Marka ng aswang

1 33
Avatar for EtoMalupet18
2 years ago
Topics: Horror story

MAHILIG KA BANG DUMAYO PARA MAKIPAG LARO NG BASKETBALL?

ANG KWENTONG ITO AY KWENTO NI MARLON.. NOONG MINSAN SYANG DUMAYO SA IBANG BAYAN PARA MAKIPAG PUSTAHAN..

KUNG SAAN SYA NABIKTIMA NG MARKA NG ASWANG..

TAONG 1994.. SA BAYAN NG PANGASINAN..

Panahon ng kabataan noon ni Marlon, halos araw - araw ay laman ito ng mga basketball court sa kanilang lugar. Wala itong inaatrasan pag dating sa pustahan ng basketball dahil talaga namang magaling itong mag laro. Pangarap din kasi talaga ni Marlon na makapag aral sa Maynila para makapasok sa mga magagandang universidad para maging basketball player ngunit di sapat ang kita ng kanilang mga magulang para sya ay makapag aral sa bigating eskwelahan.

Kaya pinag bubutihan na lamang ni Marlon ang pag lalaro ng Basketball sa bawat liga na kanyang sinasalihan, nag babakasakali na may makapansin sa kaniyang galing at mahugot syang player ng basketball sa Maynila.

High school pa lamang noon ay tumutulong na sa gawain sa bukid si Marlon. Madali naman nyang sinusunod ang mga bilin at utos ng kanyang mga magulang upang makapag laro sya agad ng basketball.

Madalas ay pustahang Pop Cola lamang ay pinapatos na ni Marlon, noong panahon kasi noon daw ay makainom ka lang ng softdrinks ay masasabing may kaya ka na sa buhay. Doon daw kasi sa probinsya nila ay sobrang hirap ng buhay kaya naman kahit ano ay pwedeng ipusta, at isa na nga doon ang napaka mahal at bihira mo lang matikman na Pop Cola.

Isang araw dahil wala na ngang makalaban ang grupo nila Marlon sa kanilang sitio sa basketball ay pinili na lang nilang dumayo sa ibang lugar para doon makipag pustahan ng basketball.

Sa sitio Malinis sila napadpad... pinalitan ko na lamang ang pangalan ng lugar upang respeto na din sa mga nakatira doon...

at doon nakilala ni Marlon ang bagong lipat na si Bryan. Alam agad ni Marlon na bagong lipat ito dahil nga sa halos nakalaban na daw nila lahat ng kabataan sa malalapit na sitio sa kanila ngunit ngayon lamang nila nakita ang binatang si Bryan.

Hindi naman katangkaran si Bryan.. maliit lang ang katawan nito.. kayang kumpyansang kumpyansa si Marlon na mananalo sila sa basketball dahil nasa 5'10 ang tangkad ni Marlon.. samantalang 5'6 lamang ang tangkad ni Bryan.

Nag kasundo nga ang grupo nila Marlon at Bryan na mag pustahan sa halagang 50 pesos. Pera na masasabi mong malaki pa ang halaga noong panahon na iyon.

Dahil nga kumpyansa na mananalo. Bumili agad ng isang litro ng Pop Cola si Marlon at pinag hatian nila ito ng kaniyang mga ka grupo bago mag simula ang laban..

"Pre.. langya pinang meryenda mo na agad ung pang pusta natin ha?! pano pag natalo tayo!? " tanong ng isa sa mga ka grupo ni Marlon..

"Wag ka kabahan ang liliit lang ng mga kalaban natin oh.. bakit ka natatakot? basta pasa mo lang sakin ang bola ako na bahala mag drive nyan.. di sasabay sakin yang mga yan!" kumpyansang sagot ni Marlon dahil nga mas malaki nga naman sya sa mga kalaban nila. Batak din ito sa trabahong bukid kaya kumpyansa sya na kayang kaya nya labanan ang mga ito.

maya maya pa .....

"hinay hinay lang kayo sa pag Inom ng Softdrinks ha... matamis yan" wika ni Bryan na lumapit sa grupo nila Marlon.

