Kaibigan, nagKaibigan
Ito ang ay storya ng apat na magkaibigan. Nagsimula ang lahat ng ito dahil sa bessy kong si Jane. May crush siyang isang guy sa ibang department kung saan kami nagtatrabaho. Natatandahan ko pa kung paano niya ako kurut kurutin kapag dumadaan si Herald, ang crush niya. Nakakalungkot lang, dahil nalaman niyang may kasintahan na pala si Herald. Nasaktan ang lola niyo. Pero akala mo ba sinukuan na niya? Pwes, lakas siguro ng tama ng bessy ko. Kaya ayun patuloy pa din siya kahit na alam niyang may sabit. Tuksahan na ang nangyari kapag nandiyan ang lalaki. At dahil parehas din ng oras ng break kaya abot hanggang langit ang kilig ng kaibigan ko tuwing lunch break. Hanggang sa nalaman ni Herald ang pagsintang purorot ng kaibigan ko. Nagpalitan na sila ng number. Textmate mula umaga hanggang gabi. Tinanung ko nga siya nun kung may namamagitan na ba sa kanila. Kasi iba na ang ngitian nila kapag nagkatutukan eh. May something na. At ako pa naman yung klase ng taong tahimik pero ma obserba. Ang sabi niya lang sakin nun, 'hindi ah! May girlfriend na yun!' Pero sa nagdaan na araw. Nalaman ko nalang na sila na pala. Hindi niya sinabi sakin kasi alam niyang makakarinig na naman siya ng sermon sakin. Ganyan kasi ako klaseng kaibigan. Hindi ko tinutulolerate ang masama niyang gawain. Simpre para sakin, kung saan siya masaya, nandoon lang ako naka suporta sa kanya. Iyon nga lang naging sila habang may sabit pa ang lalaki. Pero dahil buhay naman niya yun at isa lamang akong hamak na extra eh wala akong nagawa. Katagalan sinabi niya sakin na hihiwalayan daw ng lalaki yung syota niya para maging official na sila. Simpre masaya ako sa kanya. Kahit may lungkot din kasi may nasaktan sila. Umabot ng isang taon ang pagmamahalan nila ni Herald. At dahil ako ang dakilang best friend palagi akong kadikit sa kanila. Lalo na kapag lunch break. May best friend din ang guy, ang pangalan niya ay Jeremy. Kaya naging apat na kaming lage magkakasama tuwing break namin. Naging malapit din kami sa isat isa ni Jeremy. Single ako at siya ay may girl friend pero ang sabi niya nagkakalabu-an sila. Kaya ako lage taga advice sa kanya. Lage din kaming tinutukso ng mga kakilala namin. Ika nila para daw may something sa amin ni Jeremy. Pero para sakin wala. Close lang talaga kami. Siguro dahil kahit single ako eh naka focus ang isip ko sa ibang bagay. At para sakin magiging hadlang ang pagkakaroon ng kasintahan sa pag abot ko nun. Kaya kahit gaano man kami ka lapit at gaano man kami kung tuksuhin wala talagang namamagitan samin dalawa. Pero sa hindi ina-asahang pagkakataon. Kahit gaano pa kami kalapit sa isat isa. Si tadhana talaga ang gumawa ng paraan para paglayuin kaming apat. Huminto sa trabaho si Jeremy. Bumalik siya sa pag-aaral. Masaya ako para sa kanya pero dahil din doon hindi na kami masyadong nagkaka-usap. Lalo pa't sa tagal namin magkakaibigan. Hindi man lang kami nagkapalitan ng numero. At kung tatanungin niyo. Si Herald at si Jane ay nauwi sa hiwalayan. Nagkalaboan hanggang sa hindi na talaga sila nagkabalikan. Pero kahit magkaganun paman nanatili parin silang malapit sakin. Sila parin ang tinuturing kong barkada.
No comments yet