed ng Diyos sa buhay natin para tayo ay mag balik loob at lumapit ulit tayo sa Kanya.

@Fherdz

Soybean Looper Moth (Chrysodeixis includens) Maulan man o maaraw, walang pinipiling araw at oras ang pagkuha ng picture ang ating mga kaibigang insekto na kusang nagpapakita sa harap ko. Kaya’t narito muli ang isang uri ng Moths na nakunan ko sa isang maberdeng dahon sa gilid ng kalsada. Maraming species ang Moths at upang maging tiyak kung anong uri ito, mapa salamat google ka nalang dahil ayun sa kanya ang tawag sa moth na ito ay Soybean Looper Moth (Chrysodeixis…

@Fherdz

Ang buhay ay hindi perpekto, nangangahulugang makaka-engkwentro tayo ng magbibigay papasakit, pagkabigo at sasaktan tayo. Ngunit hindi nangangahulugang manatili nalang tayo doon at wala tayong gagawin. Bagkos, maaari nating harapin ang ating mga problema nang may katapangan. Ang Diyos ang ating magiging kalalakasan dahil Siya ang mapagkukunan ng ating lakas. Maaari nating mapagtagumpayan ang lahat basta manatili tayo sa Kanyang presensya at manalig tayo lagi sa Kanya. Gaano…

@Fherdz

Mahirap magkasakit ngayon, di lang magastos kundi nakakatakot. Baka ang simpleng ubo na sanhi ng trangkaso at sipon ay baka paghinalaang covid na ito. lol.😂 Fully vaccinated na ako noong nakaraang Linggo, kaso tinamaan pa din ng sipon at trankaso, Salamat sa Diyos at ok na ngayon dahil bumalik na ang panlasa at pang amoy ko. Kaya lasang lasa at amoy na amoy ko ang aroma ng Kape ko ngayon. Halina kayo mag kape muna tayo. Para maging sapat dapat kape at Hansel lang ang…

@Fherdz

Meryenda time mga ka Pi-noise.☕ Maraming salamat kay mam @ZanneV sa pag libre ng epesyal na clubhouse sandwich with fries na binili namin sa coffee & tea na malapit lang sa work namin. Halika kayo 🙃 arat na at kain muna tayo.☕🙃

@Fherdz

Dumating na ba sa punto ng iyong buhay na tila wala ng pag-asa at wala ng way out? Tandaan palagi na ang ating Diyos ay gumagawa at kumikilos pa rin hanggang ngayon. Maaari niyang gawin ang mga imposible para sa atin dahil walang mahirap para sa Kanya. May pag-asa dahil sa Diyos, posible ang lahat ng mga bagay, bakit hindi mo ibigay ang iyong buong tiwala at pananampalataya sa Kanya? Magandang umaga sa ating lahat.🙃

@Fherdz

As a friend.😁 Musta mga kaibigan? Ano atin diyan? Ako, as usual may bagong insekto na naman.🐞 Mahirap ma-indentify ang insektong ito dahil maraming halos kapareho niyang beetle, maaring Ox Beetle (Strategus aloeus) o rhino beetle (Xyloryctes thestalus) pero ang tiyak ay species sila ng rhinoceros beetle. Nakunan ko kahapon ng umaga habang kumakain ako ng agahan. Busy siya sa pag bungkal sa may part na may lupa sa gilid ng sementadong floor. Kaya nahihirapan magbungkal dahil…

@Fherdz

Huntsman Spider🕷 Ito yung Spider na ayaw kong hawakan at kadalasan pag nakakakita ako ng gabi pinapatay ko.😁 Pero since nawili ako sa pag mamacro kaya pinalayas ko nalang ito sa loob ng bahay namin. Lol.😁 Ayun sa nabasa ko tungkol sa kanila ay non-aggressive naman daw kaya mababang panganib sa mga tao at karaniwan nga tatakbo sila halip na agresibo. Kaya mag ingat pa din pagnakita niyo ito sa bahay niyo dahil baka biglang tatalon sa mukha niyo pag balak niyong patayin dahil…

