May dalwang mag asawa na talagang nagmamahalan. Bihira lang sila mag-away dahil talaga namang napakalambing ng lalaki sa babae. Ang pangalan ng babaeng asawa ay Linda at ang lalaki naman ay Cardio. Si Cardio ay isang magbubukid at mangingisda. Hindi matatawaran ang kanyang kasipagan kaya naman hindi nagkakaproblema sa pera si Linda. Tuwing uuwi si Cardio galing dagat ay marami syang nahuhuling isda. Ang ginagawa naman dito ni Linda ay binibenta sa palengke. Kung hindi mangisda si Cardio ay sya naman ay nasa bukid nila. Malawak anh kanilang bukirin at palayan.
Sa tuwing uuwi si Cardio galing bukid ay talaga namang maraming naiuuwi sa kanyang asawang si Linda. Ang ginagawa naman ni Linda sa mga dala ng asawang si Cardio galing bukid ay nilalako nya sa mga kapitbahay at kalapit na barangay.
Napaka ginhawa ng kanilang pamumuhay. Ngunit sila pa rin ay nakakadama ng lungkot sa kanilang mga puso. Dahil hindi pa sila nabibiyayaan ng isang anak. Sa tuwing naiisip ito ni Linda ay labis syang nalulungkot.
Isang araw ay nagpaalam si Cardio na gagabihin ng uwi dahil sya ay pupunta sa kanyang kumpare sa kabilang dako. Agad naman syang pinayagan ni Linda dahil minsan lang naman ito. Layo layo ang mga bahay duon na para bang may social distancing.
Hindi naglaon at humayo na ang kanyang asawang si Cardio. Habang naglalakad si Cardio nung hapon na iyon ay kaiba ang kanyang pakiramdam at hindi nya ito mawari kung ano. Biglang may humarang sa kanya sa daan na isang matanda na nakasuot ng belong itim at kasuotang itim. Tinignan lang sya sa mata at umalis na. Nagulat sya nun dahil hindi ganun kaaya aya ang mukha ng matanda na humarang sa kanya.
Nagpatuloy lang sya sa paglalakad at hindi na inisip pa yung matandang babae na hindi ganoong kaaya aya ang mukha. Habang sya'y malapit na sa barangay ng kanyang kumpare. Agad nyang naalala ang kanyang asawang si Linda na nag iisa lamang doon. Iniisip nya na ano kaya ang ginagawa ng kanyang asawa sa mga oras na ito.
Sa bahay, si Linda naman ay nagiintay lamang sa kanyang asawa na may bahid ng pag aalala dahil 12:00 na hating gabi ay wala pa din ang kanyang asawang si Cardio. Nag aalala na laging may pagsambit ng pangalan asawa ang kanyang ginagawa.
Biglang may kumatok sa pintuan at agad naman nyang binuksan ang pinto ng walang pag aalinlangan na nagaakalang si Cardio na ang dumating. Ngunit sya's nagulat dahil isang batang lalaki ang bumungad sa kanyang harapan.
Agad naman nya itong tinanong kung saan na ito galing at bakit des oras ng gabi ay nalabas pa sya. Hindi nagsasalita ang bata at wala ni isang sagot ang natanggap nya sa kabila ng maraming tanong nyang ibinigay.
Pinapasok nya ito, natutuwa sya sa puso nya dahil may isang bata na nagawi at sa tingin nya'y wala na itong mga magulang. Ngunit sa kabilang banda iniisip nya pa rin na baka ay nakalabas lamang ito ng kanilang tahanan na hindi namamalayan ng kanyang mga magulang.
Pinag handa nya ng pagkain ang bata ngunit hindi man lang nito ginalaw ang kanyang pagkain. Labis syang nagtataka bakit kaya kakaiba ang mata ng bata? Hindi nagsasalita o ngumingiti man lang ang bata. Pero nung umawang ng kaunti ang bibig ng bata ay may nakita syang pangil na akala nya'y inborn na kung tawagin.
Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy sa paghuhugas ng plato. Nakakaramdam sya ng pangangalibot o kinikilabutan ng hindi nya mawari. Hindi nya alam ay panay pala ang titig sa kanya ng bata. Nang matapos siya ay agad nyang inayos ang kabilang kwarto para dun patulugin ang bata.
Maamo tignan ang bata ngunit kakaiba ang kanyang mga mata. Dinala na nya sa kwarto ang bata at sinarado ng kaunti ang pinto. Sa sobrang katahimikan ay may biglang kumatok sa pinto at laking pasasalamat nya ay ito na ang kanyang asawang si Cardio.
Sinabi ni Linda ang nangyari at pumunta sila sa kwarto ng bata para masiguradong ito'y natutulog na. Nang pagsilip nila ay nagtataka sila kung bakit humahaba ang mga binti at mga braso nito gayun din ang mga kuko nito sa kamay. Hanggang sa pinagkakarmot at pinagwawasak ng halimaw ang unan nito at dun na sila nakaramdam ng matinding takot.
Tahimik lang nilang pinagmamasdan ang inaakala nilang bata ay halimaw pala. Agad agad silang lumayo sa pinto ng kwarto ng tahimik at pumasok sa kanilang kwarto. Dahan dahang binuksan ng asawa ni Linda ang daanan sa ilalim ng papag nila.
Nakaririnig na sila ng ungol at yabag papunta sa kanilang kwarto. Kaya naman dali daling bumaba sa silong ang mag asawa. Nung nasira ng halimaw ang pinto ng kanilang kwarto ay agad itong nagalit dahil walang nadatnan na mag asawa at pinagsisira ang mga kagamitan, unan at kung anu ano pa. Nasa silong lang ang mag asawa at nagmamasid sa halimaw na ngayon ay pagkalaki laki na.
Sobrang natakot si Linda kaya naman ay dahan dahan silang gumapang sa silong palabas. Nung sila'y nakalabas na, agad agad silang tumakbo ng tumakbo papunta sa kabilang idayo na kanilang kaibigan na malapit nilang matatakbuhan.
Kiniwento nila ang nangyari at agad namang nasindak at kinilabutan ang kanilang kaibigang si Rita. Hindi nakatulog ang magasawa at nagiisip kung ano na kayang nangyari sa kanilang tahanan.
Iniisip din nila na kung sakaling hindi sila naka alis dun ay pagkain na sana sila ng halimaw na inakala nilang bata. Sa kabilang banda, sila'y nagpapasalamat sa Dyos at sila'y nakaligtas
Kinaumagahan, binalikan nila ang kanilang tahanan. Ito'y sira sira at ang kanilang unan na mag asawa ay punit punit. Gayundin nakita nila ang pagkalaki laking bakas ng paa ng halimaw.
Simula nooy, hindi na hinahayaan ni Cardio si Linda na mag isa sa gabi at hindi na rin sila basta basta nagbubukas ng pinto lalo't hatinggabi.
Wakas!