Ilang araw na pahinga.

13 56

April 6, 2023. Thursday.

Hays sa wakas nakasulat ulit dito. Kailan na nga ba ulit yung last article ko? I think last last week pa ata yun. Hehe.

Kamusta po kayong lahat? Sana ay okay po kayo at masaya kung nasaang panig man po kayo ng mundo.

Well kaya lagi po ako wala dito ay sobrang busy po kasi talaga ako and lagi ko naman yun nasasabi tuwing may article ako ipupublish. Nagpa-practice teaching na po kasi ako ngayon at grabe ang hirap na pinagdadaan ko hindi lang physically pati mentally at emotionally. Isama pa dyan yung financial problem, ang gastos gastos po pala kasi pag 4th year college kana. Kaya yung utak ko po talaga laging maraming laman at iniisip kaya hindi na po talaga ako magkaroon ng time makapagsulat.

Pero ngayon po na Holy Week at may ilang araw po akong pahinga at baka makapagsulat po ako kahit papaano. Kung ano lang siguro ang maisip ko, kung ano pong biglang pumasok sa utak ko at kung ano na pong ganap at mga nangyayari sa akin.

Ngayong araw po na ito ay naisipan ko lang po talaga magsulat para mag update na din po ng mga pangyayari. Pero sa dami na ng nangyari sa akin ilang araw pa lang ang lumilipas ngayong buwan ng April ay baka hindi ko na ikwento lahat hahahha.

Happy April nga po pala sa inyong lahat! Hindi na ako nakabati sa inyo at hindi na rin ako nakapagsulat ng welcome article para sa buwan ng April dahil sabi ko nga grabe ang pagkabusy ko sa pag aaral. Ang buwan ng March ko po ay medyo nakakalungkot dahil sa mga nangyari sa akin kaya ngayong April ay tanging hiling ko lang po sana kahit papaano ay maging maayos ito at hindi maging katulad ng nakaraang buwan. Kayo po anong wish or goal nyo this month of April?

Anyway balik po tayo sa main topic. May ilang araw po akong pahinga ngayon dahil nga po Holy Week. Pero nung Monday hanggang kahapon ay may pasok pa po ako. Kayang hanggang Monday, April 10, lang ang pahinga ko. Dapat hanggang linggo lang po yun April 9, pero dineclared na ng President ng Pilipinas na pati ang April 10 ay regular Holiday na rin. So inshort meron ako 5 days na pahinga. Yehey!

Pero ang tanong makakapag pahinga nga ba talaga ako?

Ang sagot dyan ay "hindi ko sure" hahahha. Well may 5 lesson plan kasi akong kailangang gawin. Meron din akong 5 visual aids na gagawin, it either PowerPoint presentation or magsusulat ako sa Manila Paper at magpapaprint ng pictures. Tapos need ko din aralin ang mga topic na ididiscuss ko sa mga students ko. Plus pa dyan ang mg weekly journal and narrative na kailangan ko din gawin. Kaya hindi ko talaga sure kung pahinga pa talagang matatawa ito hahaha.

Pero ganun pa man ay okay na din dahil kahit papaano ay makakahinga ako. Sa school kasi ay laging may mga nakabantay sa ginagawa mo. Sa school panay ako nakatayo, maghapon akong nagsasalita dahil nga nagtuturo ako ng mga bata. Kapag nagcecellphone naman kami ay binabawalan kami. Kaya as in limited lang talaga ang mga bagay na pwede namin gawin doon. So ngayon ay walang pasok atleast kahit papaano ay makakapag pahinga ako, makakahiga ako kahit anong oras ko gusto, makakagamit ako ng cellphone ko at walang magbabantay sa mga kilos ko dito sa bahay.


So I think that's all for today. Thank you so much for reading this article of mine. See you again next time. Enjoy your week everyone.

God bless us all and stay safe always.

Bye!


Lead image source: Unsplash

5
$ 0.03
$ 0.01 from @Jeaneth
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Lhes
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Comments

Buti nakapagpahinga ka langga. Ako din langga tagal hindi napakapagsulat dito. Wishing you always the best langga.

$ 0.00
1 year ago

Oo nga po eh. Miss ko na nga po mga articles nyo po. Salamat po.

$ 0.00
1 year ago

Thank you langga. Ako din. Mga ingat ka langga palagi.

$ 0.00
1 year ago

medyo mahirap talaga kapag practice teaching na at very time consuming! During my time, nalindol na lahat, lesson plan pa din iniisip ko

$ 0.00
1 year ago

True po. Hahahha opo eh ako po araw araw lesson plan po ata ang laman ng isip ko hahahha.

$ 0.00
1 year ago

Ako nakaka-2 weeks na sa OJT ko, nakakapagod talaga.

$ 0.00
1 year ago

Hays hirap po ano? Pero pasasaan at kakayanin din po natin lahat ng hirap at pagod na yan.

$ 0.00
1 year ago

Hello Alex! Yan ba nickname mo? I forgot eh, pasensya. Hehe. Good luck sa practicum mo, you are doing a great job. Take the much needed time to rest and enjoy it too. Have a great one!

$ 0.00
1 year ago

Expe na lang po, heheh okay lang po.

Thank you so much po. Have a great week po.

$ 0.00
1 year ago

Good luck sa pratice teaching and I know kering keri mo yan.Go lang para sa future😊

$ 0.00
1 year ago

Salamat po. Sana nga po kayanin ko hanggang dulo hehehhe 🤞

$ 0.00
1 year ago

Ako naman pahinga muna ngayon sa paggawa ng article. Bukas nalang ako mag publish. Ilang weeks din kasi na sunod-sunod ako nagsusulat kaya medyo nauubusan na ako ng sasabihin haha.

$ 0.00
1 year ago

Opo take your time to rest naman po this week.

$ 0.00
1 year ago