read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Red Grasshawk, Common Parasol Dragonfly (Neurothemis fluctuans) Ang mga nilikha ng ating Diyos ay talagang kamangha-mangha. Katulad ng Dragonfly na nakunan ko kaninang umaga nakaka-amazed ang taglay niyang ganda. Napaka-interesting na kumuha ng larawan ng mga insekto dahil bawat species ay may kani-kanilang disenyo ng katawan at kung makakakuha ka ng malapitan mas lalabas ang kanilang kagandahan.😍 Ang nakunan ko ngayon na Dragonfly ay isang Female Red Grasshawk at kilala rin bilang Common Parasol o Grasshawk dragonfly (Neurothemis fluctuans) ito ay isang uri ng tutubi sa pamilyang Libellulidae. Nagbahagi rin ako ng maraming mga larawan ng iba't ibang uri ng mga tutubi dito sa Noise. Tunay na kamangha-mangha at napakaganda ang paglikha ng ating Diyos na hindi mawari ng sinuman.

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.