read.cash Log in
@Encarnation3456

@Encarnation3456 in September 2022

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Maaraw na umaga sa inyo.. Kahahatid ko lang sa panganay ko sa school bago umuwi binili ko din ng pang almusal si bunso.. lugaw itlog.. nakita ko puto gusto ko sana wala naman ako extra dalang pera..susunod nalang.. hanggang picture muna.. Kain tayo ng lugaw noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate! Mag 12 na kailangan mapakain na si bunso may pasok siya ng 1pm.. sabi niya may nabasa daw siya may chances na 2pm pumasok ang bagyo.. tumango nalang ako pero sa isip ko nag-iisip na ng gagawin kung sakali ngang tumuloy..ehehe Sa tindi ng sikat ng araw ngayon mukang maganda ang magiging panahon maghapon.. Totoo talagang walang nakakaalam kung ano susunod na mangyayari sa susunod na oras.. only God knows.. Chicken fillet pala ulam kain tayo…

@Encarnation3456

Mainit na hapon noisemate! Naalala ko umorder nito malapit samin.. Mango, mango banana, oreo choco ang inorder ko.. Tig iisa kami mamaya diyan ni ate at ni bunso pag dating nila mamaya.. sigurado mga gutom pag dating mapartneran nalang ng tinapay.. Ako lang mag isa sa bahay perfect time umidlip.. hindi naman antukin.. ano ba yan.. pag di pwede matulog saka inaantok..ehehe Makakuha nalang ng sinampay at makapag tiklop na..

@Encarnation3456

Noisemate may tanong ako.. may habol pa ba kapag ganitong nawala parcel? Iniwanan lang ng courier sa likod ng pinto namin nong sunday khit walang tao ni hindi man lang ako tinawagan.. porket nabayaran ko na online iniwan nalang basta.. kaya pala hintay ako ng hintay walang dumarating.. sayang naman.. buti pala naisipan ko open ngayon app para makita history.. hay nako.. first time magkaganito.. Sorry noisemate bad vibes ang post ko.. Lessoned learn: icheck lagi ang setting…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Dahil wala kami pasok ngayon nilinis ko na uli mga sapatos ng mga bata.. hanggang ngayon hindi pa yari uniforn nila.. ok lang para di ko pa kailangan bumili ng black shoes..ehehe gastos na maliwanag yon.. yan ang almusal ko ngayon ang maglinis.. magbabad ng labahin.. mag walis.. etc.. tulog pa mga alaga ko maya maya makapagluto ng almusal nila.. ang ganda ng panahon ngayon lakas maka good vibes ng kalangitan..😊

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate! Kararating lang ni tatay may dalang munggo luto ni nanay.. paborito ko talaga munggo buti naalala ni nanay magluto ngayon nito.. Nagpabili din ako ng chitcahron kapartner.. Samin hindi kumpleto ang munggo kapag walang chicharon.. sarap din sana ng saging nakalimutan ko magbilin..ehehe kain na tayo noisemate.. Thanks God sa masarap na tanghalian..😊

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate! Miryenda tayo ng pizza at kape.. Uwing miryenda ni partner siyempre favorite flavor ng mga bata yung wala halos toppings..ehehe Para sakin gusto ko sana vagetarian o hawaian yung maraming sahog kaya lang kami na mag aadjust ni partner kesa kami busog ang mga bata naman di makakain.. pabor na din sa bulsa ng papa nilaπŸ˜…

@Encarnation3456

Kala ko makakahiga nako pagkatapos maglaba.. dahil sinipag nilinis ko pa dalawang electric fan.. kaso nawala naman tornilyo sa stand nabubuwal.. inabot na ng 11pm sa kakahanap..ehehe Hanggang nahalungkat ko na mga sulok-sulok isa sa nakita ko itong mga ipit na ginawa ko noon na ayaw na gamitin ng panganay ko.. sayang naman kung itatapon.. hanap uli ako ng mapagbibigyan..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Yan ang una ko ginawa kanina pagka gising diko sigurado kung tatalab binigay sakin ng kapatid kong vulcaseal.. sabi ko ibili ko vulcaseal ito binigay tira daw niya.. Sana tumigas na.. hirap may tulo sa ilalim ng lababo..πŸ˜…

@Encarnation3456

Request granted! Tulog pa mga bata pero pagkain nila nakahanda na.. request nila yan kagabi sabi ko bukas nalang.. Mas mura kumpara sa ibang fastfood na nakasanayan nila.. kaso si manong rider binigay sakin nakatagilid kumalat tuloy sauce ng beef mushroom..ehehe inunahan na si bunso maghalo.. magpipirito naman ako ng pang malakasan kong ulam tuyo at itlog sakin.. Happy lunch time noisemate mang gigising nako ng mga tulog..πŸ˜…

@Encarnation3456

May natanawan akong nag mamarites habang kumukuha ng sinampay..ehehe Si nanay yan at kapitbahay namin iyan ang paborito nilang pwesto magkwentuhan.. tipong kukuha lang ng sinampay may kasama din kamustahan.. ang sweet nilang magkapitbahay diba..ehehe nadaan ako saglit may binili lang nakauwi na rin ako.. Makulimlim dito sayang hindi ako nakatuyo.. nilabas ko kanina sinampay biglang ambon naman.. ayoko na maglabas uli..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Liempo uwi ulam ni partner sarap lang papakin.. Si bunso nakarami ng kanin.. Maaga dapat makatulog ngayon.. bukas Sunday nawa hindi umulan ng makapunta kami kila nanay..😊

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Happy Sunday dahil family day.. Bago kami pumunta kila nanay pagawa ko muna electric fan namin natuluyan na maputol.. Nagawan ko ng paraan makahanap ng ibang tornilyo kaso naputol naman.. tingin ko kailangan hinangin.. magawa pa sana ng maayos.. Nawa maging masaya ligtas ang buong araw natin noisemate.. God bless us..😊

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate! Bumili kami buko gagamitin sa buko pandan pang miryenda mamaya.. tinanghali na ng gawa sana lumamig pa bago kami umuwi mamaya hapon.. Dalwang buko 70 pesos.. medyo mura pa.. sa pasko sure na magmamahal..