@Fherdz

Ang Diyos ay mabuti sa lahat ng oras at magpasalamat tayo sa lahat ng mga pagpapalang natanggap natin. Ngunit kung minsan, nakakalimutan nating magpasalamat at pahalagahan ang mabuting paraan ng Diyos dahil may inaasahan tayong ibang mangyayari sa ating buhay. Ngunit sa halip na magreklamo sa Diyos, bakit hindi mo pinilin na magpasalamat sa Kanya para sa lahat ng ipinagkaloob Niya para sa iyo. Sapagkat alam Niya ang ating mga pangangailangan at lahat ng ibinibigay Niya sa…

@Fherdz

Marahil ang ilan sa atin ay maaaring nahaharap sa mga sitwasyon kung saan tayo ay labis na takot at pagkabalisa na dulot ng ating nararanasang pandemya. Ngunit hindi kailanman ipinangako sa atin ng Diyos na ang buhay ay walang problema. Pinangako niya sa atin na sa gitna ng mga pagsubok at kahirapan ay kasama natin ang Siya.🙃 Despite na maraming mga pagsubok at problemang kinahaharap, huwag nating hayaan na matalo tayo sa laban ng buhay. Ngunit gusto kong share ang nakunan…

@Fherdz

"Predator and Prey" Happy Wednesday mga ka Pi-Noise!!! Kumain na ba kayo? Buti pa ang ating munting kaibigan Jumping Spider may pagkain na naman. Pero kawawa ang insektong Oriental Fruit Fly dahil ginawang tanghalian. Paalala nalang mga kaibigan, lalo sa AS A FRIEND diyan, baka ang akala mo nasa harmony kayo yun pala isa siyang predator at ikaw prey. 📸#FherdzMobilePhotography®️ 📸 #Originalphotography®️ 📷 #SamsungA10s #inchickto 📍#Philippines 🇵🇭 #Photography

@Fherdz

Ang panalangin ay ang pinakamakapangyarihang sandata na ibinigay ng Diyos sa atin na maaari nating magamit upang labanan sa ating alalahanin sa buhay. Pinapakinggan niya ang mga daing ng ating puso. Kaya't huwag sumuko kahit na tila walang nangyayari kapag nagdarasal tayo dahil walang nakikitang anumang mga pagbabago, ngunit ang totoo, may ginagawa ang Diyos. Gumagalaw siya sa ating kalagitnaan. Ang Kanyang mga paraan ay higit na mas mabuti kaysa sa ating limitadong…

@Fherdz

Today is the day that the Lord has made, we will rejoice and be glad in it. Happy birthday Ma’am @ZanneV. More more birthdays to come and good health always.🎂 …at dahil diyan Chicken Lauriat lang ang katapat. Maraming Salamat Ma’am at napa- Chowking ulit. Kaya tara lets kain na!!!😋

@Fherdz

Ito ang Gagambang ekis sa atin mga ka Pi-Noise. Isang pagpapala na nagbibigay kulay at kagandahan sa ating mga hardin. Ayun sa nabasa ko na ang gagambang St. Andrew's Cross Spider (Argiope keyserlingi) ay hindi agresibong spider at ang kagat niya ay hindi toxic o harmful sa mga tao. Nakuha ang pangalan nito mula sa partikular na pattern na hugis krus sa kanilang web. Ang pattern ay katulad ng krus kung saan ipinako sa krus si San Andrews.🙃 Subalit ang nakunan kong Gagamba…

@Fherdz

ATM: Our Lady of Purification Parish Church Binmaley, Pangasinan. Attend muna ng kasal kaso mas excited pa ata ako kesa sa ikakasal 😂 Napaaga ako kaya pasyal mode muna at hanap ng mga magagandang mapicturan.😁

@Fherdz

Ngayong panahon ng pandemya, palakasin natin ang ating resistensya at mas higit pa ang ating pananampalaya. Always wear your face shield and FAITH SHIELD. Manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. Dahil ang kalaban natin ay di nakikita, Ibayong pag-iingat ang kailangan para sa ating kaligtasan at sa ating kapwa. Kaya't ito muna ang aking ipamalas. Isang kalawakang maaliwalas at kagila-gilalas. Magandang gabi sa ating lahat. 📸#FherdzMobilePhotography®️ 📸 #Originalphotography®️…

