read.cash Log in
@Fairish more from that month

Gift for My Nanay😊 Blessed Evening! Noisemate kamusta kayong lahat..lumabas nga pala kami ng nanay ko' nakita ko kasi wala syang bagong chinelas..sabi ko kung may step-in sya na pwedeng gamitin na pang alis manlang sabi niya wala daw..ito naman kasing nanay ko ay di mahilig magbibile ng di mahalaga hanggang pwede pa ay sege lang.. Kaya inaya ko sya sabi alis tayo nanay sabi ay san daw kami mapunta sabi ko may bibilhin lng ako sama ka..hehe di nya alam na bibilhan ko sya..kasi tatanggi sigurado kasi bago pa ang ginagamit niyang chinelas😅 Ngayon don na kami..kunyare ako ang bibile..sabi ko nay anong magandang kulay..sa paa ko..pinile ko kunyare yong di maganda sa paa ko..sabi ko ito nanay maganda ang kulay..hehe ay wag yan aanhin mo ba ika dami mo namang chinilas di mo na nga gamit iba..sabi ko para may bago..sinmantala ko na at tinanong...ko sya kung ako ikaw nanay anong gusto mo sa mga yan..aba tinuro itong isa..pangit daw ako mamile ng kulay..sabi ko..sukat mo nga nay kung same tayong sukat ng paa..hehe.. At yon nga sinukat sakto sa kanya..at alam ko naman gusto nya yan..sabi ko nay payag ka bang bilhin ko yan for you..kasi sabi ko uuwe ka ng probinsya may suot ka manlang na ganyan..di yong naka tsinelas ka lng sabi bago pa yong tsinelas ko😅 niluko ko pa di mo na kako pwedeng ibalik yan kasi nasukat mo na..haha.. Kinindatan ko yong may-are na umagre saken..at yon sabi..buena mano po kayo nanay..hehe..sabi niya sya daw mag bayad..ay kako ako na libre ko na..mahal ika..sabi kulang pa yan sa lahat ng sakripisyo mo.. Yong ang saya ko na nabibilhan ko sya ng gamit na galing mismo sa pinaghirapan ko..yong alam mong papahalagahan niya yong bigay ko..sabi nga niya don ko na to soutin sa terminal😅 sabi ko bahala ka basta suot mo yan..san ka magpunta at suot mo yan maalala mo yong cute mong anak..ako yon charr.. Simpleng pamamaraan lang para sa magulang maliit na bagay pero happy na yarn.. Ang mga anak ang unang uunawa sa magulang pag nagkakaedad na kailangan na ang mahabang pasinsya..kasi nagiging bata na minsan ang isip nila..habang buhay wag mahiya to say i love you..i miss you..nanay kahit ano pang tawag..sa kanila na marinig ang salitang mahal kita sa sarili nateng mga bibig ay laking kagalakan yon para sa kanila.. #ilovemynanay #noisecash

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.