"Ok lang un.. nag babasketball naman kami eh walang problema un pre.." sagot ni Marlon kay Bryan..

"Ok pre.. basta bilin lang ako.." sagot ni Bryan sabay tapik sa mga kasama ni Marlon.. habang kumakaway palayo at sumisenyas na bilisan na nila uminom ng Pop Cola at mag sisimula na ang laro nila..

Di naiwasang maangasan ni Marlon kay Bryan dahil para bang minamadali nito ang pag memeryenda ng grupo nila? Minsan lang naman makainom ng softdrinks ang mga tropa ni Marlon lalo na napaka lamig pa ng Pop Cola na nag yeyelo na inihain sa kanila ng tindera. Kahit na napaka lamig ay minadali na nilang ubusin ang kanilang mga iniiinom na softdrinks dahil inaapura na nga daw sila ng mga kalaban nila.

Nag simula na nga ang laro ng basketball sa pagitan ng Grupo nila Marlon at Bryan.

Ngunit ang inaakala ni Marlon na kakayanin nyang idaan sa laki si Bryan ay isang napaka laking pag kakamali..

Dahil kahit na mas matangkad sya kay Bryan. Mas mabilis itong gumalaw at mataas tumalon!! Kahit nga anong diskarteng gawin ni Marlon ay tila ba alam na alam na ni Bryan ang gagawin at madali nya itong napipigilan o di naman kaya ay madali nilang naagaw ang bola kay Marlon! Dagdag pa doon ay napaka galing tumira sa tres ni Bryan kaya natambakan kagad sila Marlon dahil akala nila ay di kayang tumira sa malayo ni Bryan ngunit kayang kaya nya pala!

Natapos nga ang unang laban na talo agad ng 50 pesos ang grupo nila Marlon. Di naman nangamba ang grupo nila Marlon dahil nangyari na sa kanila ang ganitong pangyayari dati...

"Mga pre alam nyo na ha.. kailangan mabawi natin ung game o kaya matabla" wika ni Marlon habang nakatingin ng seryoso sa mga hapong hapong kasama nya.

Binabalak na kasi nilang gumamit ng pang gugulang para lamang matalo itong sila Bryan at kahit papano mabawi ang talo nilang 50 pesos o di naman kaya ay matabla na lamang ang laban..

Pero tila ba natunugan ni Bryan ang plano ni Marlon.. kaya nag sabi ito na ipasa na lamang sa kanya ang bola at sya na ang bahalang tumapos ng laban..

lalong nag init ang ulo ni Marlon dahil tila ba minamaliit talaga sya ng bagong dayo.. kaya lalo nya itong binatayan ng mabuti..

pa simpleng binabalya nya ito habang inaagaw ang bola ngunit di naman nag rereklamo si Bryan.. tumatawa pa nga ito na para bang alam na alam ang ginagawa ni Marlon!?

Kahit anong bantay ang gawin ni Marlon ay wala talagang epekto dahil tila ba lumulutang sa Ere ang kalabang si Bryan.. Kayang kaya nitong may Fade away shot kaya kahit sumabay si Marlon ay wala lang dahil siguradong papasok pa rin ang bola.

Lalong naging aggresibo si Marlon! hanggang sa kahit ang mga kasamahan nya alam ng sinasaktan na talaga nya ang binabantayang si Bryan. Hanggang sa inis ay di nya namalayang naitulak na nya ito ng malakas! Sa sobrang lakas ay parang inangat sa ere si Bryan pabagsak sa lupa! Ngunit bago bumagsak sa lupa si Bryan ay napakapit pa ito sa short at sa legs ni Marlon kaya kahit papano ay nabawasan ang pwersa ng kanyang pagkabagsak... Ngunit dahil sa pag kakakapit nya na iyon ay nasugatan nya naman ang kanang paa ni Marlon..

Mabilis na lumapit ang mga kasama nila upang alalayan ang dalawang nag kakainitan na..