@Encarnation3456

Minsan kakatipid ng konting halaga lalong lumalaki gastos o pwedeng masayang lang.. Lalagyan ko sana ng nata de coco imbis cdo tatak na 65 pesos pinili ko 47 pesos na bonus ang tatak.. Nang tikman ko nata kakaiba lasa parang lasang plastic na kulob na di mawari.. isa isa ko uli tinanggal baka makapanget lang sa lasa..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Bago umuwi bumili na kami ng vitamins.. Binili ko na rin sila nanay at tatay para may extra protection din sila sa sakit.. Thanks God nakaraos ang maghapon na ligtas ang buong pamilya.. nawa na enjoy nyo din noisemate ang buong araw..😊

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Nagpalit na uli ako ng pastic cover sa tindahan.. nalalabuan nako sa muka ng kamarites ko este ng customer ko.. panangga din yan sa alikabok at angge kapag umuulan.. nauso yan dito panahong kasagsagan ng covid ngayon nasanay nakong meron kahit hindi na required sa barangay..😊

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate! Kain na tayo giniling na torta ang ulam.. Niliitan ko pag luluto ayaw ng mga bata hindi luto ang loob gusto crunchy.. catsup lang katapat nito mapapasarap na ang tanghalian.. Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate! Ready na ang hapunan itlog at tirang giniling na torta ang ulam.. Bukas may face to face kami pasok kailangan makatulog ng maaga.. kung kakayanin..ehehe May labahin pa si ako naghihintay sa batcha ewan ko lang kung anong oras ako makatapos ng gawain.. kain na tayo noisemate.. Happy dinner time sa inyo..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Dahil may pasok kailangan ko ipagluto si ate ng almusal.. Simpleng itlog sinangag ang request niya.. si bunso tulog pa.. nakakaproud naman tong panganay ko 8am pa pasok 6am palang nag alarm na.. nauna pa bumangon sakin para maligo.. Nawa mag stay ang pagiging masipag niya mag-aral.. Gayak gayak muna mga ka nanay.. sigurado busy din kayo sa pag aasikaso sa mga kanya kanyang anak.. God bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate! Mainit man masarap parin humigop ng mainit na sabaw ng tinola.. gayakan time na may pasok ai bunso ng 1pm.. sabi ko mag review para sa test mamaya 10minuto lang yata nag sabi na agad ng tapos na siya.. mukang wala sa mood..ehehe pakainin ko muna.. Happy lunch time noisemateπŸ€—

@Encarnation3456

Bago sumundo miryenda muna tayo noisemate! mamon tostado, prinsipeng tinapay at mainit na milo.. ang bilis ng oras parang kanina lang kakahatid ko lang kay bunso tapos maya maya susunduin ko sila ng ate niya.. Thank God huminto na malakas na ulan ginhawa na sumundo..😊

@Encarnation3456

Maagang hapunan noisemate! Kung ganito paboritong ulam ang makikita sa lamesa ma eexcite talaga ko kumain.. tipong hindi pa gutom eh mapapakain na ng di sa oras.. May dala si tatay kaninang tanghali nakasupot ulam daw yon.. dahil may ulam naman kami tinola kanina hindi ko na binuklat kung ano dala niya.. Ngayon hapon pagdating galing pag sundo sa mga bata don ko lang nabuklat na may menudo pala sa supot.. my paborito pala..ehehe Ito menudo na gustong gusto ko tuyo walang…

@Encarnation3456

Akala ko may prosisyon.. pero habang papalapit ang tunog Christmas song pala ang tugtog.. mga nangangarolling may dalang malaking tambol isang grupo sila.. simula na nga sa Pilipinas ang mahabang pag diriwang ng kapaskuhan.. Biniro ko si bunso "mangarolling na rin tayo pambili ng Jabee"..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Dahil online lang ang mga bata ngayon.. Tinanghali ng gising at ngayon lang mag aalmusal.. Lugaw at pandesal parehong mainit.. ang matitira nila sakin..ehehe Happy Wednesday noisemate! God bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Mainit na hapon noisemate! Kapag ganitong kainit doble ingat ako mag received ng softdinks na deliver.. Hindi ako lumalapit habang nagbababa..ehehe May pobya na kasi.. may bigla biglang nagaganap na pag putok ng debote kapag sobrang init ng panahon.. Kapag ganitong mainit din mas mabili ang softdrinks..

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate! Walang mamiryenda makakuha muna sa tindahan..ehehe Malamig na gatas at biscuit.. Namiss ko gatas na malamig ito lang ang gamot ko noon tuwing may sakit.. kapag may sakit lang ako tinatanong ni nanay kung ano gusto ko pagkain at iyan lagi ang sagot ko gatas na malamig..ehehe Di kasi uso gatas samin nuon..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate! 7pm palang mahigit inaantok nako sa busog.. Yan pala ulam namin ngayon hapunan padala ni nanay ginataang laing.. napasarap ang kain ko.. Ang anghang pa lalong nakakagana.. May naghihintay pa labahin sa likod nakakababad.. Makapag simula na ng matinding kusutan sa batcha bukas maaga pa dahil may pasok ng f2f.. Thank you Lord nakaraos uli ang maghapon.. Happy dinner time sa inyo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Almusal muna bago pumasok sa school si ate.. Sinangag itlog hotdog pinag sama sama ko na.. 8am pasok namin gumagayak na kami.. Hahatid ko lang siya sa school mas panatag ang loob ko kapag ako naghahatid.. Happy thursday everyone.. God bless us..😊

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate! Gayakan time na.. papasok si bunso ng 1pm.. Ulam namin kaldaretang manok na tira pa nong isang araw padala ni nanay hindi nagalaw.. Minsan nag aabot ang ulam.. minsan walang malamang iulam..ehehe Binabaw ko nalang sa sinaing tumigas na sa freezer.. solve na ang tanghalian namin mag ina.. Happy lunch time din sa inyo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Mainit na hapon noisemate! Kung ganito kalakas magpatugtog ang makakatabi sa parking sabayan pa ng init ng panahon ewan lang kung di ka makapaligo ng di oras pag uwi sa bahay.. tricycle na may malaking speaker yan.. ang tagal ni tatay nakapila sa grocery anniversary kasi nila.. Pag ka hatid kay bunso sa school dumiretso na kami diyan.. huh ang init.. sarap lang maligo at magbabad sa tubig..πŸ˜…

@Encarnation3456

Miryenda tayo noisemate! pang tanggal antok.. turon at fresh buko.. kaso kapag nabusog na tiyak ikaw ay aantukin uli..ehehe Matatapos na ang maghapon..konting oras nalang sunduan time na sa mga bata..😊

