Lumalaki ka na nga Ate Faith!! Tama nga na habang nag kakaedad sila nagiging marami na ang mga tanong Marami ng Bakit? Ate: Mama bakit tumatanda ang mga tao? Ako: ganun talga yon anak ikaw ay di laging magiging bata ikaw ay mag dadalaga sa pag lipas ng panahon. Ate: ako mama ayaw kung tumanda ikaw gusto ko ganyan ka lang mama ko kasi pag matanda na mahina na sila mama eh" Di ko na alam ang isasagot ko tama pa ba na sagutin ko..na ang lahat ng tao ay tatanda at liisan sa mundo.. Nakikita niya kasi kay lola niya matanda na daw at mahina na si lola parang ayaw niyang makita sa akin ang nkikita niya kay lola niya na mahina na.. Ako..basta wag mo munang isipin yan habang nag aaral ka enjoyin mo lang wag kang mag madali kaya nga may bawat baitang malalaman mo habang natatapos mo ang isang baitang..ikaw na mismo ang makakasagot niyan pag dating ng araw. Parang ako din to nong kasing age niya..yong habang lumalaki ako..nagkakaroon ako ng kaalaman na ang nanay ay tatanda at lilisan sa mundo..kaya maalala ko non lagi kong yakap ang nanay pakiramdam ko namimiss ko..at ito sya ngayon nakahawak sa braso ko at nakaunan sa balikat ko..hay sulitin na habang ganinto pa sila ka sweet at kalapit ayaw ko nalang isipin na magiging matured na sya soon..na may sarili na silang disisyon sa buhay...GABAYAN nawa ako ng Panginoon na tanggapin kung mangyayari man yon parang di ko pa handa..hehehe hirap lang na ikaw nag papalaki sa kanila mag isa pero kaya yan sa gabay ni Lord. Good night mga mate..mahalin ang mga makukulit na anak dahil minsan lang yan bata..kuha ko to last year pa..ang lambing niya non kahit ano pwede iauot ngayon nag rereklamo na may sarili ng gusto..yan na sya ngayon..hehe..padaan po mga mate..
3 comments
Malapit ka na may dalaga sis ganun talaga mga bata daming tanong curious sa mga bagay na nangyayari sa dalawang anak ko itong bunso ang mahilig talaga magtanong ng malalalim na minsan nahirapan akong sagutin haha. Tama sis sa gabay ni Lord, napalaki mo mga anak mong mag-isa ka lang.
Yung pamangkin ko sis, ayaw nya daw lumaki. Kasi daw hindi na sya makakarga ni mommy nya. Ayaw nya daw tumanda ang mommy nya. Haha. Mga bata talaga..
Parang anak Jo lang. Dami ng tanong🤣😂ang hirap sagutin. Talagang mapapaisip ka.