Ang Salita ng Diyos

0 12
Avatar for Fedel
Written by
4 years ago

Bilang tao at namumuhay sa mundong ito marami tayong pinapahalagahan. Pinapahalagahan natin una ang ating mga sarili, pangalawa ang ating mga mahal sa buhay, pangatlo ang ating trabaho o anumang uri ng pinagkakakitaan..Lahat ng ito ay hanggang dito lang sa mundo.. Lahat ng mga bagay na ito ay sa Sanlibutan. Lahat ng mga ito ay mawawala o mapaparam. Una tayo o ang ating mga buhay ay mawawala sa takdang panahon, meron tayong kamatayan, meron tayong hangganan. At maging ang lahat ng ating mga kinahuhumalingan. Lahat ng ito ay mawawala, lahat ng ating pinapahalagahan sa mundong ito ay maglalaho. Pero may isang hindi maglalaho kahit mawala man ang lahat ng bagay sa mundong ito ay may isang mananatili. At ito pa yung bagay na kung saan kinakalimutan pa o nakakalimutan pa nating mga tao. Ito ay ang SALITA NG DIYOS. (Isaias 40:8 Oo, ang damo'y nalalanta, At kumukupas ang mga bulaklak, Ngunit ang Salita ng Diyos ay hindi lilipas.) kaya't mga kapatid ugaliin po natin magbasa ng Bibliya kung saan nasusulat ang Salita ng Diyos. Upang sa gayon mawala man ang lahat ng meron tayo ngayon, ay may aasahan tayo sa piling Diyos. Sya ang magbibigay ng lahat ng mga bagay na hindi malalanta o mawawala at ito ay ang kanyang Salita na nagbibigay ng Buhay na walang Hanggan.. Kilalanin natin ang Diyos Ama at Panginoong Hesukristo na syang ating Dakilang Tagapagligtas.AMEN

1
$ 0.00

Comments