read.cash Log in

@FerferClear

Joined 20 June 2020 · 93 posts

Spread love not hate

120 KT

0 KT · 77¢ received · 0 KT · $9.51 given

Posts

@FerferClear

Earn XRP direct to coin ph Another site like a facebook na pwede kang kikita bawat post, comment and like mo. XRP ang earning po dito at direct sa coin ph ang earnings mo. No minimum amount required. Kakasimula ko palang. Nag sign up lang ako at sit up my account na receive ko agad ang free xrp ko. Fresh na fresh lang po tong claim ko. Seconds lang dumating agad sa coin ph. Sa mga gustong dagdagan ang kita nila sign up lang link below Then redeem code type: JULY for another xrp drops. Kailangan mo lang i edit sa profile mo ang xrp address plus put : then destination tag para matic na sya papasok sa coin ph everytime may earnings ka. Happy earning guys! https://cryptmedia.me/FerferClear

@FerferClear

Depresyon, hindi Biro Ito ay kwento ni Rachel. May asawa at dalawang anak si Rachel. Parehas silang mag asawa na may magandang trabaho. Maganda ang kanyang buhay. Hindi sobrang yaman, hindi naman din iyong naghihikahos. Kumbaga tama lang. Nagsimula ang lahat ng makaranas si Rachel ng depresyon. Hindi niya alam ang dahilan. Okay naman ang pagsasama nilang mag-asawa. Nasa mabuting kalusugan ang mga anak.Pero sa araw araw na nagdaan naging sensitibo siya. Madaling masaktan sa simpleng biro lang. Minsan naman siya iyong lageng nakangiti na para bang walang problema. Ngunit sa likod ng bawat ngiti at halakhak niya ay may nakakubling matinding kaaway. Isang nilalang na walang mukha pero matindi ang kapangyarihan. Isang boses na lageng naguudyok sa kanyang isipan ng mga masasamang bagay. Unting unti nilamon ng boses na iyon si Rachel. "Gusto ko ng mamatay, sawa na akong mabuhay!" Iyon lage ang laman ng isip niya. Sa tuwing siya ay natutulog imbes na manalangin para sa magandang kinabukasan. Laman ng kanyang panalangin na sana ay matutulog siya at sana ay hindi na magising pa. Hanggang sa naisipan niyang planohin ang buhay niya para sa mga anak niya. Isang magandang senyales, pero hindi pala... nagsimula siyang mag isip para sa kinabukasan ng dalawang anak niya. Bawat sahod niya. Tinatabi niya para sa edukasyon at insurance ng anak niya. At ang natitira ay tinatabi niya para sa burial niya. Bawat araw na nagdaan, walang ka alam alam ang mga tao sa paligid niya sa sitwasyon niya. Wala siyang pinagsasabihan. Asawa, magulang man o kanyang kaibigan. Hindi isang malaking biro ang depresyon. May mga tao nakakaranas nito. Mayaman man o mahirap. Mapa babae man o lalaki. May kapangyarihan ang isip natin na gumawa ng bagay na hindi natin maintindihan, bagay na nakakatakot at hindi kayang pigilan. Kaya sana tayo ay maging mapagmatyag. Kapag may nakita tayong senyales ng depresyon. Kapamilya, kaibigan o kakilala man. Wag mag dadalawang isip na bigyan sila ng atensyon. Kailangan nila ng gabay. Taong kayang makinig at susuporta sa kanila.

@FerferClear

Matutulog na muna ako guys habang moody pa si RC. Mamaya nalang ako mag sulat ng article. Goodnight sa lahat. May sumpong si RC. 😆

@FerferClear

Habang kumakain ako ng lunch. Nagtanong katrabaho kong foreigner. F: You eat too much rich every day, why your still skinny? While me, I seldom eat rice yet I'm not losing weight. Me: Inborn 😅😅 napatapos wala sa oras ang kain ko. Kulang nalang sabihin niyang ang takaw takaw ko. Wala lang. Just sharing my thought. Super busy ngayong araw mga ka RC. Kumusta dito? Hindi ako makatambay eh. 😆

