Malamig ang gabi
Nagsungit ang mga tala
Nag tampo magdamag sa buwan
Dahil sa matagal na hindi nag pakita
Hindi dahil sa di na mahal
Kundi dahil sa mas maganda sila pag wala siya
Maganda silaa sa mga hubad na mata
Mga mata ng mga taong mapang husga
Di alam ng karamihan ang katoohan
Katotohan sa likod ng mga kinang
Sa likod nitoy pangungulila ang mararamdaman
Di man nila alam pero itoy ramdam ng buwan
Nagpumiglas sa pagkakatali ng kaduwagan
Binaybay ng matapang ang kalawakan
Sinuong ang init ng araw makasama lang
Ang talang walang silbi ang kinang kung wala ang buwan.
Buwan na matapang at talang makinang
Mga Nag papasaya sa mga taong sinakop ng kadiliman.
Nagpapangiti sa mga taong umiiyak pag tulog na ang karamihan,
Kayat ngumiti at magpakasaya aking sinta,
Sila nga lumalaban tayo pa kaya.