My Two Beautiful Daughter♥
"Sila yong mga anak ko na di ko akalain magkakaroon ako pinangarap ko lang maging mabuting Ina para sa magiging anak ko, pero ang laki ng bunos na binigay ni Lord sa akin iyon ay magkaroon ng Magagandang anak"
Ito yong panganay ko pinangalanan namin siyang Faith kamukha niya papa pag silang ko palang sa kaniya ay nakita ko na agad sa kaniya yong mukha ng papa hahaha' at di lang yon pati sa kaniyang paa may kahalintulad sa paa ng papa, excited kami kasi panganay namin si Faith nag pray papa niya na sana lalaki para nga daw may tagadala ng apilyedo, pero yon nga babae siya laking pasalamat paren at biniyayaan kami ng magandang bata na si Faith, masaya kaming mag asawa habang lumalaki si Faith at nagiging makulit at bibo habang lumalaki sunod sa luho nong papa yan lahat ng gusto binibigay pero balanse at sa nakakabuti naman para sa kaniya..yong binyag at unang kaarawan ay pinagsabay na namin para less gastos din..nagdalawang taon bawat taon yan talagang hinahandaan namin para ma feel niya yong pagmamahal naming mga magulang niya kasi bawat taon sa isang bata ay mahalaga..buti at nakapag diwang pa siya ng tatlong taon na kasama ang papa niya kasi nawala ang papa nila bago sya sana mag apat na taon..namatay si papa nila..alam kong isa si Faith sa mga naapektuhan nuong nawala ang papa niya kasi marami na silang memories na dalawa..at tanda niya na yon nastress siya ilang buwan nagkakasakit yan bilang ina napakasakit syempre pero sa kanila ako kumuha ng lakas nuon. Ngayon ay nakapag-aral na anim na taon na siya ngayon at Grade-1 student siya at matalino Special honnor siya nong kinder at sana magtuloy-tuloy.
Ito naman si Irish bunso naming anak di na namin inaasahan na magkakaroon pa kami ng isa pang supling pero sabi nga blessings paren dahil may isa pa akong anak na mag-aalaga sa akin sa pagtanda ko' si Irish naman ay kamukha ko ito hahaha yong papa niya naman ang nagsabi para daw kaming pinagbiyak na mansanas ni Irish kaya tuwang tuwa mga tita nila sa amin dahil hati kaming mag-asawa parehong may kamukha..ito si Irish saglit lang din nakasama sila ng papa niya kasi nuong pinanganak ko siya nagumpisa narin na magkasakit si papa niya, ni hindi halos sya nahawakan ng matagal dito lang kay bunso di niya maranasan na magdiwang ng birthday kasama ang papa niya, nawala si papa niya 7'month old pa lamang siya that time. Napakaikling memories lang talaga..ngayon kahit paano nagagawan ko ng paraan ang paghahanda sa birthday niya..gusto ko rin same kay Ate Faith na mag birthday siya na masaya..ngayon 3 Years old na at madaldal makulit bibo..
Si ate Faith at si bunso Irish' sila yong mga batang meron ako ngayon. Ang sarap maging magulang sa kanilang dalawa puno man ng kakulitan yan ang mahalaga malulusog at walang sakit..sa tingin di ko man masabing perfect akong magulang for them gagawin ko ang lahat maging mabuting ama at ina ako para sa kanila.
My Two Beautiful Daughter♥
Maraming salamat po.