@FerferClear

Plan to do after covid? Alam natin lahat kung gaano nag-iba ang agos ng pang-araw araw natin dahil sa virus na covid. Buong araw tayong nasa loob lang ng bahay. Swerte ka kung kayo ay may wifi sa bahay kasi kahit paano may paglilibangan ka. Pero iyong ibang walang wifi, sobrang hirap siguro ng sitwasyon nila. Ang masaya lang doon ay nagkaroon ng pagkakataon na magkasama sama ang buong pamilya na aminin man natin o hindi napaka labong manyari sa normal na sitwasyon. Busy sa trabaho ang magulang at busy sa pag-aaral ang mga estudyante. Sabayan pa ng barkada. Kaya halos wala ng time para mag bonding ang buong pamilya. Pero sa mga taong namumuhay mag-isa. Sobrang saklap ng sitwasyon ngayon. Cellphone at wifi lang ang kaagapay. Minsan pa wala kasi nga nagtitipid kaya ang imbes na gumastos sa wifi itatabi nalang para may makain. Isa itong sitwasyon na tatatak sa atin. At alam nating hinding hindi natin malilimutang pangyayari ngayong taong 2020. Pero pagkatapos ng lahat ng ito ano ba ang plano nating gawin? Ako aaminin kong gusto kong ituloy ang naudlot na planong bakasyon. Ok na sana lahat. Naudlot lang. Pero magkaganun paman. Magpasalamat parin tayo at tayo'y ligtas sa ganitong pagkakaton. Dahil kapag lahat ng itoy lilipas na. Pwede na natin ituloy ang naudlot na mga plano.

@FerferClear

Sino po ang may TATA user dito? Comment po kayo para ma follow ko kayo 😊

@FerferClear

At akoy muling nagbabalik. Galing sa pagtulog. 😆 musta po tayong lahat dito? Tanong ko lang po mga ka RC kung sino dito ang may TATA account? Comment po para ma follow ko kayo.

@FerferClear

Alam mo iyong feeling na naglalaro ka ng rank sa ML tapos may tumawag bigla? 😅 tapos pagbalik mo sa game. Ni report ka na ng mga kasama mo. Saklap po! Mabuti pang mag read cash nalang.

@FerferClear

Iyong feeling na mag po-post ka ng article tapos biglang sabi ni RC 'Your publishing article too fast!' 😅😅 wag ganern.

@FerferClear

Salamat RC Mag 2 weeks na ako dito kay RC. Noong mga unang week hindi ako active. Tamang post lang tapos ilang araw di nag log in. Tapos biglang pag open ko may bumulagang $ 🤑 sa wallet ko. Hanggang sa naging libangan ko na ang tumambay dito kaysa magbasa nung mga hugot sa timeline fb ko. Hindi naman ako kumikita doon. At least dito tamang kulitan at palitan ng mga kuro kuro may points na darating diba? Sa mga newbie po. Welcome sa inyo. Sana maging active kayo dito para kahit papaano kumikita din kayo tulad namin. Hindi man ito iyong nakakayaman. Pero malaki tulong na din ito kahit papaano. Oras at sipag mo lang ang puhunan. Subscribe po kayo sakin. Active po ako lage. Tulungan tayong magka points.

@FerferClear

It's 10:15 ng umaga at ngayon palang ako kakain ng breakfast. Tamang coffee at sandwich lang para makatipid. Habang sumasideline din kay RC.

@FerferClear

At isang araw na naman na puno ng bakbakan. Maswerte tayo dahil nandito tayo kay RC ngayon. Kumikita na, naaliw pa. Nakaka tanggal ng stress at malaking tulong sa tulad kong na ho homesick na din. Pero time out muna ako. Dahil late na sa trabaho. Araw na sanay day off. Palpak pa dahil kailangan pa ding kumayod. Goodluck sa atin lahat mga ka RC. Subscribe me po. Follow back ko po kayo. Support natin bawat isa.

@FerferClear

Love Your Mom Nanay, Mama, Momshie, My or Mom ano man ang tawagan niyo sila ang pinaka importanteng tao na parte ng buhay natin. Nabigyan mo na ba ng regalo ay iyong Ina? Kahit simpleng thank you at I love you, nasabi niyo na ba sa kanya? Minsan na kakaligtaan natin bigyan ng pansin ang ating ilaw ng tahanan. Dahil ba parati silang nandiyan? Doon mo nalang napapansin ang pagkukulang mo kapag nawala na siya ng tuluyan dito sa mundong ibabaw. Iyong mga ginagawa ng nanay mo na dati ay kinaiirita mo ngayon ay namimis mo. Iyong bang tuwing umaga nagigising ka sa bunganga niya. Iyong na sesermonan ka kapag naging batugan ka. Tuwing umu uwing late sinasalubong ka ng palo. Mga bagay na hindi mo akalaing hanap hanapin mo din pala. SAna bago pa mahuli ang lahat bigyan niyo din siya ng atensyon. Iparamdam sa kanya kung gaano mong pinagpasalamat ang pagbigay buhay sayo. Malaki ang pagsisisi ko na nawala ang mother ko sa panahon na nasa ibang bansa ako. Iyong mga plano ko para sana sa kanya, ni hindi ko man lang nasimulan dahil sa paglisan niya. MAsakit mawalan ng Ina. Kahit pa sabihing kaya mo ng tumayo sa sarili mong mga paa. Hahanap hanapin mo pa din ang presensya at pag-aaruga niya. Kaya sana habang nandiyan pa siya iparamdam niyo sa kanya kung gaano niyo siya ka maha. To my mother in heaven. Happy birthday to you and I love you po Nanay. Sorry for being malditang bunso. Magpapakabait na po ako. Kaya sana wag niyo na akong dalawin sa panaginip. ✌😘

