Dear Rose

2 25
Avatar for Eyys
Written by
1 year ago
Topics: Personal Blog

To year June 12, 2030.

Kamusta kana, Rose?

Photo Credit: Ameen Fahmy Via Unplash

Sana nasa mabuti kang kalagayan! Walang sakit, malusog at baby face parin. -Haha.-

Sana natupad mo na ang iyong pangarap sa buhay! May sarili negosyo, lupa, bahay, investments, nakakapag sulat parin, may sariling libro at kumikita mula sa iyong mga likha. Ang dami noh? Pero sana makuha mo iyan. Sana nga.. Kung hindi lagot ka sa akin! Honestly, basta makakain kayo 3 to 5 times day at may source of income. Pero malay mo diba?

May sarili kana ba pamilya? mga anak? Sana maibibigay mo ang kanilang pangangailangan. Malusog ang kanilang pangangatawan at walang sakit.

Kailan ka ba kasi mag-aasawa? Sana ready kana, emotionally, physically financially at may sariling bahay. Okay, lahat na tungkol sa pag-aasawa. Na-prepresure kana ba? Parang gusto ko na mapressure ngayon eh! Kalma self! - Hahaha.-

Sana kasama mo pa ang iyong mga magulang. May malakas na pangangatawan. Enjoyin mo lang na kasama sila. Masabi ang lahat na gusto mo sabihin sa kanila. Sana patuloy mo masabi ang salitang, "i love you o we loves you", kahit pabiro. Weh, hindi nga? -Haha-Sana mailibre mo sila, makakain ng masarap na pagkain, makapagpacheck-up at maipasyal sila sa mga magagandang tanawin. Syempre may solo date silang dalawa, at makita pa nila ang kanilang mga apo. Coming soon na ba?

Sana anuman ang dumating na pagsubok sa iyo ay hindi ito maging hadlang upang ikaw ay bumitaw. Huwag ka mawalan ng pag asa, tiwala sa iyong sarili at sa lumikha. Please lang, huwag ka mag-suicide attempt! Ano gusto mo? Suntok o sabunot? Charoot!

Kung ikaw man ay umangat sa buhay, manatili ang iyong kababaang loob, mabuting puso. Hindi ka man perpekto, huwag ka mang-aapak ng ibang tao. Humble ka lang, sige ka bahala ka! Bawiin sa'yo bigla ang blessings!

Kung hindi mo na kaya, iiyak mo lang. Ang pag-iyak ay hindi kahinaan, ito ay pagpapakita na ikaw ay naging matatag sa mahabang lakbayin na iyong kinakaharap. Alam kong may pagkacry-baby ka, cry-baby ka pa kaya after so many years!? -Haha.-

Kung anoman ang landasin na tatahakin mo sana ito ay patungo sa ikakabuti at hindi ikapapahamak.

Kung dumating man ang pagkakataong tayo ay muling magkita mula sa sulat na ito, sana ay proud ka at nagawa mo ang iyong mga naisin sa buhay. Sana masaya ka, kontento, at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay!

Nagmamahal,

Ang iyong sarili, Eyys.


*Rose is one of my real names. 😘

Thank you!!! :))

June 12, 2022


2
$ 0.23
$ 0.23 from @TheRandomRewarder
Avatar for Eyys
Written by
1 year ago
Topics: Personal Blog

Comments

What is your favourite colour of roses?

$ 0.00
1 year ago

hmm,, I really like roses

$ 0.00
1 year ago