Bakit hindi tutuhanin?

0 16

CHAPTER 1

Si Natalia ay isang magandang dilag na talaga namang kabigha bighani at pinagpapantasyahan ng karamihan sa kanilang bayan. Napaka payak ng kanilang pamumuhay kasama ang kanyang ina. Sila na lamang ng kanyang ina ang natitira sa kanilang pamilya dahil hindi nya kilala ang kanyang mga kamag anakan at kung nasaan man ito.

Siya din ay nag iisang anak lamang ng kanyang ina at sa kasamaang palad ang kanyang itay ay pumanaw na dahil sa sakit sa puso. Gayun pa man ay pinagpatuloy pa rin nila ang buhay nilang mag ina kahit mahirap ito sa kanila.

Ang kanyang ina nagtatrabaho bilang katulong sa bayan at siya naman ay nag aaral din sa bayan ng kolehiyo na may kursong bachelor in secondary education major in Physical Science. Siya ngaun ay nasa ikaapat na baitang na sa kolehiyo kaya naman puspusan ang pag tatrabaho ng kanyang ina at ganun din sya sa kanyang pag aaral.

Siya ay may naiibigan, si Lucas na matalik nyang kaibigan. Simula pa lang pagkabata ay magkasama na sila sa paglalaro, pagpasok sa eskwelahan at sa kung saan saan pa mang lugar. Hindi lamang ni Natalia ang kanyang lihim na pagtingi sa kanyang matalik na kaibigan dahil iniisip nyang baka masayang ang kanilan pinagsamahan ng maraming taon.

Sapat na sa kanya na laging nakakasama ang binatang si Lucas. Isang araw ay may nagbigay ng isang love letter kay Lucas at labis nyang kinainis ito. Sa tuwing nagkakaroon ng ibang babae na lumalapit kay Lucas ay sya naman ay lumalayo para hindi nya makita at hindi din ganun kalala ang sakit na nadarama nya. Wala syang ibang sinisisi dahil kasalanan naman nya at hindi parin sya nagtatapat ng pag ibig dito.

Mas pinili nya kasing panghinayangan ang marami taon kesa sa nararamdaman nya kaya naman ay sya nagdurusa ngaun. Ika nga nya'y dahil hindi nya ito ipinagtatapat dahil bukod sa masasayang ang panahon nilang pinagsamahan ay nasa kaisipan din nya na pag kaibigan ay walang break up na tinatawag.

Masayahin si Natalia kaya naman bukod kay Lucas ay marami ding syang kaibigan. Isa na dito ay si Aika na anak ng amo ng nanay nya. Mabait din sa Aika sa kanya at nagsasabi din sya kay Natalia ng kanyang mga hinanakit sa mga magulang dahil balak ng kanyang mga magulang na maghiwaly.

CHAPTER 2

Ngayon ay araw na kung saan ay araw ng kanyang pinaka hinihintay. Ang araw ng kanyang pagtatapos. Labis syang nagpapasalamat sa kanyang ina sa walang sawang pag aaruga at pag aalaga sa kanya. Napakasaya nya dahil nalalasap na nya ang bunga ng kanyang pinag hirapan.

Mas lalo namang tuwang tuwa ang kanyang ina dahil sa wakas ang kanyang kaisa isang anak ang nakapagtapos na ng pag aaral sa kolehiyo. Hindi matatawaran ang kanilang kasiyahan nung araw na iyon.

Hanggang kinabukasan ay marami pa ring bumabati sa kanya. May dumating sa kanilang tahanan at inaalok sya at ang kanyang ina na sya ay mamasukan sa isang kompanya sa manila dahil ito'y naghahanap ng mga empleyado. Nagalak sa tuwa ang puso ni Natalia dahil makakatulong na ito sa kanyang ina subalit may lungkot sa kanyang mga mata dahil maiiwan nya rito ang kanyang ina.

Hindi makapagpasya ang kanyang ina kaya naman tinanong nya ito na kung ito ba ay papayag sa inaalok o hindi. Humingi ng tatlong araw si Natalia para makapag pasya. Hinanap nya si Lucas at nakita nya din ito sa may ilalim ng puno ng mangga sa bakuran nito. Humingi sya ng payo sa binatang si Lucas kung ano ba sa tingin nito ang nararapat na gawin.

Sa inyong palagay, ano kaya ang magiging pasya ni Natalia?

abangan susunod na kabanata...

1
$ 0.00
Sponsors of Errol.24
empty
empty
empty

Comments