Ako lang ito!

4 37
Avatar for Eyys
Written by
2 years ago
Topics: Personal Blog

Hi!

Ako nga pala si Eyys! Tambay sa bahay. Walang trabaho. Taga-hugas ng plato. Taga-lamon ng masarap na luto ni Mama. Marunong lang ako mag-luto ng prito. Hindi ako katangkaran! Medyo slim, ayyyyy!! Hindi pala medyo. Slim talaga! Hayyss!! Nabubuhay sa mundo ng lagpas ng dalawang dekada. Kasama ko ang parents ko sa bahay, yung sister ko working sya somewhere in bulacan, si bro naman nasa iloilo nag-aaral. Free tuition daw, pero may babayaran for assessment.

Nakapag-aral naman ako kahit paano sa kolehiyo, hindi ko ito natapos. Gusto ko mag-trabaho na lang. Gusto ko mag-apply eh, kaya lang kulang confident ko, feeling ko hindi ako matatanggap sa trabaho kasi ang payat ko nga! So, sad! Parang titignan ka mula ulo hanggang paa, tatanungin ka kumakain ka pa ba? Ang payat mo! O kaya mag business.

Kung ang iba gusto at nahihirapang pumayat! Ako naman ang kabaliktaran! Kumakain naman ako ng gulay eh! Pero may mga panahon talaga kinakapos, kaya namomoblema ako kasi palamunin lang ako sa bahay! Huhuhu. Pero tumutulong naman ako sa gawaing bahay!

Insecurities? Oo naman syempre, in physical my body as skinny at some peks ko. Yun lang.

Naglalaro ako ng Axie Infinity, play-to-earn sya. Pero ang baba ng presyo ngayon. Hindi naman sa akin yung axie team sa kapatid ko. Kumikita naman ako sa noise.cash, nakakurot na ako dati. Pero ngayon hold ko muna, let's see kung ano ang mangyayari.

Introvert o extrovert? Sa tingin ko introvert ako, or ambivert? Taong bahay ako, pero kung gusto ko magrelax punta sa magandang lugar, bakit hindi? Yun ay kung may budget! Wooh! Gusto ko na magtravel ng solo and with family.

Buti pa ang iba nakaka $1 sa post nila! Pero alam mo yun, okay lang ako! Hahaha. Inggit? Oo, pero inggit na nakakainspire sila. Sana all talaga! Hindi ako naiinggit in negative way! Marami na ako isipin sa buhay, bahala na kayo dyan! Saka aminado naman ako eh, hindi ako active, konti lang pinopost ko. Kasi paulit-ulit na lang sa #foods posts ko.

Kaya this lately nagpopost ako ng fiction stories, "I FOUND YOU AT LAST". Genre nya ay solving a murder case. Opps!! Spoiler! Char! #AmFee. Nakalimutan ko ang tawag kung ano genre sya nabibilang. Ahhh, Mystery pala kaka-search ko lang. 😆

Ano kaya karerin ko na ang pagsusulat sa fiction? Try ko, nagbabakasali na sumikat! Malay natin diba? Haha. Char! Sarap sa feeling kapag naapreciate ng iba yung sinusulat mo. Sana maramdaman ko yung ganung feeling, hindi man ngayon sana bukas, next week, o next month, or this year? Basta ang alam ko lang malayo pa ako sa gitna ng writing journey ko. Nagsusulat na ako nung teenager days, pero wala natatapos kahit isa! Sana this time, itong " I Found you at last", ay matapos ko talaga. Para naman na-achieve ko kahit isa lang!

Thank you! :))


3
$ 1.27
$ 1.26 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @itsmeCguro
Avatar for Eyys
Written by
2 years ago
Topics: Personal Blog

Comments

Wow huh ang galing mong sumulat huh

$ 0.00
2 years ago

Than you po!

$ 0.00
2 years ago

Go lang. Sulat lang nang sulat. Maraming susuporta sayo dito. Related ako sa slim! Haha Laging napagkakamalang bata dahil sa liit.

$ 0.00
2 years ago

Salamat sa encouragement. Ayy oo. Haha

$ 0.00
2 years ago