Kapit Lang

6 28
Avatar for Eries28
2 years ago

Sa bawat araw na tayo'y gigising laging magpasalamat dahil hindi tayo nakakalimutan ng Diyos.

Kaya sa bawat araw na tayo ay nandito sa mundong ibabaw laging pahalagahan ang buhay, pahalagahan ang mga taong nakapaligid at mga taong laging nandiyan para sa atin.

Matutong magpasalamat sa Panginoon hindi lang sa kasiyahan kundi maging sa problema at kalungkutan.

Ang buhay ay di lang puro kasiyahan, makakaranas din tayo ng kahirapan, sakit at pagdurusa, mahirap ka man o mayaman.

Sa bawat araw na tayo ay nakakaranas ng suliranin at pagkabigo, laging isipin na kasama natin ang Diyos sa ating laban.

Ang pagsuko kailanman ay hindi naging solusyon sa mga unos na ating pinagdadaanan.

Lahat naman may pinagdadaanan, huwag isipin na ikaw lang. Kung nakakaras ka man ng problema ngayon bakit hindi mo tanggapin at harapin. Minsan sa problema tayo nagiging malakas at matatag.

Minsan pinahihintulutan ni Lord ang kabiguan at problema upang tayo ay matutong lumaban at minsan ang problema ay isa ring pagpapala sa ating buhay.

Ano man ang nararanasanan mo ngayon laging manalangin, hingin ang gabay ni Lord, dahil lahat ng nangyayari may rason at isa lang ang alam ko si Lord di ka iiwan, di ka pababayaan at kailanman di ka bibitawan kaya KAPIT LANG.

Sa lahat ng makakabasa neto na nakakaranas ng suliranin tandaan mo mahal ka ng Diyos at handa ka niyang tulungan, minsan hinihintay ka lang niya na lumapit at humingi ng tawad, at sigurado ako, di ka mabibigo dahil ang Diyos ay handang magpatawad at kailanman hindi ka huhusgahan.

Maraming salamat sa pagbabasa.
Godbless you!

Maraming salamat sa aking mga sponsors. Godbless and keepsafe always.

Sponsors of Eries28
empty
empty
empty

8
$ 0.08
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.02 from @Zcharina22
$ 0.01 from @QueencessBCH
Avatar for Eries28
2 years ago

Comments

Payting lang sis ♥️

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Laging andiyan si Lord kaya huwag mangamba..

$ 0.00
2 years ago

Yes sis thank you.

$ 0.00
2 years ago

This too shall pass! Good morning, sis!

$ 0.00
2 years ago

Good morning too sis and thank you.😊

$ 0.00
2 years ago

you're welcome, sis!

$ 0.00
2 years ago