Tumayo agad si Bryan at sinabing bayaran na lang nila ang panalong 50 pesos ng grupo nya kasi di na sila mag lalaro dahil halata naman daw na nangpwepwersa na si Marlon. Bagay na di pumayag si Marlon dahil nga gusto nitong maka tabla.. wala na din itong pera kaya mas lalong pursigido itong manalo..

Kahit na medyo nasaktan sa ginawa ni Marlon ay pumayag na lang din si Bryan na ituloy ang laban dahil sa lamang naman sila kila Marlon sa Score.. kaya nag patuloy ang laban nila hanggang sa natalo na nga ang grupo nila Marlon sa pustahan..

Dahil wala na ngang pera ay kinabahan na ang grupo nila Marlon kung anong ipang babayad sa mga kapustahan... Biglang napaisip si Marlon..

"Kunyari bibili tayo sa tindahan pero iikot na tayo at tatakbo" wika ni Marlon sa mga kasama.. Noong una ay parang ayaw pa ng mga kasama nya sa plano pero wala silang magagawa.. wala na din silang pera at kung sabihin man nilang wala silang pera ay baka bugbugin pa sila doon sa lugar na iyon.. kaya nagdahilan na lamang si Marlon na bibili lang ng biscuit at Pop Cola para mabaryahan ang perang dala nito.. Pero ang totoo wala na itong pera talaga.. kaya kahit ang tindahan na ginawa nilang dahilan ay niloko din nila.. Kumuha sila ng Pop cola at rebisco sa tindahan kahit wala silang pera saka tumakbo ng mabilis noong di nakatingin ang mga kalaban nila..

Pag dating sa bahay... Masayang masaya si Marlon na kahit natalo sila ng mayabang na si Bryan ay naisahan nya ang mga ito. Ngunit maya maya pa ay tila ba sumama ang pakiramdam ni Bryan? Tila ba napakasakit ng tyan nito?

Hindi na lamang nito ito pinansan at inihiga na lamang ang sakit na nararamdaman.. Umaasa na baka pagod lamang ito sa pag lalaro ng basketball at baka bukas ay ok na din ang sakit ng tyan nito..

Ngunit kinabukasan..

"Araayyyy.. Nayyy... araaaaayy.. masakit ung tyan ko!!!"

Sumakit ang tyan ni Marlon!

Agad agad dinala ng nanay ni Marlon sa manggagamot ito.. Sa gulat ni Marlon ay nandoon din ang mga kasamahan nyang sumasakit din ang tyan.

Tinanong sila ng manggagamot na kung bakit masakit ang tyan nila ano daw ba ang ginawa nila kahapon at sabay sabay sumakit ang tyan nila?

Sumagot lamang ang mga ito na nag laro lamang sila ng Basketball at dumayo..

Ngunit ang pinaka pinakatutukan ng manggagamot ay ang paa ni Marlon.. namamaga ito at nag susugat ang sugat..

Tinanong ng mang gagamot kung saan galing ang sugat parang sariwang sariwa pa at di nag hihilom? sinagot ito ni Marlon na galing ito sa kalaban nila na nakalmot sya dahil natulak nya ito sa kalagitnaan ng laro..

Binigyan na lamang ng mga halamang gamot ng manggagamot ang mga binata at nag bilin na bumalik kung sakaling lumala ang karamdaman.. Pero mas matindi ang bilin ng Manggagamot sa nanay ni Marlon..

"Kung sakaling di gumaling ang sugat ng anak mo matapos ng isang linggo.. ibalik mo sya dito sa akin dahil baka may alam ang gumawa sa kanya nyan" bulong ng mang gagamot sa nanay ni Marlon... Kung may kakaiba daw na mangyari ay mag sabi lamang dahil baka totoo ang kanyang hinala... bagay na di naman sinabi sa nanay ni Marlon kung ano iyon..

Noong sila ay pauwi pabalik sa kanilang sityo sakay ng tricycle ay nagulat na lamang si Marlon noong nakita nya ang nakalabang si Bryan nag lalakad papunta sa kanilang sitio!!

Agad agad tinuro nya ito sa kaniyang ina...