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate! Bumili lang kami ng lutong ulam ngayon gabi na sisig.. isang order 80 peos.. Pakiramdam ko gabing gabi na gusto ko na mahiga.. bukas wala kami pasok pwede siguro medyo tanghaliin sa pag bangon.. Isa na yon sa nagpapasaya sakin ang tanghaliin sa higaan..ehehe kain na din kayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Ang tinderang gipit sa barya kumakapit..πŸ˜… Blessed morning noisemate! Sa oras ng kagipitan ang Diyos hindi nagkukulang.. pasalamat at laging may mabibilang na barya.. Nawa maging masaya at ligtas ang buong araw ng friday natin.. God bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Late lunch na.. nag champorado kami kanina ngayon lang ginutom.. Kain uli tayo noisemate ginisang toge na tokwa sahog.. Maiba naman daw sabi nanay hindi puro turon toge.. Ang init noh parang summer sa init ang panahon.. Sana hindi umulan sa sunday magkikita kita kits kami ng mga friends ko.. Nakakamiss din feeling na kasama mga kaibigan.. Lagi nalang bactcha pinggan walis ang nakakasama araw-araw..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate! Sana maging friend ko pa rin kayo kahit nasa kabilang app na tayo..ehehe First time ko mag post medyo nangingipag pa.. hello noisemate!πŸ€—

@Encarnation3456

May nagbayad sakin sa tindahan may kasama pang chocolate sukkli daw..ehehe bigay ni tatang kapitbhay na kaibigan.. Sana bumili uli mamayaπŸ˜…

@Encarnation3456

Yung may bumili sa tindahan may kasamang chocolate ang bayad..ehehe bigay ni tatang.. kapitbahay na kaibigan.. suki ko sa yosi..ehehe Bigay daw sakanya ng apo niya galing ibang bansa.. Sana bumili uli mamaya..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Happy or sad ang gising ituloy lang ang buhay.. May kanya kanya dalahin ang mahalaga alam nating may Diyos tayong kasama sa mga pag subok.. Tinapay ang almusal mamaya na makapag luto tulog pa mga bata.. God bless us noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Good morning noisemate! Kasing ganda ng sikat ng araw dito ang sili nabili ko 20pesos lahat yan ang lalaki.. Sarap gawing sawsawan.. Happy Saturday..πŸ€— God bless us!

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate! Umuulan na dito ambon lang.. Kain na tayo ulam namin parang pang breakfast.. pancit canton itlog at tuyo.. Bukas nalang makatikim ng lutong ulam ni nanay.. pupunta kami bukas sakanila wag lang sana umulan.. Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate.. Makulimlim na hapon.. hindi na nakatuyo ng sinampay.. kakatapos lang namin mag review ni bunso.. ginutom ako.. biscuit at zesto mango.. Miryenda tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Yung pinabili ko si partner ng bawang lang tapos pag balik iyan ang dala.. Minsan pinabili ko ng pandesal pag balik pande coco ang uwi.. Minsan naman magtatanong kung ano gustong miryenda tapos siya din ang sasagot at mag dedecide.. Nakakatuwa rin minsan makisuyo mag utos.. Kala ko babae lang advance mag isip..πŸ™„βœŒ

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate, Kakatapos ko lang gumawa ng buko salad.. Pinicturan ko muna bago maubos bukas..πŸ˜… Konti lang to siguradong ubos agad.. Bibisita bukas mga kaibigan ko ginawa ko sila ng pang dessert.. lalagyan ko sana ng mr.gulaman pamparami kaso makita kita ko expired na pala nong aug22.. malapit na kumulo ng makita ko plastic..sayang naman.. De bali marami naman okasyon na pwede gumawa..😊

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Dito na kami kila nanay magluluto mamaya ng kaldaretang manok.. babalatan ko lang to at hihiwain para may ambag sa kusina..ehehe Nawa maging masaya at ligtas ang buong araw natin.. Happy Sunday noisemate.. God bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Lugaw muna tayo noisemate.. Lugaw itlog pang almusal.. May pandesal pa sa bahay sakto katambal nito.. Thank God maaraw ngayon ganda ng panahon..😊

@Encarnation3456

Miryenda time noisemate! May dala mga kaibigan ko ng donnut.. Tamang tama matagal nako di nakakakain nito.. sarap pa dahil pasalubong lang sakin..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Almusal tayo ng minatamisang saging parang kailangan ko talaga to para magka energy.. Feeling ko naubos energy ko sa mga ganap kahapon.. May enery o wala tuloy ang pagiging nanay natin..πŸ˜…

@Encarnation3456

Dahil dumating na uniform ng panganay ko ni ate napilitan na ko bumili ng shoes.. napilitan means wala sa budget pero kailangan na bumili.. Happy naman dahil hindi na niya kailangan mag civilian na damit kada pasok sa school.. Sinabihan daw siya ng classmate niya bakit iyan ang lagi mong suot na pants hindi nalang daw siya kumibo pero ang sagot niya sakin nasa school ako para mag aral hindi para pumorma..ehehe nagpigil lang pala sumagot sa kaklase.. Ang totoo iilan lang ang…

@Encarnation3456

Do you know nega star? Habang nagliligpit ng sinampay nood muna ng "sonata" nakita ko lang sa tiktok trailer ang tagal na pala ng movie na to 2015 pa yata.. Nacurious ako sa story kaya napadownload pako ng app na viu.. Movie ni Cherie Gil.. mukang may maganfang lesson.. way na rin ang panonood para makalimutan ko miryenda.. naoover weight na me..ehehe Ikain nyo nalang ako noisemate kung ano miryenda nyo diyan..πŸ˜…

@Encarnation3456

After 7 years ngayon lang uli nakapag plansta ng uniform pang school.. mahirap palang mamalansta ng walang horse..ehehe Hindi ko tuloy maperfect ang hagod.. Dati sa old school pinasukan ng mga bata polo shirt ang uniform basta laban lang tapos na no need ng planstahin ngayon nag transfer sila kailangan ko na mamalansta.. Mukang may kailangan uli ako pag ipunan bilin..πŸ˜…

@Encarnation3456

Good afternoon noisemate! Famous street food is in the house..πŸ˜… Squid balls and kikiam with sukang timplado solve na ang miryenda.. Kain po tayo..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate! Gabi na naman.. hapunan na.. Thank God nakaraos ang maghapon.. Kahapon may pasalubong sakin mga kaibigan ko.. pasalubong ba matatawag kung nirequest ko talaga? Ah basta dala nila yan.. itlog na pula lang kako masaya nako.. kaya naman dinalan nga ako.. Ang sarap kasi ng itlog sakanila bagong gawa.. Kami ng anak ko panganay favorite talaga namin iulam.. siyempre mawawala ba ang kamatis.. Kain na tayo noisemate.. Happy dinner time..πŸ€—

