Bitcoin(₿) ay isang salaping kripto na isang porma ng elektronikong pera. Ito ay isang desentralisadong pera na kung saan ay walang bangko sentral o nag-iisang tagapangasiwa na maaaring magpadala mula sa user-to-user sa peer-to-peer bitcoin network na walang kailangang tagapamagitan.
🔶Ang mga transaksyon ay nasusuri sa tulong ng network ng mga node sa pamamagitan ng cryptography at nakatala sa isang pampublikong distributed ledger na tinatawag na blockchain. Ang bitcoin ay inimbento ng isang hindi kilalang tao o grupo ng mga tao gamit ang pangalan na Satoshi Nakamoto at inilabas bilang open-source na software noong 2009.
🔶Ang bitcoins ay nilikha bilang isang gantimpala para sa prosesong na kilala sa tawag na pagmimina. Ito ay pwedeng mapalitan ng iba pang mga pera, mga produkto, at mga serbisyo. Sa pananaliksik na ginawa ng Unibersidad ng Cambridge na-estima sa taong 2017, na may 2.9 hanggang 5.8 milyong natatanging user na gumagamit ng salaping kripto wallet, karamihan sa mga ito gamit ang bitcoin.
🔶Ang bitcoin ay na-kritiko sa kadahilanang pwedeng gamitin ito sa mga ilegal na transaksyon, ang makonsumong paggamit ng kuryente, pabago-bagong presyo, pagnanakaw sa mga exchanges, at ang posibilidad na ang bitcoin ay isang economic bubble. Ang bitcoin din ay nagagamit bilang isang pampuhunan(investment), bagaman ang ilang mga regulatory agencies ay nagbigay ng babala sa mga mamumuhunan patungkol sa bitcoin.