" Nay nay!! yan ung nakalaban namin!! ayan sya ohh si Bryan!! sabay turo dito habang papalayo ang kanilang tricyle!"

Laking pag tataka naman ng mag ina dahil sa alam ni Marlon na medyo may kalayuan ung lugar kung saan na nakalaban nila si Bryan? bakit mapapadpad iyon sa sitio nila?

Dahil nga daw sa medyo kinakabahan na ang mag - ina ay agad agad umuwi na ang mga ito sa kanilang bahay.. pinagbilinan na lamang ng kanyang ina si Marlon na wag ng lalabas muna ng bahay habang pinagagamot ang kaniyang sugat.. sya na muna ang bahalang umalam kung sino ba ang taong gumawa sa kaniya nyan..

Noong bago mag hapunan ay lumabas pa ng bahay ang nanay ni Marlon upang bumili ng ulam.. Naiwan lamang si Marlon na nakadungaw sa bintana..

Hanggang sa .. sa di kalayuan kahit na nag yayakap na ang dilim at liwanag ay kitang kita nya si Bryan na dumaan sa harap ng kanilang bahay!! Naka suot ito ng polong puti at pantalon.. kahit nagdidilim na ay kitang kita ang damit nito!!

Agad agad napa salampak ito sa sahig ng kanilang bahay upang di sya makita nito!

Sinilip nya ulit ang bintana.. doon nakita nya na tila ba may hinahanap si Bryan!? dahil patingin tingin ito sa labas ng bakuran nila Marlon ngunit nag aalangang pumasok.. Pasilip silip lamang si Marlon.. maingat na maingat na baka makita sya ni Bryan.. ngunit..

Maya maya pa.. nawala na lang ito bigla..?

Hindi nya na lang ito sinabi sa nanay nya dahil baka malaman daw na baka hinahanap sila ni Bryan para sa 100 pesos na pusta na di nila binayaran.. pero kahit anong isip din ni Marlon.. napaka impossible naman na bumiyahe din ng malayo si Bryan para lamang sa 100 pesos at hanapin sila sa buong Pangasinan?

Ginawa ni Marlon ay binantayan na lamang kung babalik si Bryan sa kanilang lugar.. sa labas ng kanilang bahay ay may duyan na pwedeng tambayan.. natatakpan ito ng mga halaman na nag sisilbing harang sa bakuran nila Marlon, kaya kitang kita nya mula sa loob ng bakuran ang mga dumadaan sa gilid ng kalsada samantalang sya ay di makikita sa loob.. Ngunit di nga sya nag kamali.. dahil Kinagabihan.. Mga alas diyes ng gabi... Tahimik ng nag papahinga ang buong sityo... ay nakita nya ulit si Bryan.. dumaan ito sa ilaw ng mga poste ng na nag bibigay ng liwanag sa kalsada... na medyo nadumihan ang damit na nag kulay pula na nag lalakad palayo sa kanilang lugar.. meron itong buhat buhat na kung ano sa kanyang kanang balikat na balot na balot din ng pulang tela!! Medyo kinilabutan daw si Marlon noong mga panahon na iyon dahil nung unang dumaan doon si Bryan ay puting puti ang damit nito.. ngayon naman ay tila ba nadumihan ng parang kulay pula ang damit nito?!

Matapos nga ang ilang araw ay tila ba mas lalong lumalala ang kalagayan ng sugat at paa ni Marlon.. naging parang kulay ube na ito.. pinatawag na nga ng nanay ni Marlon ang manggagamot sa kanilang lugar at doon ay sinabi na ni Marlon lahat ng kaniyang nalalaman sa manggagamot...

"Makinig ka maaring isang uri ng aswang ang bumibiktima sa iyo, maaring ang sugat mong yan kaya di gumagaling at parang laging sariwa.. ay marka ng aswang!!" wika ng manggagamot na nag pa gimbal pa lalo sa buong pamilya ni Marlon.. noong mga panahon na iyon ay nandoon din ang mga tropa ni Marlon na kagagaling lang din sa sakit ng tyan nila..

