Dahil umulan kahapon ng gabi sinubukan kong maghanap ng mga kaibigan nating mga inChickto kaninang umaga. Minsan kapag umuulan, lumalabas sila mula sa kanilang mga lungga at baka may makitan akong Kakaiba. Buti na lang may nagpakita at ngayon ko lang nakita ang ganitong klase ng insekto kaya na-excite ako. Kaya't hindi ako nag-alangan na kumuha ng maraming mga shots baka biglang umalis at sayang ang pagkakataon. Mahirap kunan magandang angulo at detalye dahil malikot at magalaw kaya biglang nahulog ngunit hindi ko na siya hinanap. Kaya mag ipon muna ako para sa magandang lens ng camera upang makakuha ang magandang mga larawan. Ang ganitong uri ng insekto ay ang Blue tiger beetle o Elongated Tiger Beetle (Neocollyris celebensis) na may iba't ibang kulay, na may mga kulay na metallic na pula, berde, asul, dilaw at kayumanggi mula sa pamilyang Carabidae. Kung titignan mong mabuti makikita mo ang mga droplets sa kanyang ulo at katawan kaya't hindi ko masyadong makunan ang detalye sa kanyang mukha. Sana magustuhan niyo at maraming salamat hanggang sa muli. Blue tiger beetle / Elongated Tiger Beetle (Neocollyris celebensis) Family: Carabidae 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography #Macrophotography
6 comments
Good afternoon, sir.!
kasta met mam hehehe
agpahalohalon ka man, sir. Napudot man manen hehe
Isu man pirme llalo no kastoy nga malemen
Naman i love green 💚💚💚
Labblak anti