Tula tulaan

0 8
Avatar for Errol.24
3 years ago

PANGUNGULILA

Ang problema ay dapat hindi tinatalikuran,

Bagkos ito'y harapin upang mawala ng tuluyan

Dahil walang problemang walang kalutasan

Kung tayo'y marunong dumiskarte sa buhay.

Sa paglipas ng panahon, maraming nabuong pangarap.

Sa mga sandaling kayo'y inasam na muling makayakap.

Sa pagmulat ng aking mga mata kayo'y laging hinahanap,

Dahil sa iniwang alaala ninyong punong-puno ng galak.

Sa inyong paglisan, labis kong dinamdam.

Mga salitang inyong binitawan

Tawanan, kulitan, sermon kasunod n'yan

Oh! Aking mga magulang bakit kami'y inyong iniwan.

Tanong sa sarili saan nagkamali

Upang magdusa ng ganito kahapdi.

Nawalan ng ina, sumunod naman ang ama,

Anong saklap ang nangyari sa aming pamilya.

Sa pagdaloy ng luha sa aking mata,

Ang mukha ninyo ang laging nakikita.

Iniisip na lamang pagsubok labanan,

Dahil ang panginoon ay laging nandyan.

TAGUBILIN NI INAY

Pag-aaral ang unahin

Bilin ni inang butihin

Huwag munang magboyfriend

Laging payo ng mga tiyahin

Hindi ito para sa akin

Kundi para sa iyo din

Huwag mo sanang masamain

Mga payo ko'y sundin.

Ayokong danasin mo

Ang hirap na pinag daanan ko

Kaya giliw sana'y pakinggan mo

Ang mga payo ko sa iyo

Wala akong ibang kayamanan

Upang ika'y aking pamanahan

Liban sa puso kong nagmamahal

Mga payo ko at pangaral.

Kaya ikaw bunso ko

Laging pakatatandaan mo

Si inay ay nandito

Handang umalalay sayo.

ANG NAG-IISANG IKAW

Sa di kalayuan ika'y aking natatanaw

Mga ngiting nasaksihan ng aking balintataw

Nasa tuwina'y aking inaasam,

Inaasam na sana ako'y iyong matanaw.

Ngunit sadyang kay pait ng aking kapalaran

Mga ngiting pilit na inaabot ay ukol pala sa iba

Na kahit lingunin mo man ako'y balewala lang

Ngiti mo'y nagmumula sa kanya.

Bakit nga kaya, sayo pa napako ang mga mata?

Mga matang ikaw ang laging hinahanap

Kung pwede lang sanang humanap ng iba

Ngunit sadyang ika'y nakaukit na sa aking mga mata.

Antayin mo't di maglalaon ay malilimutan din kita

Sapagkat ang pagtingin ko sayo ay lilipas din parang bula.

Ikaw ay mananatiling alaala sa aking gunita

Ang nag-iisang IKAW na minsan sa akin ay nagpasaya.

2
$ 0.00
Sponsors of Errol.24
empty
empty
empty
Avatar for Errol.24
3 years ago

Comments