"Kailangan nating malaman kung saan nakatira ang aswang... o pinag bibintangang aswang.. ialalagay ko ang mga pangontra sa bahay nito... para di ito makapasok.. kung di ito makapasok ay lalayas na din ito agad dahil ang lakas ng isang aswang ay minsan nasa pamamahay din nito!!"

Nag bilin ang mang gagamot na hanapin ng mga tropa ni Marlon ang bahay ng aswang upang makontra ang mga ginagawa nito sa kanya.. Madami na kasing pinapahid na kung ano ano ang mang gagamot sa hita ni Marlon ngunit tuloy pa rin ang pag susugat nito? Kung di daw maagapan ay mas lalong lalala ang sugat ni Marlon..

Kaya kinabukasan ay agad agad bumalik ang mga tropa ni Marlon sa basketball court kung saan nakalaban nila Marlon ang grupo nila Bryan... Doon ay bigo silang mahanap ang mga iyon dahil ang sabi din ng mga tao doon ay dayo lang din daw ang mga ilonggo na un doon sa kanilang lugar.. bagay na mas lalong nag pakaba sa mga tropa ni Marlon lalo na sinasabing lulubog lilitaw lang daw ang mga iyon sa lugar na iyon... Hindi nila ito mga kilala pero nakikita daw nila ang grupo ng mga iyon na palakad lakad na lamang sa mga sitio at bigla na lamang nawawala...

Hindi agad sumuko ang mga tropa ni Marlon.. Ilang araw ay hinanap pa nila ng hinanap ang tinitirhan ng mga dayuhan.. hanggang sa marating nila ang isang bahay sa isang sitio na di kalayuan sa kanilang lugar..

May nakapag turo kasi sa kanila na doon nga daw nakatira ang mga dayuhan na nakalaro nila Marlon ngunit isa na lamang sa kanila ang natitira.. Si Bryan..

ayon sa mga tao ay walang oras ang pag alis nito sa inuupahang bahay.. minsan gabi..minsan umaga.. pero ang pinag tatakhan nila ay kahit dis oras ng gabi ay umaalis ito.. ngunit babalik na may mantsa ng dugo ang damit..

Mabilis ngang bumalik ang mga tropa ni Marlon sa manggagamot.. sinabi nila lahat ng nakita nila.. kaya ang sinabi ng manggagamot.. mamayang gabi ay pupuntahan nila ang aswang na si Bryan upang kausapin kung maari nitong tanggalin ang parusa kay Marlon o harapin ang galit ng manggagamot..

narinig naman ito ng tatay ni Marlon at nag - sabi ito na baka pwedeng dalhin na lang sa hospital si Marlon upang lalong makita kung ano ang kalagayan ng anak.. ngunit tumanggi ang mang gagamot.. sinabi nito na kung maturukan daw ng injection si Marlon ay maaring sumabay doon ang pamarusa ng aswang at mas lalong mahirapan ang anak nila.. Walang nagawa ang tatay ni Marlon kundi sumunod na lang sa gusto ng nanay ni Marlon dahil naniniwala din ito sa manggagamot ng kanilang sitio... Lalong lumala ang sakit ng Hita ni Marlon.. dahilan para lalaong maging pursigido ang pamilya nito..

Kinagabihan...

pinuntahan nga ng 4 na tropa ni Marlon at ng manggagamot ang bahay ni Bryan... wala itong ilaw...

nasa parte ito ng sitio na kung saan tabi nga ng kalsada.. ngunit walang mga bahay ang nasabing bahay..

Noong nakasigurado na walang tao nga sa bahay ay agad agad pinasok na ito ng mga tropa ni Marlon..

papalapit pa lamang sa pintuan ay napansin na nga ng manggamot na tila ba napaka bigat na aura ng lugar...

Sinubukan nilang buksan ang pintuan sa harap ng bahay ngunit sarado ito.. dahan dahan umikot ang mga grupo sa likod ng bahay.. doon nila nakita ang napakadaming damit na may mga mantsa na tila ba dugo!?

