Hindi lahat totoo!

0 11

Hindi lahat totoo sa paligid natin. Sa tingin natin totoo dahil minsan pinipilit nating maging totoo iyon o magbulagbulagan. Sabi nga walang magtatagal sa mundong ibabaw na ating ginagalawan dahil ang ating buhay ay hiram lamang ng poong lumikha.

Hindi lahat totoo sa relasyon dahil may relasyon na nagbibingi bingihan at nagbubulag bulagan, pinipilit ang hindi naman mangyayari. Tulad na lamang na alam mo yung asawa mo ay may ibang babae pero pinipilit mo pa ring makisama para mga anak mo o di kaya nama'y para sa estado mo sa buhay.

Hind lahat totoo ang pakikitungo mo sa tao. Nakadepende ito sa ipapakitungo nya sayo. Minsan nakikipagpastikan lang tayo dahil kelangan o di kaya'y yun ang nararapat.

Hindi lahat totoo sa katawan mo. Inaayos ang ilong, mata, o ano pa mang parte ng katawan maging kaaya aya lang tingnan sa mga mata ng tao. Minsan hindi talaga tayo marunong makuntento lalo na at sobrang lakas ng spirit ni insecurity natin lalo na sa katawan.

Hindi lahat totoo sa mga kaibigan mo. May mga kaibigan ka din totoo na nandyan oras ng kailangan na kailangan mo ng malalapitan o dadamay sa oras ng kagipitan o kasadlakan ng buhay mo. May ibang kaibigan naman na kaibigan ka lang sa oras na kelangan na kelangan ka nila tapos pag hindi kana kailangan hindi ka na kaibigan. May mga ganito ka din bang kaibigan?

Hindi lahat totoo sa pamilya ninyo. Minsan nag aaway ang magkapatid dahil may nanlalamang at may nilalamangan. Minsan si bunso ang laging kawawa ngunit bawi naman sa magulang dahil syang tiyak na paborito.

Hindi lahat totoo sa nararamdaman mo. Tulad na lamang, ikaw ay 14 ang edad at nagkagusto ka sa isang lalaki. Hindi pa maituturing na ito ay true love. Dahil ikaw ay bata pa at hindi pa alam ang panuntunan sa kalakaran ng buhay. Umaasa ka pa lamang sa iyong mga magulang na nagpapakahirap sa pagtatrabaho mabuhay ka lamang at makuha ang mga nais mo. Gusto lamang nila na mapabuti ka. Isa lamang itong puppy love na inaakala mong totoo. Pagdating ng araw mararamdaman at madadanasan mo din ang totoong buhay sa mundong ibabaw.

Hindi totoo lahat ng desisyon mo. Lahat tayo ay iba iba mag desisyon at iba mag desisyon. Minsan napipilitan tayong gawin ang desisyon kung may pumipilit sa atin na gawin ito o di kaya'y kinakailagangan. Minsan ang iba wala ng pasya pasya banat na lang ng banat kaya naman pagdating ng panahon at nakita muna ang produkto ng ginawa mong walang pagpapasya magsisisi ka na lamang at tatanggapin bandang huli ang ginawa mong aksyon. Kailangan nating maging responsable sa ating mga desisyon dahil kadikit ng pagpapasya ang responsibilidad.

Hindi lahat totoo sa iyong mga pangarap. Sabi nila wala naman bayad ang mangarap kaya naman lubos lubusin na. Ang iba naman mga magulang ang gumagawa ng pangarap ng kanilang mga anak. Kaya naman ang ibang anak ay sinusunod na lamang ang kanilang mga magulang. Kaya naman ang pangarap ng bata na inaakala na mga tao na pangarap nya. Ito pala ay pangarap ng mga magulang na naghahangad lamang ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.

Hindi lahat totoo na pag mahirap ka hanggang pag tanda mo mahirap ka pa rin. Ito ay nakadepende sa isang taong mahirap. Kung ang tao ay mahirap nararapat lamang na mag tyaga at mag balat ng buto. Not literally magbalat ng buto yun bang magsipag dahil walang ibang aasahan. Ang mahirap ay kelangan maging pasyensyoso dahil hindi lahat ng ginhawa ay darating agad sa buhay. Hindi lahat ng bagay ay madaling makuha kinakailangan talaga ng puspusang pagtatrabaho at panahon bago makuha ang ninanais mong tagumpay sa buhay.

May hindi din ba totoo sayo?

1
$ 0.00
Sponsors of Errol.24
empty
empty
empty

Comments

I don't know what it is . This post is very interesting to see. I am waiting for your writing.

$ 0.00
4 years ago