@FerferClear

Iyong feeling na naka log in ang phone mo sa read cash habang busy din ang laptop mo sa excel data entry. Para sa ekonomiya kailangan doble kayud 😂.

@FerferClear

Time check 10:19pm. Dahil sa sobrang init ng panahon. Balak ko sanang maligo bago matulog. Pero itong tubig daig pa ang pinakuluan sa sobrang init. 😅 Daig ko pa nito ang maligo sa hot spring sa mainit na panahon.

@FerferClear

Another platform to earn May na discover akong isang platform. The same concept dito kay read cash. But unlike kay read cash medyo mahirap maka earn. Needed mo kasi ng catchy topic na dapat i-post. Na makakapukaw sa atensyon ng lahat. Kikita ka kapag may mag upvotes sa post mo. At kikita ang commenter kapag siya ang unang nakahanap sa isang post at mag comment doon. Pwede din may mag upvotes sa comment na gagawin. Unlike kay readcash na bawat post mo. May mag like man o wala may reward ka. Kay honest cash ay hindi. Ang kagandahan lang kay honest cash. Pinaka mababang kikitain mo sa upvotes is $ 0.5. Share ko lang kung sino ang mahilig talagang mag sulat ng interesting article. Pwede din kayo mag try doon.

@FerferClear

Guys sinong may alam dito kay memo cash at poster cash? I think the same concept lang sila ni read cash

@FerferClear

Engineer si BF Minsan mahirap magkaroon ng boyfriend na ang trabaho ay Engineer. Walang oras sayo dahil busy sa trabaho. Minsan isang hi at hello nalang sa chat. Minsan naman pag ikaw tumatawag hindi niya masagot dahil nag overtime sa trabaho. Kung minsan uuwing pagod na pagod dahil sa 13 hours na duty. At may oras din na straight hour duty kaya pati pagkain nakakalimutan. Mas sobrang lalabo ang relasyon kapag parehas nagka conflict ang oras niyo. Yung minsan tatawag siya hindi mo masagot dahil tulog ka na. Kung ikaw naman ang tatawag hindi din niya masagot dahil tulog na siya. Sobrang hirap pero wala eh mahal mo. Atleast alam mong trabaho ang dahilan. Pero may pagkakataon din na nanglalamig ka kasi wala ng time sa lambingan at tamang usapan. Kaya ito nagpapakabusy nalang kay read cash. Naaliw ka na nagkaka points ka pa!

@FerferClear

Satoshi for Coinbase Isang game application na pwede kang mag claim ng free satoshi direct na sa coinbase wallet mo. Ang laro ay word game. Bubuo ka lang ng word sa mga blocks. Hanggang sa ito ay maubos. Kapag natapos mo ang bawat level nadaragdagan din ang satoshi mo. Sobrang dali lang ng laro kaya matuto ka na kikita ka pa. Minimum cash out ay 100 sat maximum ay 2000 sat. Every 3 days kang pwede mag claim. Sinong meron na po nito? Still active pa din kayo?

@FerferClear

Good day sa lahat! Tulad ko ay bored na din ba kayo sa bahay?

@FerferClear

May mga tao talagang hindi makontento sa isa noh? Bakit kaya ganun? Tunay bang mas fulfilling kapag mas madame kayo kaysa sa isa lang?