Lalong nabuo sa utak nila na totong aswang ang taong nakatira sa bahay na iyon!! dahil kitang kita nila ang mga damit na binabad pa sa batya na namumula pa at nangangamoy lansa dahil sa dugo!!

Maya maya pa.. nilapitan nila ang pintuan sa likuran ng bahay.. bukas ito... sinabi ng manggagamot na papasukin nya ito.. doon lamang sila sa labas dahil kung may mangyari man ay dapat handa sila!! kaya hinatak nila ang kanilang mga itak at nag bantay sa labas.. at nag sasaboy ng asin sa paligid...

bilin kasi ng manggagamot na mag saboy ng asin at bawang upang kung nasa loob man ang aswang ay di na ito makalabas.. magandang pag kakataon para makasagupa nya ito.. at kung nasa labas man ay madali silang makakapasok sa loob at mamamatay sa labas ng bahay ang aswang!

Dahan dahan ngang pinasok ng Manggagamot ang madilim na bahay.. maliit lamang ito ngunit walang ilaw? kaya damit ang flashlight ay inikot ng manggagamot ang looban nito..

Maya maya pa pinasok nito ang tila ba isang napaka lansang kwarto!! binubot na nito ang itak sa likuran nito.. handa na sya kung ano man ang makita nya sa loob ng bahay!!

Isang maliit na banga ang tila ba nakapatong sa gitna ng isang lamesa sa gitna ng kwarto. binuksan nito ang takip ng banga..

inilawan ito ng at doon.. nakita ng Manggamot ang isang maliit na sanggol!!! napasigaw a gulat ang Manggamot!! balak na sana nito lumabas sa bahay!! pero nailan nya ang isang tila ba katawan ng isang tao!

Itinutok nito ang ilaw sa tao at doon nakita nya si Bryan!! duguan ang pantalon nito at nakahubad!! pulang pula ang mga mata!! at napakalalim ng eye bag!!!

sumigaw si Bryan ng "SINO KA!!! ANONG GINAGAWA MO DITO!! na tila ba paos na paos na boses!!! "

pero di ito sinagot ng manggagamot at hahampasin na ng itak ang aswang!!!

pero mabilis na tumakbo palabas si Bryan!! nakita naman ito ng mga tropa ni Marlon ngunit di nila ito naabutan!! napaka bilis nito tumakbo!!!! agad agad nag sisigaw ang mga ito ng aswang!! aswang!! mga kapit bahay may aswang!!!

Sa lakas ng sigawan ay nag labasan ang mga tao sa mga bahay na nakarinig ng sigawan!! ang iba ay naki usyoso at agad agad pumunta sa mga tropa nila Marlon na nag sisisigaw!!!

ang iba naman ay mabilis na tumakbo sa barangay upang humingi ng tulong!!

Doon ay inilabas ng manggagamot upang makita ng lahat ng tao ang usang sanggol na tila ba pitong buwan pa lamang ang nasa loob ng isang banga!!!

Nababalutan ito ng kakaibang likido na napaka baho din sa pang amoy ng sino mang sinisilip ito!!

"Totoo nga !! aswang ang nakatira sa bahay na ito!!

"Kaya pala di ito lumalabas pag umaga!? at gabi lang lumalabas!?"

"Nasan na kaya ang ibang mga kasama ng taong yan baka nasa ibang sitio at nag hahasik ng lagim!?"

"kailangan malaman ni Kapitan na may aswang dito sa lugar natin!!"

halo halong mga haka haka na ang binitawan noon ng mga tao! Takot na takot man din ang mga tropa ni Marlon dahil sa mga nakita! Ngunit ang pinoproblema nila ay di nila nahuli ang aswang!!!

Maya maya pa!! may grupo ng kalalakihan ang nahuli ang lalaking tumakbo kanina!!

ginapos nila ito at ibinalik sa bahay!!

