Not a Good Day of mine.

9 45
Avatar for Expelliarmus30
2 years ago

August 30, 2022. Tuesday.

 

Hello and Happy Tuesday sa inyong lahat. Sana ay nasa maayos na mga kalagayan pa kayo at maganda ang araw nyo ngayon.

 

Ako medyo hindi maganda ang araw ko ngayon. At ang rason nyan dahil naputulan kami ng kuryente. Guys, dalawang buwan lang kami hindi nakapagbayad nyan ah pero pinutulan na agad nila kami. Well ang taas taas naman kasi ng bill namin. Ang isang bill o one month bill namin ay nasa 2,400+ pesos na at ang isa pang bill ay 2,400+ pesos din kaya ang total ay nasa kulang 5,000 pesos. Hindi umaabot ng ganyang kalaki ang bill namin noon. Simula kasi ng nagkaroon kami ng kapit bahay ay dun lang lumaki ng ganyan ang monthly bill namin sa kuryente. Natatandaan nyo ba yung bahay na sinasabi ko noon dati kung saan ako nag oonline class, yun kasi ay tinirahan ng isa kong tito kasama ang buong pamilya nya. Sya, ang asawa nya at ang apat nilang anak. Mayroon ng kuryente at tubig ang bahay na yun dahil naka konekta yung line nun sa bahay namin.

 

Ng hindi pa sila lumilipat at kami lang ang nandirito ay wala pang 1,000 pesos ang bill ng kuryente namin. Kadalasan ay ang range lang ay 700-800 pesos a month. Wala naman kasi kaming masyadong maraming gamit dito sa bahay. Wala kaming Refrigerator, wala naman kaming Oven, wala kaming Rice Cooker at iba pang mga kagamitan na malakas kumonsumo ng kuryente. Ang meron lang kami ay Washing Machine pero hindi naman yun madalas gamitin, siguro 3 times a week lang and then yung the rest ng labahin ay hand wash na lang. Tapos meron lang kaming isang Electric Stove na hindi rin naman madalas gamitin dahil palaging mga lutong ulam na ang binibili ng mga tao dito sa bahay. Kanin lang ang palaging niluluto doon at tuwing tanghali at gabi lamang iyon. Tapos mga ilaw lang, meron kaming apat na ilaw lang yung maliliit lang watts para hindi maaksaya sa kuryente. Isang ilaw sa kwarto namin, at isa sa kwarto sa lolo at lola ko, isa sa kusina, isa sa labas ng bahay, yung ilaw kasi sa banyo ay pinatay naman palagi at kapag may gagamit lang ng banyo at tsaka lang bubuksan iyon. Tapos meron lang kaming 3 clip fan (yung uso ngayon dahil sobrang makakatipid ka daw kapag yun lang ang gagamitin mo, which is totoo naman talaga). Isang clip fan sa kwarto namin, isa sa kwarto nila lolo at lola at isa sa sala. At iilan lang din naman ang gadget namin dito sa bahay. Isa sa akin, isa sa mama ko at isa lag sa lola ko. Wala naman kaming mga laptop tablet, computer at iba oang gadget. Kaya naman matipid lang talaga kami sa kuryente noon.

 

Simula ng dumating sila ay doon na talaga tumaas ang bill ng kuryente namin. Hindi ko alam kung ilan ang lahat ng mga kagamitan nila pero for sure ay marami at yun ang mismong dahilan kung bakit tumaas ang kuryente namin.

 

Noong una ay nagshe share naman sila sa pagbabayad ng kuryente, siguro noong unang dalawang buwan na bago pa lang sila dito pero ng mga sumunod na buwan na ay hindi na sila nagshe share kaya naipon ang bayarin namin. Hinahati naman namin sa dalawang part ang bill ng kuryente, kung 2,400 pesos ag bill ay split ang dalawang bahay. 1,200 sa bahay namin at 1,200 pesos din sa kabilang bahay, sa bahay ng tito ko. Kahit na mas marami silang kagamitan kumpara sa amin ay hinahati pa rin namin ng patas ang pagbabayad. Sa bill naman ng tubig ay never pa silang nagshare sa amin simula ng dumating sila dito. Kaya ang mama ko ay yun ang binabayaran palagi pero nagshashare pa rin sya sa kuryente. Pero nitong nakaraang buwan ay nawalan ng trabaho ang mama ko kaya hindi sya nakapag share. Tapos yung tito ko ay palaging sinasabi na wala din syang pera kaya naman naipon ng 2 months ang bill ng kuryente namin. And this month din ay palagi nyang daing na wala syang pera.

 

So hindi talaga kami nakabayad nitong mga nakaraang buwan. Pero sa tingin ko kung nagtutulong tulong ang tao dito sa bahay ay hindi mangyayari ito.

 

And yan nga ang dahilan kung bakit hindi ganun kaganda ang araw ko ngayon. As of now habang sinusulat ko ito ay nasa 90 percent nalang ang charge ng phone ko. Buti na lang at nakapag charge ako kaninang umaga bago putulin ang kuryente. Hindi ako gumagamit ng phone palagi para maisave ko nga ang charge nito.

 

So hanggang dito na lang muna guys kailangan ko pang tipirin ang charge ng battery ko. Gusto ko lang talaga ishare itong pangyayari sa buhay ko ngayong araw.

 

And that’s all for today. Thank you very much for reading this article, I really appreciate it. Until again. Have a great day ahead!


I made it in Canva

Lead image source: Unsplash

6
$ 0.76
$ 0.76 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Avatar for Expelliarmus30
2 years ago

Comments

"Carry each other’s burdens and so you will fulfill the law of Christ."

$ 0.00
2 years ago

Thank you for this wonderful quotes friend.

$ 0.00
2 years ago

Naku mahirap nga iyan. Kami rin noon naka-connect sa Lola ko kaya lugi kami sa hatian. Pero ngayon nakabukod na kami. Dito sa bahay ayaw kong nakikita na naiipon ang bills kaya pinaghahatian talaga namin.

$ 0.00
2 years ago

Ako din po ayaw ko talaga kaso yung ibang tao kasi dito sa bahay eh ayaw maki cooperate sa mga bayarin.

$ 0.00
2 years ago

Bakit naman ganun langga. Dapat mag bigay din sila para tulong-tulong kasi gumagamit din sila ng kuryente langga. Maganda kung nag tulong-tulongan.

$ 0.00
2 years ago

Yun nga po yung lagi namin sinasabi sa kanila kasi libre na nga po sila sa bahay eh kuryente at tubig nalang po ayaw pa nila.

$ 0.00
2 years ago

Oo nga langga. Grabe naman sila langga. Dapat magbigay sila.

$ 0.00
2 years ago

Marami ngang nagrereklamo sa bayarinng kuryente domoble daw bill nila compare nila last month. Uy dapat talaga share yan kasi hindi naman iisang bahay lang gumamit ng bill niyo..

$ 0.00
2 years ago

True po samin din halos lahat ng kabahayan nagrereklamo po sa tinaas ng kuryente. Kaya nga po eh dapat tulong tulong talaga sa pagbabayad.

$ 0.00
2 years ago