Lovestory:)

5 16
Avatar for Evsss20
3 years ago
Topics: Story

DAHILAN KONG BAKIT PALAGING UMIIYAK ANG GIRLFRIEND KO

This is not my Story okay☺️

note: Please never do this to your girl

It's already happening

Dahil nga quarantine ngayon madalas nasisira na talaga ang relasyon dahil sa komunikasyon at hindi pagkakaunawaan.

Naiinis ako palagi, madalas sumasakit ang ulo ko dahil sa girlfriend kong halos lahat nalang ng bagay alam niya. She's sweet and caring pero minsan sobra na.

" San ka na ? San kaba , ang dami ko ng text and even chat and calls sayo di ka parin nagrereply, san kanaaabbaaa!!

Palagi akong nakakatanggap ng ganyan galing sa girlfriend ko but they says pag may girlfriend ka daw na ganyan swerte daw kasi mahal na mahal ka niyan wag na daw pakawalan pa.

But for me , excuse me ? Swerte ba yung minsan nakakasakit na ng ulo ? Nakakaumay at nakakapagod.

" Janine andito lang naman ako sa bahay, anu kaba, alam mo naman sigurong mahirap nang lumabas diba ?

Reply ko sa kanya at expected ko na lahat kong anong irereply niya sakin

' Nasa bahay ka lang pala , bakit di ka manlang nagrereply kahit isang letra lang di mo pa magawa, hindi talaga ako importante, alam ko

Bat ang daming alam ? Feeling tama nalang palagi kahit mali naman, kahit mali naman iniisip niya at dahil ayaw ko makipag argue at makipag away minsan di nalang ako nag rereply , mabisang paraan yon para bumalik yung mood ko

" di ka na naman nagrereply , tama nga pala talaga hinala ko, ibang- iba na talaga lahat Justin, hindi ka naman ganyan dati e "😭"

Kita mo yang emoji na yan ?

As always, makakatanggap ako ng kay haba-habang chat at madalas may emoji pang umiiyak, nakakairita na talaga yong pagka oa, pagdadrama ng girlfriend ko

" Ng dahil sayo, umiiyak na naman ako ngayong gabi, matutulog na naman akong mabigat pakiramdam ko.

Hindi ko alam kong anong kasalanan ko kong bakit siya iyak ng iyak.

' Bakit ka umiiyak ? Sinabi ko bang umiyak ka , inutusan ba kitang umiyak ka ? Base sa alam ko wala naman akong nagawang mali sayo ah, bahala ka na nga diyan, Oo na kasalanan ko na kahit wala naman akong ginawang masama !

Am I that bad ? Bakit ba siya umiiyak, wala naman talaga akong nagawang mali ah? Minsan lang talaga umiiwas ako sa away.

Bakit umiiyak ? Umiiyak sa walang kwentang dahilan. Di ba niya naiintindihan, ayaw ko ng drama, kong namiss niya ako bat kailangan ako pa dapat pumunta sa bahay nila, pwede namang siya naman ang pumunta.

" Wala ka talagang makukuha sa iyak - iyak mo na yan, kong namiss mo ako ikaw naman ang pumunta dito sa bahay, hindi yung ikaw nalang yung palaging tama at masusunod Janine!

Ilang months na kaming ganito, di ko alam kong bakit pero isa sa dahilan di na talaga kami nagkikita.

Wala na akong natanggap na reply sa kanya kaya..

" Gege matutulog nalang ako. Goognight nalang sayo. Oh sino satin ngayon ang mapride ha?

Habang nagtatype ako nakakunot lang ang mga noo ko, iniisip ko baka nagdadrama na naman tong babaeng to.

Pag sinabi kong matutulog na ako, sa totoo lang di pa talaga ako matutulog, ayaw ko lang talaga ng away at drama pero nag o-offline ako.

