Ngayon ay itinalagang araw ng mga Ama. At tayo ay may kanya kanya kwento tungkol sa ating mga ama. Ano nga ba ang kuhulugan ng Ama? Ayon sa diksyunaryo "Ang ama ay ang lalaking magulang ng anumang uri ng anak o supling. Karamihan sa mga hayop, kabilang ang mga tao, ang ipinanganak mula sa isang ina". Doon nga lang ba maihahanay and isang Ama? Isang lalaking magulang ng isang anak? Ano nga ba ang kayang gawin ng isang Ama sa kanilang pamilya. Ang isang Ama ay and syang nagtatrabaho upang matugunan ang pangangailangan ng isang pamilya. Ang Ama ay itinalagang haligi ng tahanan. Ang nagpapanatiling malakas o matibay ang pundasyon ng isang tahanan. Sumusuporta at bumubuhay sa pamilya, na syang tutulungan ng ina upang maliwanagan ang isang tahanan. Ang isang Ama ay nagsasaripisyo upang magkaroon ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Katulad na lang ng aking Ama sya ang nagtataguyod sa akin. Dahil sa kahirapan, Bata pa lamang ako ay nawalay na ako sa aking Ama upang sya ay magtrabaho sa ibang bansa. Ngunig pinagpapasalamat ko Naman na binigyan nya ko ng magandang buhay. Salamat sa aking Ama. Happy Father's day sa mga Ama dito at sa mga tatay nyo.
0
8