@Encarnation3456

Sino may love diyan ng carpenters songs? Kung may isa mang mahina sa mga bagay bagay about gadgets ako na yata un.. palibhasa last year lang ako nagkaroon ng sariling smart phone.. Takot pa ko mag explore baka may magawa ako mali.. pero pasalamat ako may anak akong pwedeng pagtanungan kahit minsan nakukulitan na siya sakin..ehehe Ito bago niya download sakin kahit nasa iba app ako pwede pa rin magpa music.. siyempre una ko pinahanap carpenters song.. sunod mga hillsong at…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate! Happy tuesday.. Yung inaantok kapa at tulala pero kailangan mo na mag almusal dahil may pasok.. Pinag luto ko ng champorado si ate.. Gayakan time muna para di malate.. God bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Tuesday and thursday nalang ang pasok ni bunso sa school holiday pa sa thursday tapos sumama pa pakiramdam ngayon dahil sa sipon.. 10years old na siya subukan ko sana pai umin ng biogesic eh ayaw kaya tempra pa rin pinainom ko.. Iniisip ko kung papasok pa kami mamayang 1pm.. Gumagawa siya ngayon ng assignment at pinagpawisan na.. naalala ko baka makahawa pa sa ibang bata ng sipon..

@Encarnation3456

Gandang tangahali noisemate! Hindi na kami pumasok ni bunso.. Pagpahingahin ko muna.. nang kinuha ko cellphone parang mas nanghina nanlata..ehehe pero bawal muna para makatulog siya.. Kain na tayo bistek ang ulam.. Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Yung kamarites ko nagrereklamo.. Tuwing bibili siya sa tindahan ko lagi cellphone daw ang hawak ko..ehehe True naman talaga.. Sabi ko ikaw tang tuwing bibili ka dito laging yosi hawak mo.. tanong ko sakanya ano ba mas masarap tabanan lagi yosi o cellphone? natawa naman siya..hehe bff na suki ko yan..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate! Hapunan time na.. masarap kumain ng manit pa ang pagkain kaya wag nang patagalin pa mamaya na ang cellphone at kumain muna..ehehe Happy dinner time sa inyo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Ito ang sitwasyon na hindi maiiwasan bilang nanay ang magbantay sa anak kapag nagkakasakit.. May lagnat at di makahinga sa sipon si bunso kaya dito muna kami sa labas matutulog.. Sa aircon lalong natutuyo sipon njya..

@Encarnation3456

Gandang umaga noisemate.. Puyat is real sa pagbabantay kay bunso.. Mukang nahawa na rin ako masakit na lalamunan ko.. pinagluto ko muna siya ng sinangag para makainom ng gamot.. Ingat din kayo mga mate para hindi magkasakit.. God bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate! Gumawa kami ni nanay ngayon ng shanghai namiss ng mga bata.. Ako taga bilot si nanay na nag timpla para mas masarap kapag ako baka pumalya pa..ehehe Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Nakaka antok na hapon.. Pero kung may dumating na ganito kasarap na miryenda nakakawala ng antok.. Dinaan ngayon ng kapatid ko bumili din siya ng para sa kanila naalala kami bigyan.. nalibre ang miryenda kain tayo noisemate..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Happy dinner time sa inyo.. kain na tayo ng tirang shanghai kanina at sabaw ng tinola.. sabaw nalang wala ng laman..ehehe Holiday bukas di ko alam ang okasyon basta wala daw kami pasok sa school.. Makakain na at maglalaba pa...πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Nag aalmusal na si bunso bumili lang kami ng lugaw at tempura tinapay.. Masarap ung lugaw mainit na mainit tamang tama sa maplema lalamunan ni bunso.. Thank God nakatulog na siya ng mahimbing kagabi kahit may sipon pa.. Happy Thursday noisemate.. God bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate!πŸ€— hindi nawawala ang isang maharot adventurious at clown sa magkakaibigan.. Gaya yan ng friend ko na puno ng energy Sa katawan..hehe Ako kinabahan sa post niya diyan na baka malaglag.. hayy nako pasaway lang..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Mainit na sabaw ang padala ni nanay sinigang na hipon.. kahit mainit ngayon masarap pa din humihop ng mainit na sabaw.. sakin sabaw lang sapat na..ehehe Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Miryenda muna tayo noisemate.. Mainit na pizza pang tanggal antok.. Pagka kain kuhanan na ng sinampay at makapagtiklop na.. Bilis ng oras.. matatapos na naman ang maghapon..

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kain n tayo ng san marino with patatas.. Gisa gisa lang at may masarap ng ulam.. Sa gabi kung ano nalang maiulam basta wag lang magutom.. Happy dinner time sa inyo noisemate.. Thanks God nakaraos ang maghapon natin..😊

@Encarnation3456

Who is your Best Friend?.. Minsan sa daming friends sa efbi ni isa wala kang makausap.. Isa isahin man ang active sa messanger hindi alam kung sino imemesage.. Si ganon busy.. Si ganon baka ijudge ka.. Si ganon baka sermonan ka lang.. Si ganon baka pagtawanan ka lang.. Si ganon baka layuan ka lang kapag nalaman niya sitwasyon mo.. Hindi lahat nakakatagpo ng tunay na kaibigan na present din sa lungkot.. karaniwan sa kasiyahan lang active..ehehe Ang ending sasarilinin nalang…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Tinanghali nako ng hawak sa cellphone.. Inuna ko muna mga morning routine dito sa bahay.. masarap kasi magpipindot kapag may natapos ng gawain.. Pwede na mag almusal ng turon toge.. siyempre mas masarap kung may kanin.. malapit na maluto.. kakain na tayo..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Kain na tayo pritong tilapya ang ulam.. Sarap mag kamay kapag isda ulam mas nakakagana kumain.. Kain na habang mainit pa.. Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Good afternoon noisemate.. the weather is too hot here.. let's go the Mall and let have some fresh air there!! Hirap naman mag english.. Tara sa SM makapag palamigπŸ˜…

