Si Ella ay anak ni Ginang Erlinda at Ginoong Ambrosio. Masipag magtrabaho ang kanyang mga magulang para lamang mapalaki sya ng maayos at maibigay ang kanyang mga pangangailangan sa pang araw araw. Hindi ni Ella napapansin ang pagsisikap ng mga magulang nya para sa kanya dahil ang gusto lamang nito ay masunod ang gusto.
Talaga namang napakabait ng kanyang mga magulang dahil hindi man lang sya nagdadalawang sabi sa mga ito kong sya man ay may gustong bilhin o gustong gawin. Sa kabila ng iyon ay hindi nya na napahahalagahan ang mga binibigay sa kanya ng kanyang mga magulang kung kaya naman pag hindi nya gusto ang ipinapabaon sa kanyang pagkain ay tinatapon na lamang nya ito sa basurahan.
Isang araw, sya ay inutusan ng kanyang ina na ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok at itapon ito sa tamang basurahan. Sya ay naglalaro sa kanyang cellphone ng mga panahon na yun kaya't naiinis sya sa ina na kung bakit sya pa ang uutusan. Padabog syang kumilos at pumunta sa likod ng kanilang tahanan, sa kanilang bakuran.
Nung natapos na nyang ihiwalay ay itinapon na nya ang basura at habang papalayo na sya ay may tumawag sa kanyang isang matanda na nanghihingi ng makakain kapalit ng isang lampara kulay ginto. Nagustuhan nya ang lampara kaya naman agad nya itong kinuha ng walang pakundangan at tumakbo.
Nung nilingon nya ang matanda ay bigla itong nawala kaya naman bigla syang nagtaka ngunit hinayaan lamang nya ito at pinagsawalang bahala.
Pagkapasok sa bahay ay itinabi nya ito sa kabinet nya. Nung kinagabihan ay nawalan ng kuryente kaya naman sa isip isip nya tamang tama ang lampara na iyon sa kwarto nya. Agad naman nyang kinuha ang lampara sa kabinet at kumuha ng posporo.
Dali dali nyang sinindihan ito sa kwarto nya. Nang masindihan na ay nasurpresa sya sa nakita. Manghang mangha sya sa kinang ng lampara. Parang mga bituin ang mga kinang nito. Tuwang tuwa naman sya at nagagalak sa lampara.
Maya't maya rin ay may biglang lumabas sa lampara ang isang matanda na pinagkuhanan nya ng lampara. Nagulat sya at natakot sa natunghayan. Nagpalit anyo ang matanda at naging isang napakagandang diwata. Hindi nya lubos maisip na ang lampara pala ay mahiwaga.
"isa kang lapastangan, walang pakialam sa kapwa, walang pagpapahalaga sa mga natatanggap mong biyaya, walang pagpapahalaga sa nararamdaman ng iyong mga magulang at dahil dyan sa iyong pagkamakasarili. Hahatulan kita ng parusa! Ikaw ay magiging lampara at ang lampara na iyan ay magiging ikaw!"
Nasindak si ella kaya naman sya'y tumakbo papalabas ngunit nung malapit na sya sa pinto ay bigla na syang naging isang lamparang itim. Ginawa namang kapareho ng diwata ang lampara bilang si ella.
"gagayahin ni lampara ang iyong pag uugali. Lagi ka nyang dadalhin kung saan man sya naroroon para makita mo ang iyong pagkakamali. Hangga't hindi ka natututo at nagsisisi sa iyong pagkakamali ay mananatili kang ganyan." at pagkatapos nun ay umalis n ang diwata
"tulong! Tulong! Nay tay! Tulungan nyo po ako! " ani ni ella.
"hindi ka nila maririnig, ako lang ang makakarinig sayo! Haahhaha!" ani ni lampara na ngayon ay naging kawangis na ni ella.
Iyak ng iyak si ella at galit na galit. Nagsisisi sya na dahil kinuha nya pa ang lampara sa matanda. "dapat pala hindi ko na kinuha ang lampara huhuhu"
Kinaumagahan ay nagising na ang ella na lampara gayun din ang kanyang kawangis. Lumabas na ito pa kumain ng agahan habang sya'y dala dala.
"ayaw ko ng ulam inay! Gusto ko ng hotdog, ayaw ko ng gulay! " ani ni kawangis na ella. Sinigaw sigawan nya ang inay ni ella. Labis namang nahabag si ella dahil napagtanto nya na pangit pala ang ganung gawain.
Ano kayang magagawa ni ella lampara?