" Nandito na ang aswang nakita naming nag tatago sa mga kawayan kanina!! " sabay pinadapa sa sahig ang hubad na katawan ni Bryan.. bugbog sarado ito at halos di na makapag salita sa dami ng suntok na binitawan ng mga taong bayan!!! Binusalan na nila ito dahil sabi ng manggagamot ay kung mag salita pa ito ay baka ma dasalan sila ng kung anong pampatulog.. Kaya mas magandang busalan ang bibig nito!!

Maya maya pa nga ay dumating na ang kapitan ng lugar!! agad agad ay nag tanong ito kung anong nangyari..

Doon nakita nito ang kalunos lunos na sinapit ni Bryan na naka dapa sa lupa..

"Kapitan mabuti po at nandito na kayo!! nakita po namin ang fetus na ito sa loob ng bahay ng taong iyan!! " matapang na sinabi ng Manggamot...

Halos maiyak ang kapitan noong makita nya ang fetus na hawak hawak ng manggagamot nanaka labas sa banga nito!!

"Kapitan patayin na natin ang aswang na yan bago pa ito makapang biktima!!"

"OO nga kapitan!! napakalinaw na ebidensya!!! kumakakin sya ng bata!!"

sigawan ng mga tao na pinipilit ang kapitan na tapusin ang buhay ni Bryan..

"TUMIGIL KAYO MGA TANGA!!! HINDI NYO PA BA SYA KILALA!?" SIGAW NG KAPITAN HABANG PINIPIGIL ANG PAG IYAK NITO..

natahimik ang mga tao..

di maintindihan kung ano ang mga nangyari? kung anong ibig sabihin ng kapitan...

DOon na nga pinaliwanag ng kapitan na ang taong pinag bibintangan nilang aswang.. ay ang nag iisang doctor na nag boboluntaryong doctor to the barrios... o mga doctor na gusto lamang mag silbi ng libre sa mga malalayong sitio o probinsya...

Gulat na gulat ang lahat sa paliwanag ng kapitan sa kanila.. na kaya di lumalabas si Bryan pag umaga dahil sa puyat ito.. madalas itong umakyat sa mga bundok upang mag paanak ng mga buntis dahilan kaya napaka daming dugo ng mga damit nito dahil sa di na nito nalalabhan ang mga sarili nitong damit..

Dagdag pa ng kapitan... ang fetus na nakuha nila sa banga ay fetus ng anak ng kaibigan nya... wala itong pera pampalibing kaya nakiusap na lang ito sa doctor na kung pwede makahingi ng formalin upang maburol kahit papano ang sanggol bago ito ilibing ng tuluyan.. binabalak na lang din kasi nila ito ilibing na lang sa bakuran nila.. bagay na pinaaalam naman sa kanya ng kaibigan nyang namatayan.

Abot abot ang kahihiyan ng manggagamot...at mga tropa ni Marlon noong gabi na iyon,..

maswerte na lamang sila at mabait si Bryan na doctor ng barrio nila... di ito mag kakaso matapos ang lahat ng kanilang ginawa.. ngunit bilang kaparusan sa kanila ay bibigyan sila ng mga trabaho ng doctor.. at iyon ang pag samsa sama sa kanya tuwing sya ay aakyat ng bundok o pupunta sa mga liblib na baryo..

Kinabukasan ay pinuntahan ng Dr. Bryan si Marlon.. chineckup nya ito .. ata doon nalaman nilang may diabetis na si Marlon dahil sa kaiinom nito ng Pop Cola... bagay na di naman nito tinanggi...

binalaan na lamang sya ng doctor na bawasan ang pag kain ng matatamis na pag kain kung ayaw nyang maputol ang kanyang paa...

abot abot naman ang pag hingi ng tawad ng mga tropa ni Marlon kay Bryan dahil di nila alam na isa pala itong doctor.. at doon nila nalaman na ang mga sugat pala ni Marlon ay hindi isang tunay na marka ng aswang!!!!

WAKAS.....

2
$ 0.07
$ 0.07 from @TheRandomRewarder
Avatar for EtoMalupet18
2 years ago
Topics: Horror story

Comments

it's a good &hepfull article.i like it very much

$ 0.00
2 years ago