@Encarnation3456

Hindi napigilan bumili.. Nanlaki mata ko ng makita ko free delivery large size 106 lang dalawa na.. Isang okinawa at cookies and cream tig isa kami ni bunso si ate panganay ko ayaw ng matamis kaya kami lang ni bunso enjoy ngayon.. Pero kay ate galing pinambili bayaran ko nalang kako sa sweldo.. Tamang tama pangalan ng milktehan BUDGETEARIAN! Cheers noisemate sarap ng bawal sakit ng tiyan later.. paminsan minsan lang..πŸ˜…

@Encarnation3456

Kakatapos lang maglaba.. nawa bukas umaraw.. ng maaga makapag sampay.. Gusto ko sana ganitong oras tulog nako pero di ko na magawa.. Ready na ang aking medyas nakasanayan ko na magsuot tuwing matutulog.. oras na para mag pray muna.. Good night sa mga matutulog na diyan.. Bukas wala naman pasok sana mahimbing naman ang tulog.. kaso mga mata ko automatic nagigising pa rin ng maaga..ehehe God bless us noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. May maaga kong bisita si nanay.. May dalang talong dito na daw siya magluluto para hindi lalabas si tatay mamaya.. Solve na ang ulam namin.. Makulimlim dito.. diyan sa inyo kamusta? Sana makatuyo muna bago umulan..πŸ˜…

@Encarnation3456

naalala ko request ni ate kagabi.. Gusto daw niya tokwa.. kala ko sisig tokwa hindi daw pritong tokwa lang.. kaya nag pahabol pako kay tatay para magpabili ng tokwa halaga 30pesos madami na..😊

@Encarnation3456

Ready na ang tanghalian.. Ngayon palang kami kakain kakagising lang ng panganay ko.. masarap kumain kapag sabay sabay kahit simple ang ulam.. First time ko gumawa ng sawsawan na hindi na pinakuluan ang suka pwede pala.. tinuruan ako ni nanay kanina.. Tuwa pala si ate ng makita tokwa napa thank you mama siya..ehehe Kain tayo uli noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Miryenda tayo noisemate.. Mango shake at tinapay.. kahit masipon di ko mapigilan uminom ng malamig.. ang init kasi dito.. Nagsilong nako ng sinampay.. kumulimlim kasi ang laki ng dilim sa langit tapos biglang umaraw uli..πŸ˜…

@Encarnation3456

Minsan sa dami iniisip pati pakiramdam nagiging mahina na din.. ung tipong nakadikit na pala kaldero sa braso na kakahango lang sa apoy eh late reaction pa rin bago umaray..haha Immune sa sakit teh?ehehe Ayan tuloy nagka tattoo ako.. ngayon ko lang napansin ganyan na pala kulay.. Babala: mag-ingat wag tularan..🀭

@Encarnation3456

Kanina sa harap ng tindaham ko may nangyari aksidente tumuwad ang isang kolong kolong at hilong hilo si kuya driver un pala nakainom.. Kaya isa muling paalala kung nakainom ng alak wag na mag drive.. delikado nakamamatay.. Nalibang ako sa oras ng pakikipag marites kay kumare.. kala ko nakalimutan na niya ko..ehehe Asikaso muna ko noisemate..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Hindi kami nakapag church grabe pa sipon ng dalawang bata baka makahawa pa don.. Mag online nalang kami mamaya.. Kayo noisemate kamusta.. Nawa maging happy ang sunday natin at maging ligtas buong araw.. Almusal tayo ng lugaw itlog..uwi ng papa nila.. GOD BLESS us..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Tinolang manok ang niluto ni nanay.. Makukimlim dito at malamig ang panahon kaya tamang tama may sabaw.. Mabilis ang oras samantalahin natin ang day off.. Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate.. Kararating lang namin sinamahan ko kapatid ko mamili sa isang chocolate store.. hindi lang pala chocolate ang tinda ang dami at ang mumura compare sa ibang grocery.. kaso natapat na low budget kaya hanggang tingin muna.. Nabili ko naman si bunso ng isang 1liter na fresh milk tig 68 pesos saka isang garapon na lollipop titinda ko..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Kahapon ng mapubta kami sa tindahan ng chocolate may nakita kong ganito.. Gusto ko sana bilin kaso no extra budget.. Kaya hanggang tingin muna.. Dumating si tatay ngayon may dala nitong tart dala daw ni tito kagabi.. Hindi ko man nabili kahapon may dumating naman na libre..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Pritong galunggong with matching kamatis at sibuyas.. injan mango nalang kulang kaya lang di panahon ngayon ng mangga.. Ganutong size ang gusto namin medyo maliliit mas malutong at malinamnam kapag naluto.. Kain tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Good evening noisemate.. Kuha yan kanina ng bumili kami ng kapatid ko ng prutas ang dami pagpipilian pero sa mahal ng presyo pakwan lang ang nabili namin.. Isa sa mainam sa katawan natin ang pagkain ng mga prutas pero nagiging hadlang ang kakulangan sa financial para makabili nito.. Madalas imbis na prutas, ulam nalang ang uunahin bilhin.. sad but true..

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Early blessing ang dumating galing kila nanay isang kakanin na hindi ko sure ang tawag.. kutsinta din yata ang tawag dito.. Makulimlim dito ngayon buti naihatid ko si ate sa sachool ng walang ulan.. Si bunso tulog pa.. mamayang 1pm pa ang pasok.. Asikaso muna ko mga ligpitin.. Happy tuesday everyone.. God bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Ang bilis ng oras hatiran time na.. Si bunso naman ang hahatid ko sa school.. Nabasa ko sa epbi suspended ang pasok sa ibang lugar dahil sa di magandang panahon.. Dito samin maaraw na at mainit.. Ito pala ulam namin kanina maaga kami kumain ng tangahalian dahil may pasok.. ginataang laing.. Happy lunch time din sa inyo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