@Fherdz

Two lives united in Friendship. Two friends united in Love. One love united in Christ. Mabuhay ang Bagong Kasal!😍 Isang malaking karangalan ang ma- witness ang pag-iisang dibdib nina Bro. @KuyaEL at Sis@Lorwynn na naganap Kahapon sa Binmaley, Pangasinan Mga larawan.📸 Sa Simbahan nagsumpaan ng walang hanggang pagmamahalan. Mga taong pinagtagpo at tinadhana mula ngayon at magpakailanman. ...at sa huling larawan. Si best man (@Bhongzkie) si groom (@KuyaEL) at si nevermind.😂…

@Fherdz

Marami na ding butterflies at moths ang aking nakunan, pero minsan diko alam kung ano ang pagkakilalan kaya di ko maipost agad. Subalit ang ibahagi ko ngayon sa inyo ay isang uri ng moth na tinatawag nilang Ranchman's Tiger Moth (Platyprepia virginalis). Nakunan ko doon sa aking madalas na pasyalan sa may tabi ng daan habang papunta sa trabaho kaninang umaga. Nawa'y inyong magustuhan. Maraming salamat.😊 📸#FherdzMobilePhotography®️ 📸 #Originalphotography®️ 📷 #SamsungA10s…

@Fherdz

Aba may bisita ulit Buti naman at hindi makulit. Kaya nakunan ng paulit-ulit. Kapag may mga insektong lumalapit Gagawin lahat kahit mamilipit Sige parin at titiisin ang sakit. Tila bang pag-ibig na gusto mong masungkit Gagawin lahat kahit ano ang kapalit Sana sa bandang dulo ang kinalabasan ay kaakit-akit. Kaya’t ito muna ang ibahagi kong inChickto sa inyo. Isang uri ng dragonfly na tinatawag na Green Marsh Hawk Female (Orthetrum sabina) na nakikta natin sa paligid, medyo…

@Fherdz

Ang mga barko ay hindi lumulubog sa mga nakapaligid na tubig; Ang mga barko ay lulubog dahil sa mga tubig na nakapasok sa loob. Huwag nating hayaang pumasok sa ating buhay ang mga pangyayaring nakapaligid sa atin upang maging sanhi ng paglubog natin. Kung feeling nating nag-iisa sa buhay at lumulubog tayo dahil sa mga problema. Bakit di natin isuko ang lahat ng ating mga alalahanin sa ating Diyos. Papasukin natin Siya sa ating buhay at siya'y tatahan sa atin. Gusto ko lang…

@Fherdz

Araw-araw maraming balita ang nagbibigay sa atin ng pangamba at takot upang madalas ang ating pag-aalala sa maraming bagay. Ngunit sa kabila ng lahat ng pangamba at takot ang pangako ng Panginoon ang ating panghahawakan. Huwag tayong panghinaan ng loob sa halip ilagay natin ang ating tiwala sa Kanya sapagkat siya ang nakakakilala sa atin, alam Niya ang nangyayari sa atin kausapin natin siya sa lahat ng pagkakataon, tayo ay lumapit sa ka Niya sa pamamagitan ng panalangin. Ang…

@Fherdz

Habang ang mundo ay palala ng palala. Maaari tayong makaranas ng paghihirap at pakikibaka, ngunit palaging tandaan na ang Diyos ang ating solusyon at pag-asa. Dahil Siya ang may control sa lahat. Kaya huwag nating sayangin ang ating oras at pagkakataon. Lumapit tayo sa Kanya. Kahit gaano man kadilim ang ating mundo at mga pasanin. Siya ang ating liwanag sa ating mundong binabalutan na ng dilim. Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya…

@Fherdz

Noong isang araw may invitation card akong natanggap. As a friend daw, magkikita kami sa isang malapit na coffee shop. Sabi niya may laro daw na sikat ngayon na pwede kang manalo ng milyong dolyar na premyo. Baka daw gusto kong sumali dito at baka ako ang manalo. Aba!!! Kape lang ang gusto ko☕ ayaw kong mag laro.😂 #SquidGame 📸 #Originalphotography®️

@Fherdz

Ang turo sa atin ng mundong ito ay pinagpala ang mga tao kapag sila ay masaya, walang problema, o successful financially. Pero bakit madaming taong nakangiti pero malalim ang sakit na pinagdaraanan nila. At alam natin na ang tunay na success ay hindi kung anong meron tayo sa mundong ito pero kung anong meron tayo pagkatapos ng mundong ito dahil lahat ng meron tayo dito ay iiwan lang natin balang araw. Tandaan natin na ang pagpapala ay hindi dahil sa sitwasyon natin, kung di…

