Malay nyo swertehin na tayo sa Next Life natin.
August 19, 2022. Friday.
Alam naman siguro ng karamihan sa atin ang dahilan kung bakit tayo naririto. Bukod sa pakikipagkaibigan sa ibang tao, hobby or fast time, hilig sa pagsusulat, hilig sa pagbabasa at pagbuhog sa skills natin sa pagsusulat ay isa sa pinakaimportanteng dahilan kung bakit tayo narito ay para kumita ng pera.
Hindi naman siguro tayo narito kung nasa maayos na estado ang buhay natin. Kung hindi tayo hirap sa pera. Kung marangya lang ang pamumuhay natin ay siguro wala naman tayo. Depende na lang kung passion talaga ng isang tao ang pagsusulat ng article kaya kahit na hindi naman sya nangangailangan ng pera ay patuloy pa rin syang sumusulat dahil hindi nya maiaalis sa sistema nya ang pagsusulat.
Alam ko na hindi lang naman ako ang nag iisang tao na naririto ang mahirap, alam ko yung iba dito ay katulad ko din naman. Kapareho ko na naghahangad lang din na kumita ng kahit kakaonting halaga para lang may pangtustos sa mga gastusin sa bahay man o sa pag aaral. Alam ko na marami din akong katulad dito na estudyante pa lang at gumagawa din ng paraan para suportahan ang pag aaral sa pamamagitan nga ng pagsusulat dito.
Ang hirap naman kasi talaga ng buhay eh kaya lahat ng pwedeng pagkakitaan ay papasukin talaga natin. Maliit man o malaking halaga ang makukuha natin dito basta ang mahalaga ay meron pa ring pagkakakitaan.
Kaya pumasok sa isip ko na paano kaya kung swertehin na ako sa next life ko? Biglang akong natuwa at na-excite na rin dahil paano nga kung magkakatotoo yun, wala naman kasing makakapagsabi.
Kung sakaling maging marangya nga ang buhay ko sa next life ko ay hindi na ako mahihirapan pagdating sa pera. Hindi na ako laging mamomroblema. Kadalasan kasi ang dahilan ng mga problema ko ay tungkol sa pera, kasi yun naman talaga ang pangunahing pinoproblema ng mga mahihirap na tulad ko.
Kaya sana nga ay swertehin ako sa next life ko at sana ay kayo din para lahat tayo masaya. Alam ko naman na lahat tayo ay nahihirapan sa mga buhay natin ngayon kaya I wish sana lahat tayo ay swertehin sa ating mga next life. Pero teka, naniniwala ba kayo na may next life pa nga tayo? Well depende na sa inyo yan.
Wala eh, bigla lang talagang napadpad sa utak ko yung usapin tungkol sa next life. Kanina kasi habang nag iisip isip ako ng mga solusyon sa mga problema na kinakaharap ko ngayon which is family problems, personal problems, health problems, financial problems, upcoming school expenses at iba pa, bigla kong naisip na kung sakaling mayaman lang ako ay hindi siguro ako nahihirapan at namomroblema ng ganito. Kaya naisip ko na sana sa next life ko ay swertehin na ako. Wala namang masama na hangarin ang bagay na yan pero syempre alam ko naman na wala akong kasiguraduhan tungkol dyan. Kaya sa ngayon ang kailangan ko talagang gawin ay magsikap, magtiyaga at kailangan ko pang mas sipagan sa lahat ng mga ginagawa ko dahil alam kong lahat ng effort ko ngayon ay magbubunga rin naman in the future so kailangan ko lang magpatuloy ng mapatuloy sa buhay. Hindi naman kasi mawawala ang mga pagsubok at problema dahil kadikit na talaga yan ng buhay kaya ay tanging magagawa lang natin ay harapin ito at gawan ng solusyon.
Kayo, anong thoughts nyo about next life? Or ang tanong ay meron nga ba?
That’s all for today. I hope you enjoyed and had fun reading this article of mine. Thank you very much. Happy Thursday.
Lead image source: Unsplash
Kung swertihin mn sa next life I will make sure na maging blessing ako sa iba. Same tayo hinahangad ngayon mgkaroon ng sapat na pera pra matustusan ang pangangailangan.