DIY gupit nalang para tipid.. Napasobra yata gupit ko noisemate..ehehe Makakatipid din ako nito sa shampoo at conditioner.. Kaso lalong naging mukang siopao muka ko dahil umiksi.. yaan na nga lagi lang naman ako nakapusod..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Hapunan na tayo itlog na may patatas.. Maaga makakain ng maaga din makapagligpit.. Thank God nakaraos na naman ang maghapon.. Happy dinner time sa inyo mamaya noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Good evening noisemate.. I just finished doing laundry and my brother still had a midnight snack delivered tonight.. relief from laundry fatigue.. let's eat noisemate.. Bida ang saya!!!πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Kakatapos lang ng mga gawain pang umaga.. May cake pa sa ref tira kahapon galing kila nanay.. Baka mapansin nyo tinidor ng kfc di ko din alam bakit meron kami niyan ang alam ko lang galing din kila nanay yan..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Champorado ang takbuhan kapag walang maisip na almusal.. Kaya kung may extra budget hindi ako nagpapawala ng stock nito.. Bago magising si bunso luto na toh.. Mabilis lang lutuin..😊 Have a blessed Wednesday noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Maganda sikat ng araw dito ng biglang buhos ng ulan.. kaya madaliang kuha ng sinampay with matching takbo pa.. Kain na po tayo sinigang ang ulam.. ako ngayon ang magbibigay kila nanay ng ulam.. Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate.. Kakwentuhan ko si kumare kakatapos lang namin mag usap nakakatuwa siya di pwedeng hindi ka matatawa pag nag message tipong napapagaan niya ang mga problema.. hanggang sa ginutom siya tinanong ko kung ano miryenda nila ito lang daw galing Saudi.. "Kubos" daw ang tawag diyan ubod ng tigas at walang lasa.. may ganyan pala kakong pagkain..ehehe biniro ko nga de parang bato pala yan dito satin..πŸ˜…

@Encarnation3456

Magandang hapon noisemate.. Ito niluto ko kaninang umaga almusal ng mga bata may natira pa sila kaya may pang miryenda pa ngayon.. umaambon na naman.. buti wala kami f2f bukas pa.. hirap mag sundo pag umuulan.. kaya madalas ang ubo sipon ngayon.. Miryenda tayo noisemate bago pa malayo wento..πŸ˜…

@Encarnation3456

Ok kaba tiyan noisemate? Para maging okey mag yakult everyday daw.. Sakit ng tiyan ko kakatapos ko lang kumain.. Naisipan ko mag yakult baka maging okey..πŸ˜… Nadadalas ang rasyon nito ni suki hindi ako makahindi dahil paborito ni bunso.. Nakitikim lang ako ngayon ng isa.. Sobrang thankful ako sa nagbibigay sakin dito hindi ko man personal na mapasalamatan.. God bless po sa inyo..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Kakahatid ko lang kay ate brey sa school.. Binili ko na din ng lugaw at tempura si bunso pauwi pang almusal niya.. Bumangon na si bunso pinatulog ko uli kundi magsisimula na naman mag cellphone.. mamayang 1pm pa pasok niya.. Makapag babad muna ng labahin para mamayang gabi sabak sa batcha..ehehe God bless us noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Ito pala binili sakin ng kapatid ko pang tapal sa lababo na tumutulo.. Yung una niyang bigay sakin nalusaw lang hindi naman tumigas kulay white laman pang tiles lang yata un.. Itong binili niya pangalawa 100pesos paghahaluin lang dalawa na yan.. ginamit ko na kagabi at nasolve na ang problema ko sa tulo ng lababo.. Happy mama..😁

@Encarnation3456

Magandang tanghali noisemate.. Happy lunch time sa inyo.. Kain tayo ng ginisang toge na may tokwa.. Nagbabaw ako kanina ng itlog sa sinaing balak ko sana magpancit canton nakatamaran ko na magluto maya inulam ko nalang.. alanganin na oras maya maya hahatid ko na si bunso sa school.. makaidlip sana mamaya hagardo na aking face kulang sa tulog..πŸ˜…

@Encarnation3456

Ung bumili ka ng black shoes tapos nakalimutan mo bumili ng medyas na puti..hehe Kararating lang ng deliver ngayon tagal dumating 2 weeks hinintay.. Puro de color kasi ang medyas ni ate brey bawal sa school.. may nag iisang puti wala lang panghalili.. Ngayon may extra na siyang dalawa pares.. 110 pesos kasama na sf.. Sa quality pwede na rin hindi makapal hindi manipis.. Sumakit lang ulo ko nang pilitin ko umidlip..πŸ˜…

@Encarnation3456

Pampawala ng inip scramble! Nakakainip kapag ganitong nasa school mga bata.. wala akong masigawan..haha charot! Basta nakakainip kapag mag isa lang.. Pagkain tuloy nagiging libangan.. Gandang hapon s inyo noisemate.. Miryenda time..😊

@Encarnation3456

Maulang gabi noisemate.. Biglang buhos ang ulan.. baha agad sa harapan namin.. Kain na tayo ng tokwa with timpladong sawsawan.. Nong isang araw ito din ulam namin nirequest ni bunso uli ngayon.. Happy dinner time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kumain naba kayo noisemate? Kami kakatapos lang.. Kuha yan kaninang umaga.. Kahit walang mema dito imema ko lang tong mantel namin kung saan papunta..hehe Kakain lang naman pero laging nawawala sa pwesto.. Nagpalit kasi ko ng bago ung luma mantel nilagay sa salang lamesa.. Kada may kakain ganyan nangyayari.. Iniisipan ko ng remedyo para mag stay.. Sana all nag sstay..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Makulimlim na umaga.. pero naglabas pa rin ng sinampay.. almusal na tayo ng tinapay sliced with peanut and kape siyempre.. Sabi ng kapatid ko mas healthy ang ganitong sliced galing sa bakery kesa sa gardenia na matagal ang expiration.. mas marami na daw un chemical unlike sa bakery nabibili na madaling masira o amagin.. napaisip tuloy ako.. Masarap ang gardenia malambot pero nakaka inis kapag natapatan ung may parang lasang sabon na ewan.. Dahil…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Kamusta ang life diyan.. Dito samin di mawari kung uulan o aaraw.. Pero ang sarap ng ganitong weather hindi masiyadong mainit.. di lang pabor sa mga sinamapay ko..πŸ˜… Wala kaming pasok sa school ngayon kaya mga alaga ko tulog pa.. magluluto ako mamaya ng sopas.. baka tuloy tanghalian na namin.. Happy Friday everyone!!! God bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Sopas ang tanghalian namin pwede na din pang miryenda.. sopas sopasan lang ano lang avaulable sa ref at tindahan na sangkap.. Nilagyan ko din pala yan ng isang itlog na binate.. Parang lomi lang..ehehe Kain na tayo masarap habang mainit pa sabaw.. Happy lunch time..πŸ€—

@Encarnation3456

Happy lunch time noisemate.. Nagluto ako ng sopas sopasan kung ano lang available na sahog sa ref.. Tamang tama dumating si tatay para ipamili ko ng grocery.. pagbabalot ko sila ni nanay.. Kain na din kayo noisemate wag pagutom..πŸ˜‰

