Bangungot
Naranasan mo na bang managinip ng masama? Iyong bang kahit anong gawin mo upang magising ka sa masamang panaginip eh hindi mo magawa? First time kong maranasan ang bangungutin noong natulog ako sa bahay ng kaibigan ko. Tanda ko pa noon na mag-uumaga na ng oras na magsimula akong managinip. Sa panaginip ko, isang batang walang mukha ang gustong makipag-laro sakin. Ang sabi ko sa kanya ayaw ko kasi pagod ako. Nagalit siya at hinila hila niya ang buhok ko. Pilit ko siyang ina-alo pero kahit anong gawin ko hindi siya bumibitaw sa pagkakahawak sa buhok ko. Hanggang sa may isang nilalang na dumagan sakin. Mahaba ang kanyang buhok at blanko ang kanyang mukha. Itim ang kanyang suot na napaka haba. At ang kanyang mga kuko ang sobrang haba. Tumatawa ito habang nakatitig sakin. Pero habang tumatagal ang tawa nito ay naging mabalagsik hanggang sa kinalmot niya ang mukha ko gamit ang matutulis niyang kuko. Sigaw ako ng sigaw. Pilit akong humihingi ng saklolo pero walang nakarinig sakin. Pilit kong ginagalaw ang katawan ko pero parang walang lakas ang buo kung katawan. Buti nalang nagising ang kaibigan ko. Niyugyug niya ako dahil ungol daw ako ng ungol. Ikweninto ko sa kanya ang tungkol sa masama kong panaginip. Doon ko napag-alaman na hindi lang pala ako ang nakaranas ng ganoon. Doon daw mismo sa pwesto ko, lageng nanaginip ng masama ang sino mang natutulog doon. Ano sa tingin niyo ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?
No comments yet