@FerferClear

Bangungot Naranasan mo na bang managinip ng masama? Iyong bang kahit anong gawin mo upang magising ka sa masamang panaginip eh hindi mo magawa? First time kong maranasan ang bangungutin noong natulog ako sa bahay ng kaibigan ko. Tanda ko pa noon na mag-uumaga na ng oras na magsimula akong managinip. Sa panaginip ko, isang batang walang mukha ang gustong makipag-laro sakin. Ang sabi ko sa kanya ayaw ko kasi pagod ako. Nagalit siya at hinila hila niya ang buhok ko. Pilit ko siyang ina-alo pero kahit anong gawin ko hindi siya bumibitaw sa pagkakahawak sa buhok ko. Hanggang sa may isang nilalang na dumagan sakin. Mahaba ang kanyang buhok at blanko ang kanyang mukha. Itim ang kanyang suot na napaka haba. At ang kanyang mga kuko ang sobrang haba. Tumatawa ito habang nakatitig sakin. Pero habang tumatagal ang tawa nito ay naging mabalagsik hanggang sa kinalmot niya ang mukha ko gamit ang matutulis niyang kuko. Sigaw ako ng sigaw. Pilit akong humihingi ng saklolo pero walang nakarinig sakin. Pilit kong ginagalaw ang katawan ko pero parang walang lakas ang buo kung katawan. Buti nalang nagising ang kaibigan ko. Niyugyug niya ako dahil ungol daw ako ng ungol. Ikweninto ko sa kanya ang tungkol sa masama kong panaginip. Doon ko napag-alaman na hindi lang pala ako ang nakaranas ng ganoon. Doon daw mismo sa pwesto ko, lageng nanaginip ng masama ang sino mang natutulog doon. Ano sa tingin niyo ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

@FerferClear

Sino ba ang dapat piliin? Iyong taong kilala mo na ang ugali o iyong kakilala mo palang?

@FerferClear

Multo sa CR Naniniwala ba kayo na may multo? Na may mga kaluluwang hindi matahimik at patuloy parin na nandito kasa kasama natin? Ako, mula't sapol hindi talaga ako naniniwala sa multo o kahit ano pamang katatakutang kwento. Para sakin panakot lamang iyan at wala iyang katutuhanan. Pero hindi ko lubos akalain na ako mismo ay makaranas ng isang katakot takot na pangyayari na hindi ko makakalimutan hanggang sa ngayon. Marso ng taong 2017 ng maranasan ko ito. Araw iyon bago ang paglipad ko pa abroad. Upang makatipid mas minabuti ko noon na tumira sa accomodation habang pinoproseso ang mga papeles ko pa abroad. Kwento kwento na noon pang unang araw ko doon ang tungkol sa multo na palaging nagpapakita sa mga aplikante na papalipad na. Kapag naririnig ko nag kwekwentohan ang mga kasamahan ko, tinatawanan ko lang sila. Ngunit isang gabi bago ang flight ko. Nag CR ako mag-isa non ng makaramdam ako ng sobrang lamig sa kanang bahagi ng braso ko at sobrang init naman sa kaliwang bahagi ko. Nagtataka man pero binalewala ko lang iyon, ng biglang may umiyak na isang boses babae, mismo sa malapit sa tainga ko. Doon na tumaas ang balahibo ko at nakaramdam ng takot. Wala itong tigil sa pag iyak at humahagulhol pa nga. Napasigaw ako at dali daling umalis papalabas. Ng i-kwento ko iyon sa mga kasama ko. Doon ko na pagtanto na ang babae sa CR ay isa din daw aplikante dati. Magpa flight na din sana ng nabuntis at binalak na magpalaglag. Sa kasamaang palad nagka komplikado ang ginawa niya na nauwi sa pagkamatay niya. At doon mismo sa loob ng CR siya namatay. Tuwing may aplikanteng papalipad na doon ito nagpaparamdam.

@FerferClear

A Unique House It was one of my travel that I got the chance to see this unique resto. It was surrounded with vines plants from the roof to the ground. It was so refreshing to look at. And for a person like me who love nature. This is a kind of haven for me. The place is also surrounded with different kind of trees and wild flowers. There is also tables outside where you can enjoy the scenery of the small lake in front. This is really a satisfying travel for me! Wish I could do the same design in my own home!

@FerferClear

Mag-ingat Isang 7 years old na batang babae ang namatay dito sa Kuwait, food poisoning ang nakikitang dahilan. Kaya dapat talaga suriin natin munang mabuti ang pagkain na ating ini order online. Lalo na hindi natin alam kung ito ba ay presko o kaya nilutong mabuti. Kaya nga mas gusto ko ang lutong bahay kaysa mag order o kumain sa labas. Mas nakakatipid ka pa. Mas alam mo pa kung paano niluto.