@Fherdz

Matuto tayo sa ating pagkakamali. Moving forward na sa mga nangyari. Anuman ang pinagdadaanan ay isang pagsubok lamang para lalo pang pagtibayin ang ating pananampalataya. Be strong at magtiwala sa mga paraan ng ating Panginoon. Sapagkat ang mga problemang iyan ay hindi magtatagal. Parang mga unos o bagyo na dumadaan lang at pagkatapos ay muling masisilayan ang sikat ng Araw. Blessed Sunday sa ating lahat.🙃

@Fherdz

Flesh Flies Mating🙈 Oops!! sorry naman dahil sa aking nakunan. Bakit naman kasi kung saan- saan. Tila wala man silang kahihiyan Kaya ayan tuloy, rated spg na naman. Pag inggit pikit🙈 Kapag 'di pa handa huwag ipilit. Para hindi ka makapanakit Huwag kani-kanino kumakapit. Dahil ang tunay na pag ibig kusang lalapit. 📸#FherdzMobilePhotography®️ 📸 #Originalphotography®️ 📷 #SamsungA10s #inchickto 📍#Philippines 🇵🇭

@Fherdz

May mga sandaling nakakaramdam tayo ng pagod, pagkahina at kawalan ng pag-asa, ngunit hindi mo kailangang labanan ang laban ng mag-isa. Minsan, may posibilidad tayong umasa sa ating sariling lakas, sa iisip natin na makakaya natin itong mag-isa. Ngunit alam ng Diyos ang ating puso at ang mga laban natin sa buhay. Hindi Siya bingi o bulag. Alam niya ang pasakit na nararamdaman natin. Tumawag sa Kanya at umasa sa Kanya. Dahil ang Diyos ang tanging mapagkukunan ng ating…

@Fherdz

Umakyat ako ng baguio kahapon na mag isa (walang as a friend), hindi para mag lamyerda at mag libang kundi may mahalagang nilakad. Kaya limitado ang oras dahil balikan lang ako at may oras ang saksakyang pababa sa Elyu. Habang hinihintay ang taong makakausap isang magandang pagkakataon naman upang kumuha ng larawan ng mga magandang tanawin sa paligid habang wala pa siya. 😉 Kaya't ito ang ibahagi ko sa inyo na ayun sa google ay isang napakagandang bulaklak ng Dahlia Dahlegria…

@Fherdz

Isang natatangi at magagandang halaman Bulaklak ay napakagandang pagmasdan Mga bubuyog ay nag-uunahan Sa pagdapo upang nektar ay matikman.🙃 French marigold pala ang pangalan ng bulaklak na ito. Kasama ng dahlia na naibahagi ko kahapon ngunit ang bulaklak ito ay nasa pamilyang daisy. Pa ID nalang kung mali ang aking nasabi.🙃 Maraming salamat🙂

@Fherdz

Huwag mong piliin ang mga payo ng mundo para di ka tuluyang mapalayo. Piliin mo ang payo ng naka-anchor sa salita ng Panginoon at sa Kanyang pangako, minsan mahirap ang pagsunod pero worth it naman sa dulo. Lagi mong isipin na lahat ng mga desisyong pipiliin mo ay may mga kahihinatnan na kapalit. Kaya pag-isipan mo nang mabuti. Dahil hindi mo alam kung kailan ang balik sayo, ngunit ang tiyak kung ano ang ginawa mo mabuti o masama ay babalik sa iyo. At ang pagsisisi laging…

@Fherdz

Life is short. Ang kamatayan ay sigurado at di nating matatakasan. Ang tanging pag-asa natin ay si Hesus. Wag nating sayangin ang pagkakataon na meron tayo dahil hindi natin alam ang bukas. Tangapin natin si Hesus sa buhay natin bilang ating Diyos at Tagapagligtas.🙃 Naimbag nga rabie tayo amin.🙃 📸#FherdzMobilePhotography®️ 📸 #Originalphotography®️ 📷 #SamsungA10s #inchickto 📍#Philippines 🇵🇭