Katorse anyos pa lang ako nang una kung punta sa Camiguin, sa panahong iyon hindi pa uso ang mga gadgets at hindi pa uso ang selfie at syempre wala pa akong cellphone non, kung meron man yun pa yung mga keypads cellphone. At wala akong picture na naitago nung una kung pumunta doon dahil wala naman akong camera.
Pero kahit ganon, wala man akong larawang nakatago, nakatago naman ito sa alaala ko.
Nakapunta lang ako don dahil nagkaroon kami nang Camping trip sa aming simbahan. Napaka memorable saakin non, dahil Nationwide Camping yun nang church namin.
Napakaraming tao, napakasaya at napaka aliw makakilala nang ibang tao na kung saan saan nang galing.
Hindi hindi ko malilimutan dahil yun din ang first encounter ko, hindi lang first punta nang Camiguin. First encounter ko ito kay God. Doon ko naranasan sumayaw, tumalon at maghihiyaw sa tuwa at galak sa pag puri sa ating Panginoon. Born again po ang aming religion kaya, may mga live instruments kung mag praise and worship.
Doon ko naranasan ma feel ang presence ni Lord nung nag anointing na ang aming church founder, pinatong nya lang ang kamay nya sa ulo namin pero natumba kami dahil sobrang lakas nang presence ni God, nakakapanindig balihibo pero nakakagalak nang puso.
Bukod sa experience na yun syempre nilibot namin ang boung tourist spot nang Camiguin napakaganda. Yung sunken cemetery, yung Mt. Hibok hibok umakyat din kami doun. Napakasaya pumunta doon nakaka wala nang stress ang view. At syempre pumunta din kami sa white Island ang puti nang sand, naligo kami at dahil marunong akong lumangoy kasama ang pinsan ko nasobrahan kami sa langoy napunta doun sa boundary na yung wala nang white sand.
Ang saya nang alaala ko doun, alaala na di ko malilimutan. Alam ko makakapunta ako ulit doun pero kailanman ang alaala nang unang encounter ko hinding hindi mapapalitan yun. Dahil yun ang unang encounter namin nang Panginoon.
Hindi lang magandang tanawin ang pwedi e capture doun kundi alaala na minsan nagpasaya sa iyo.
Praise God! Sana patuloy kang maging faithful sa ating Panginoon hanggang sa Kanyang pagbabalik😊 God Bless you!