@Encarnation3456

Miryenda time noisemate.. No miryenda natin diyan.. dito sopas pa din.. Kakatapos ko lang gumawa ng ice candy chocolate.. ayoko na sana gumawa dahil tag ulan saka ang mahal na ng sangkap.. kaso may mga naghahanap.. Sana bumalik uli mga naghanap.. Sa tindahn kasi nangyayari may panindang kapag wala hinahanap kapag meron na saka naman walang pumapansin..πŸ˜…

@Encarnation3456

Hello noisemate..πŸ€— Pagabi na naman saingan time.. Throwback ko lang si Cardo este anak ko pag ki5a ko sa kwarto tulog na kasama ate niya sa kapaguran sa pag lalaro ayan at hawak pa baril at may bala sa pa short.. Mas gusto ko pa sana yan nuon puro laruan ang hawak.. Ngayon madalas cellphone..πŸ˜ͺ

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Dessert tayo ng pakwan ito nakapack sa grocery naka sliced na.. 29 pesos pwede na rin matamis naman.. Kakatapos lang namin kumain siyempre sopas uli may tira pa ngang konti baka abutin pa ng almusal..hehe Nasarapan naman mga bata sa sopas.. Sabi ng panganay ko tagalan ko daw ang ulit ng luto nito nanawa siguro siya..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Dumating si nanay may dalang upo gugulayin daw para sa tanghalian.. di ko na problema ulam para mamaya.. Ang ganda ng panahon ngayon parang ang sigla ng paligid.. mga walang pasok kaya maingay sa labasan namin.. Nawa maging ligtas at happy lang ang araw ng sabado natin noisemate.. God bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate..πŸ€— Happy Saturday!! Noisemate naiipunan din ba kayo ng mga free catsup from fast food? Ito ngayon samin pinilian ko na expired na nga iba.. nakakaligtaan gamitin..

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Luto na ang ginisang upo ni nanay.. Dito na siya nagluto samin bago siya umuwi.. Siya ngayon nag balot ng ulam para sa tangahalian nila.. Kala ko hindi magugustuhan ng mga bata gulay mabuti kinain naman.. si ate brey lang talaga ayaw ng giniling ang sahog mas gusto pa niya itlog na scrambled ang ihalo.. Hirap ng mapili sa pagkain.. nawa paglaki mag bago din.. Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

May nakita ko milk tea sa lalagyan ng mga kasangkapan ang tagal na nito buti hindi pa expired.. Kapag talaga hindi nakikita nakakalimutan.. Matimpla pampalamig.. ang init pa naman ngayon.. Gusto ko sana umorder pero pigil muna this time tipid tipid.. DIY muna..πŸ˜…

@Encarnation3456

Hello noisemate kamusta.. Mainit din ba ang panahon diyan sa inyo.. Gawa muna tayo ng do it yourself milk tea..πŸ˜… Sa halagang 6pesos may isang baso ng milktea.. hindi masiyadong matamis kaya sakto sa gaya ko ng ayaw ng sobrang tamis..

@Encarnation3456

Good evening noisemate..πŸ€— Nag throwback sa efbi ko fun time ng mga anak ko sa school.. 3years ko na silang di nadadala sa park.. Hindi ko nga alam kung maapreciate pa nila ganyan paglalaro dahil lumaki na sila.. I hope one day makapasyal uli.. Ang dami ng lumipas na weekends.. Noon bawal pumunta dahil sa pandemic.. ngayon maluwag na hindi pa rin makaalis dami worries.. Mapapasabi nalang ako sa sarili ko.. "kapag gusto may paraan kapag ayaw marami dahilan"..πŸ˜…

@Encarnation3456

Dahil marami pang tirang ulam ng tanghali ito uli ang hapunan ngayon.. tamang babaw lang sa sinaing para initin.. kailangan ubusin ang mga tira.. paano papayat..ehehe Bukas ay Sunday family day.. alam na.. masarap ang kainan bukas siyempre luto ni nanay at marami kasalo mas nakakagana kumain..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Maaga nakagayak ang mga bata para sa Sunday service.. Nakakatuwa kagabi hindi alam kung ano ang isusuot ni ate brey panganay ko.. naghanap sa aparador at nakita niya damit na 5 years na nakatago.. Isang beses ko palang yan nasuot ng graduation ni bunso ng kinder.. Nang sinukat niya kasyang kasya at mas bumagay pa sakanya.. Namiss ko tuloy nong ako eh payat pa..hehe Happy sunday noisemate.. GOD bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Masarap ang kainan ngayon dahon ang pinggan.. Sobra dahon pansapin sa pag gawa namin ng biko.. kaya imbis na itapon dito nalang kami kumain.. Maya maya lutuin namin ni nanay pang miryenda biko.. Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Happy lunch time noisemate..πŸ€— Ambon at makukulimlim na kalangitan ang panahon dito samin.. Nagprito kami ng isdang galunggong with kamatis sibuyas na sawsawan.. Feeling boodle fight ang kainan kanina dahil sa dahon ng saging ang pinggan.. Plus kamayan pa lalong napasarap ang kain..πŸ˜…

@Encarnation3456

Luto na ang miryenda.. Biko para sa maulang panahon.. Umuulan dito pero hindi lumalakas.. sana nga ganito nalang kesa sa may kasamang malakas na hangin.. Miryenda tayo noisemate makapag timpla muna ng kape..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Isang taon na nakalipas ganitong buwan last year kami na quarantine sa pagiging positive sa covid ni nanay.. ang dami naging komplikasyon.. kailangan iwan ko ang dalawa kong anak para mabantayan si nanay.. mabuti may kapatid akong mapag iiwanan sakanila.. Thanks God nalagpasan namin ang mabigat na pagsubok na un.. nawa bigyan pa mga magulang ko ng malakas malusog na pangangatawan.. May dumarating man bagyo sa buhay natin lumilipas at nalalagpasan din…