" Okay lang naman kong ayaw mona sakin e, nakakasakit lang kasi palagi akong nag a-assume doon sa mga pangako mo noon, kaya siguro ako kumakapit pa, para akong aso habol ng habol , martir ako kasi iyak lang ako ng iyak sa isang taong wala namang pakialam sa nararamdaman ko

Ako lang ba? Ako lang ba ang nakakabasa ng ganyan kahaba kada gising sa umaga ?

Pero imbes na makiramdam ako, binabalewala ko lang to.

" Nasasaktan kaba, Janine pag tayo, tayo pero di naman ako.nagbago ako parin to, kong di mo man ako maintindihan edi maghiwalay nalang tayo? Di kita naiintindihan di mo na rin ako naiintindihan

I chatted her, di ko alam kong anong nakain ko bat ko nagawa yon, bat ko sinend yon , kong bakit ako nag desisyon ng ganun.

She never responded, wala akong natanggap na reply galing sa girlfriend ko, pero nag popost naman siya, napaka depress, napakalungkot niya . Para bang sinabi niya sa post niya na di niya kaya pag wala ako.

But, again I chatted her pero di ko parin binaba yung pride ko.

" Ano di ka naba talaga mag rereply? Ikaw bahala sige break nalang talaga tayo.

After a few minutes, I received a long message from her. She's crying, she's too weak then binlock niya ako pagkatapos.

" Huh? Binlock niya talaga ako? Aba kaya na niya palang wala talaga ako. Well congrats to her. Im happy that she's okay. Block means pumayag siya na wala na kami kaya I let her go. I love her but she don't deserve a guy like me.

Im happy, pero bat parang hindi ako mapakali ? Di siya mawala sa isip ko, palagi kong iniisip na

Okay lang ba talaga kaya siya ?

Di ba siya umiiyak ngayon?

Nakatulog kaya siya ng mahimbing ?

Magaan na ba kaya pakiramdam niya?

One day , two days after she blocks me. I received a bad news. A very bad news.

" Kuya, kailan ka po pupunta dito sa bahay namin?

Chinat ako ng bunso niyang kapatid,

" Kuya, di moba namimiss ang ate? Di mo manlang ba siya pupuntahan dito? Alam mo ba dalawang araw na siyang natutulog

Kumirot ang dibdib ko na para bang may kumurot saglit sa puso ko. Siyam na taon lang yung kapatid niya. Kaya pinuntahan ko siya sa bahay nila so that maconfirm ko kong anong totoong nangyari sa kanya, kong bakit ganun ang sinabi ng kapatid niya sakin.

I regret ! I'm stupid ! Nabigla ako kong bakit may kabaong sa loob ng bahay nila, kong bakit may kabaong na iniiyakan ng mama niya.

Seven steps, papunta sa coffin . I was quiet , I was quiet when my tears already falling down.

She was lying in the coffin, She was smilling.

" Kuya, di na talaga nagising si ate. Di ko alam kong bakit siya di kumakain, until sa nakita nalang namin siya sa banyo na naliligo sa sarili niyang dugo. Naglaslas siya kuya.

Gusto ko siyang yakapin pero paano? Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya pero paano?

Maririnig pa kaya niya ?

Ngayon ako na yung umiiyak, naisip ko she's not dramatic. She just love me. Ako pala yung paranoid, Now I want to hold her hand, but I cant hold her forever.

Akala ko kaya niya, pero dahil sa pagmamahal nakalimutan na niya sarili niya.

Im sorry my girl, Im sorry.

P.s

BIGYAN MO NG HALAGA ANG TAONG PINARAMDAM SAYO KONG GAANO KA KAHALAGA

Huwag mo sayangin yong taong nagmamahal sayo ng tunay higit pa sa kanyang sarili☺️

2
$ 0.00
Avatar for Evsss20
3 years ago
Topics: Story

Comments

So value the moment until it become memories😔

$ 0.00
3 years ago

Yes. . totoo yan☺️

$ 0.00
3 years ago

Grabe po ate 💖😸

$ 0.00
3 years ago

Salamat sa pagbasa sa aking bagong article☺️

$ 0.00
3 years ago

Grabe po ate 💖

$ 0.00
3 years ago