Multo sa CR

4 51

Naniniwala ba kayo na may multo? Na may mga kaluluwang hindi matahimik at patuloy parin na nandito kasa kasama natin?

Ako, mula't sapol hindi talaga ako naniniwala sa multo o kahit ano pamang katatakutang kwento. Para sakin panakot lamang iyan at wala iyang katutuhanan.

Pero hindi ko lubos akalain na ako mismo ay makaranas ng isang katakot takot na pangyayari na hindi ko makakalimutan hanggang sa ngayon.

Marso ng taong 2017 ng maranasan ko ito. Araw iyon bago ang paglipad ko pa abroad.

Upang makatipid mas minabuti ko noon na tumira sa accomodation habang pinoproseso ang mga papeles ko pa abroad.

Kwento kwento na noon pang unang araw ko doon ang tungkol sa multo na palaging nagpapakita sa mga aplikante na papalipad na. Kapag naririnig ko nag kwekwentohan ang mga kasamahan ko, tinatawanan ko lang sila.

Ngunit isang gabi bago ang flight ko. Nag CR ako mag-isa non ng makaramdam ako ng sobrang lamig sa kanang bahagi ng braso ko at sobrang init naman sa kaliwang bahagi ko. Nagtataka man pero binalewala ko lang iyon, ng biglang may umiyak na isang boses babae, mismo sa malapit sa tainga ko.

Doon na tumaas ang balahibo ko at nakaramdam ng takot. Wala itong tigil sa pag iyak at humahagulhol pa nga.

Napasigaw ako at dali daling umalis papalabas.

Ng i-kwento ko iyon sa mga kasama ko. Doon ko na pagtanto na ang babae sa CR ay isa din daw aplikante dati. Magpa flight na din sana ng nabuntis at binalak na magpalaglag. Sa kasamaang palad nagka komplikado ang ginawa niya na nauwi sa pagkamatay niya. At doon mismo sa loob ng CR siya namatay.

Tuwing may aplikanteng papalipad na doon ito nagpaparamdam.

3
$ 0.00
Sponsors of FerferClear
empty
empty
empty

Comments

Nakakatakot! :/

$ 0.00
4 years ago

Sobra! First time kung ma experience ang ganun panyayari.

$ 0.00
4 years ago

Totoo ang multo at lahat naman ng tao pwd makaranas nito mahrap maka experience ng ganyan nakaka baliw

$ 0.00
4 years ago

Nakaka trauma promise.

$ 0.00
4 years ago