read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Araw-araw maraming balita ang nagbibigay sa atin ng pangamba at takot upang madalas ang ating pag-aalala sa maraming bagay. Ngunit sa kabila ng lahat ng pangamba at takot ang pangako ng Panginoon ang ating panghahawakan. Huwag tayong panghinaan ng loob sa halip ilagay natin ang ating tiwala sa Kanya sapagkat siya ang nakakakilala sa atin, alam Niya ang nangyayari sa atin kausapin natin siya sa lahat ng pagkakataon, tayo ay lumapit sa ka Niya sa pamamagitan ng panalangin. Ang pananampalataya na mayroon tayo sa Kanya ay nagpapalakas sa atin upang bumangon bawat araw at magsimulang muli anumang sitwasyon na darating. Share ko lang isang bulaklak ng Zinnia na sana magbigay sayo ng saya. Kinunan ko ito dati ngunit ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na ibahagi ito. Mapagpalang araw sa ating lahat.

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.