Magandang umaga.. Kay ganda na nang tanim ng aking Ama Sana umani sila ng Sagana Para naman makaluwag luwag sila. Hayan at kasama ang mga apo nya Sa bukid sila ay nag eenjoy talaga Sapagkat ngiti at halakhak lang ng mga paslit ay marinig tyak masaya din sila. Maaliwalas ang panahon ngunit minsan ay Umaambon ambon tama lang na pandilig Sa kanilang tanim at para lalong yumabong. At kapag aanihin umani nawa ng sagana At pag ibebenta na sana presyo wag silang madehado para hindi sayang ang kanilang pagsasakripisyo. #SibuyasanNiAma #OwnContent
8 comments
Ang babait naman Ng mga apo sumasama Kay Lolo ang daming sibuyas na tanim. Nakakatuwa naman tingnan laki ng taniman.
Mababait po talaga ang mga yan gusto talaga nila sumama sa lolo nila sa bukid..hehe
Nakakatuwa mga batang yan madalas kasi mga bata halos online games lang alam :D
Bakit nga po ang mura ng kuha sa mga farmers tapos ang mahal pag binebenta sa market sana po makapag ani na sila para may magamit sa susunod nilang itatanim
Kya nga kanoise sana naman eh presyuhan sila ng tama para di naman kawawa at nang kumita naman at makabawi sa gastos nila..
Sana nga po mgandang blessings na ani friend. Good morning
Hari nawa kaibigan, sana ay wag ng babaan pa ang presyo ng sibuyas para di lugi amg mga magsasaka
Tama nga friend. Magandang gabi