Sa Paglipas nang panahon

0 16

Sa paglipas nang panahon, lahat nang bagay nagbabago. Pagbabago na di maiiwasan at di mapipigilan. Maraming bagay na ang nagbago dahil sa pag usbong nang teknolohiya, na sobrang tinangkilik nang halos lahat sa atin. Lalong lalo na kung ano ang mga kabataan noon at kung ano ang mga kabataan ngayon.

Mga batang 90's na malapit nang mawala ang bilang nang gulang sa kalendaryo, mga batang nahubog ang pagkatao nang walang teknolohiyang kina aaliwan. Mga batang lumaking mas mga disiplinado at ma respito.

Mga batang maglaro lang sa labas nang tumbang preso'y anong galak at ligaya ang nadarama, mga batang sanay sa luksong tinik at kung ano ano pang mga larong kalye. Mga batang salat sa yaman, ngunit mga ngiti'y di kayang tumbasan nang mga salapi't ano pa man. Mga batang sanay sa gawain dahil hinubog nang mga magulang para maging kapaki pakinabang sa lipunan.

Mga kabataan ngayoy, ibang iba sa nakagisnan natin noon. Mga batang tutok sa gadgets, mga bata'y nakulong sa silid at maghapong nakaharap sa computer o cellphone. Mga bata ngayoy hirap mo nang magisnan sa labas, wala na ang dating masayang kalye, mga tinig na umaalingawngaw.

Ito lang masaya na ang mga kabataan noon,

Mga bata ngayon,

Teknolohiya, mabuting kasakapan sa pag unlad ngunit ang dating simpling pamumuhay ay di na magisnan. Teknolohiya, mabisang gamit para sa kaunlaran pero may dulot na kapahamakan kung di naagapan.

Kaya hiling ko sa mga magulang, gabayan at limitahan ang kanilang mga kabataan sa pag gamit nang mga teknolohiyang kasangkapan. Dahil ang pag gamit nito nang walang limitasyon ay nagdudulot nang masamang epekto sa katawan. Radiation kung tawagin, radiation na kayang tuyuin ang utak at kayang patayin ang katawan nang murang kabataan.

Teknolohiya, mainam ngunit may abang panganib. Teknolohiya mas pinapadali and buhay, pinapadali rin ang paglaho nang buhay.

Tunay na gabay at tamang pag aaruga, upang itoy maiwasan dahil ang pag usbong nang mas makabagong teknolohiya ay di mapipigilan.

Hindi ko nilalahat, pero kalimitan ito na ang madalas mong masilayan ngayon.

May kasabihan sa Inglish "Change is the only constant thing in this world".

P.S grabbed photos on Facebook, credits to them.

By: Eybyoung16

1
$ 0.00
Sponsors of Eybyoung
empty
empty

Comments

ang galing naman...tama po kayo...yan na talga tayo ngayon hanggang sa hinaharap sana lang wag na lumala pa,,,ngayon po nakikita na natin ang mga pagbabago sana po ay may mgawa tayo na khit papano ay wag kalimutan ang mga gingawa noon...

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga ibang iba na ang mga kabataan ngayon, mas lalong dapat talaga pag tuunan nang mga magulang para gabayan nang maayos kasi kundi makakasira ito sa kanilang kalusugan at kinabukasan.

$ 0.00
4 years ago