@FerferClear

Kaibigan, nagKaibigan Ito ang ay storya ng apat na magkaibigan. Nagsimula ang lahat ng ito dahil sa bessy kong si Jane. May crush siyang isang guy sa ibang department kung saan kami nagtatrabaho. Natatandahan ko pa kung paano niya ako kurut kurutin kapag dumadaan si Herald, ang crush niya. Nakakalungkot lang, dahil nalaman niyang may kasintahan na pala si Herald. Nasaktan ang lola niyo. Pero akala mo ba sinukuan na niya? Pwes, lakas siguro ng tama ng bessy ko. Kaya ayun patuloy pa din siya kahit na alam niyang may sabit. Tuksahan na ang nangyari kapag nandiyan ang lalaki. At dahil parehas din ng oras ng break kaya abot hanggang langit ang kilig ng kaibigan ko tuwing lunch break. Hanggang sa nalaman ni Herald ang pagsintang purorot ng kaibigan ko. Nagpalitan na sila ng number. Textmate mula umaga hanggang gabi. Tinanung ko nga siya nun kung may namamagitan na ba sa kanila. Kasi iba na ang ngitian nila kapag nagkatutukan eh. May something na. At ako pa naman yung klase ng taong tahimik pero ma obserba. Ang sabi niya lang sakin nun, 'hindi ah! May girlfriend na yun!' Pero sa nagdaan na araw. Nalaman ko nalang na sila na pala. Hindi niya sinabi sakin kasi alam niyang makakarinig na naman siya ng sermon sakin. Ganyan kasi ako klaseng kaibigan. Hindi ko tinutulolerate ang masama niyang gawain. Simpre para sakin, kung saan siya masaya, nandoon lang ako naka suporta sa kanya. Iyon nga lang naging sila habang may sabit pa ang lalaki. Pero dahil buhay naman niya yun at isa lamang akong hamak na extra eh wala akong nagawa. Katagalan sinabi niya sakin na hihiwalayan daw ng lalaki yung syota niya para maging official na sila. Simpre masaya ako sa kanya. Kahit may lungkot din kasi may nasaktan sila. Umabot ng isang taon ang pagmamahalan nila ni Herald. At dahil ako ang dakilang best friend palagi akong kadikit sa kanila. Lalo na kapag lunch break. May best friend din ang guy, ang pangalan niya ay Jeremy. Kaya naging apat na kaming lage magkakasama tuwing break namin. Naging malapit din kami sa isat isa ni Jeremy. Single ako at siya ay may girl friend pero ang sabi niya nagkakalabu-an sila. Kaya ako lage taga advice sa kanya. Lage din kaming tinutukso ng mga kakilala namin. Ika nila para daw may something sa amin ni Jeremy. Pero para sakin wala. Close lang talaga kami. Siguro dahil kahit single ako eh naka focus ang isip ko sa ibang bagay. At para sakin magiging hadlang ang pagkakaroon ng kasintahan sa pag abot ko nun. Kaya kahit gaano man kami ka lapit at gaano man kami kung tuksuhin wala talagang namamagitan samin dalawa. Pero sa hindi ina-asahang pagkakataon. Kahit gaano pa kami kalapit sa isat isa. Si tadhana talaga ang gumawa ng paraan para paglayuin kaming apat. Huminto sa trabaho si Jeremy. Bumalik siya sa pag-aaral. Masaya ako para sa kanya pero dahil din doon hindi na kami masyadong nagkaka-usap. Lalo pa't sa tagal namin magkakaibigan. Hindi man lang kami nagkapalitan ng numero. At kung tatanungin niyo. Si Herald at si Jane ay nauwi sa hiwalayan. Nagkalaboan hanggang sa hindi na talaga sila nagkabalikan. Pero kahit magkaganun paman nanatili parin silang malapit sakin. Sila parin ang tinuturing kong barkada.

@FerferClear

My Memorable Travel Experience Last year I got a chance to travel in Turkey. I really have no expectation when I first known that we will take a vacation there for a month. It is around July that we go there. And you know what? I was in love at first sight with the place. It's summer when we go in Turkey. For me it is the best time to travel there because you can enjoy a lot of the natures view. As my friend told me, who always visit there. Winter is so cold that you rather want to stay at home that to walk outside. Of course I don't want that! I want to enjoy the view as much as I want! So, as I said we go there around summer. And viola the nature view was the one who welcome me. We stay in Izmit that time. And I like the view from the back of our apartment. It was really satisfying trip that I have. Hope I can come back there again.