@Encarnation3456

Good evening noisemate? Kamusta diyan sa inyo.. sana ayos lang kayo.. dito medyo humina ang ulan.. Dahil walang pasok bukas tamang scroll scroll lang ng mga picture.. sa dami kailangan na mag delete.. Nakita ko lumang picture ng mga anak ko... Tuwing nakakakita ko ng pic nila noong maliliit pa sila namimiss ko mga bata na yan.. sarap balikan ng nakaraan kung saan Posible ang lahat..☺ Bago pa ko mag senti good night and keep safe everyone noisemate.. God bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Nakatulog ba ang lahat kagabi? Ako nong humina na hangin saka lang nakatulog.. Thanks God sa protection Niya.. Maganda na panahon dito.. Paano kung may magtext sayo pinsan na ganito nag aaya at nagpapasama sa SM mukang manlilibre pa ng lunch makaka hindi kapaba.. Ako pede mag sabi ng hindi pero para sa dalawa kong alaga na bihira makalabas sige go na kako..πŸ˜…

@Encarnation3456

Kadating lang namin galing mall sinamahan si pinsan.. kare kare ang isa sa mga inorder niya ulam.. ang sarap ng bagoong.. Ganda din pumunta sa mall kapag maaga pa wala pang masiyadong tao.. Nag enjoy naman sa food dalawang bata.. Kung di pa nag pasama si pinsan hindi ko pa sila maipapasyal.. Mukang umalis na bagyo diretso na ang sikat ng araw dito..😊

@Encarnation3456

Good afternoon noisemate..πŸ€— Kamusta kayo sana okey lang.. Naenjoy namin mag iina ang walang pasok.. nakapasyal sa mall sa libre ni pinsan.. Hindi ako sanay ng ako ang nililibre mas gusto ko sana ako ang nagbibigay.. Sana makabawi din sa kanya soon..

@Encarnation3456

Late miryenda noisemate.. Kain tayo ng tirang biko kahapon buti hindi pa nasira kahit hindi nilagay sa ref.. Pagkatapos ko nito saing time naman.. Bukas mukang may pasok na.. sana makatulog kami ng maaga makabawi sa puyat kagabi..

@Encarnation3456

Malapit na hapunan ng makaramdam ng gutom.. may natira pang biko kahapon na luto ni nanay..nagtimpla din ako ng kape pangdagdag energy kasi parang inaantok na ko pero may naghihintay pang labahin mamaya..πŸ˜… Umuulan na naman sana wag ng lumakas.. keep safe noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Kararating lang from school naghatid at nagbayad na din ng monthly payment sa office.. Ang init na pinapapapila pa mga student sa ground kaya si ate brey nag start na pimples sa bandang baba ng pisngi dahil siguro sa init at maghapong face mask.. Bago ko umuwi binili ko na rin si bunso ng almusal at namili ng konting paninda.. sulit ang lakad.. God bless us noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noismate..πŸ€— Maaga gising ngayon dahil back to school na uli.. maganda na ang panahon nakapagbilad na ng sinampay sa labas.. Bago umuwi dumaan nako bakery para sa almusal ni bunsoa at nila tatay.. Nakakita ko ng mukang masarap na tinapay yan sa pangalawang picture pero nextime nalang hanggang picture muna lagpas nako sa budget ngayong umaga..hehe God bless us noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Maaga nakaluto si nanay ngayon ng adobo kaya maaga din kami pinadalan ng ulam.. Mapakain na si bunso pagkaluto ng kanin.. 1pm hatiran time puntang school.. Kayo noisemate nakaluto na ba.. Konting oras nalang alas dose na.. Happy lunch time everyone..πŸ€—

@Encarnation3456

Good afternoon noisemate..πŸ€— Mainit na hapon.. kakahatid ko lang kay bunso bago umuwi naalala ko wala na pala vitamins mga bata bumili na rin ako ng sakin at kila nanay tatay for 5 days muna.. siningit ko na rin pang tinda biogesic neozep at diatabs tig ilan piraso lang wag lang ma zero si customer.. Nag tanong pala ko ng poten-cee with zinc at meron pala 7pesos isa ito na gagamitin ko ngayon kesa sa potencee plain na ascorbic acid lang mas ok pa ra sakin with zinc na.. bawal…

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate.. Makulimlim na panahon may kasabay pang kulog.. Miryenda muna tayo bago sumundo ng school.. Nag prito ko ng itlog at nag timpla ng kape.. Ito pala isa sa tinapay na binili ko kanina 25 isang balot.. ung nakaraan kong sliced na binili nasira halos kalahati pa laman hindi pansin ng mga bata kaya ito nalang boling ang binili ko.. Kain tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Mirienda time..πŸ€— Ano miryenda nyo diyan noisemate.. ako ito kape tinapay itlog.. Inaantok ako sa panahon ang sarap matulog hindi masiyadong mainit kaya kape naisip ko inumin.. Ingat sa mga susundo sa school payong wag po kalimutan..

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo.. aItlog na pula with kamatis ang hapunan.. Nadaan daw suki ni nanay sa itlog ayon naalala kami ni ate brey mahilig dito binigyan kami 4 na piraso.. ang sarap ng itlog bagong gawa kahit na medyo hilaw pa kamatis masarap malutong balat.. Isa sa mga ulam na hindi ko ipagpapalit sa mamahaling pagkain..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Maaraw na umaga ang ganda ng sikat ng araw.. Minsan kakatipid may nasasayang lang.. May kamahalan kaya ko tinitipid para di maubos agad pero na expired naman..haha Maglalagay sana ko nitong gamot sa pimples gamot ng anak ko reseta sakanya sa derma.. Ngayon ko lang napansin expiration date nong june pa pala exp.. di ko napapansin gamit pa ko ng gamit kaya siguro minsan kumakati..hehe Gamitin nalang ng gamitin hanggat meron wag na isipin ang araw ng…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate..πŸ€— Sino ang gusto ng fieldtrip pero ayaw ng gastos? Hehe wala yatang ganon mars.. Iyan ang last fieldtrip namin mag iina.. Sa Mt. Samat.. kagabi nabanggit ni ate brey na meron daw fieldtrip by December 2k daw ang bayad.. Nag worried agad ako..hehe sabi ko pagod lang un.. Pero ang totoo pang gastos agad ang inisip ko.. Bahala na kung may extra sasama pero baka hindi din kami payagan ng papa nila may mga case pa ng covid.. Masaya sana family bonding…

@Encarnation3456

Kinuhanan ngunit kulang..ang number..πŸ˜… Nakita ko may nag pa deliver sa kapitbahay ng pancit kukunan ko sana ng picture para incase makapag handa sa birthday ni bunso tatawag nalang.. ang ginagawa kasi namin kapag oorder sakanila pupunta pa sa store at babalikan nalang after 1hour abala at pamasahe pa.. Hinanap ko sa fb page wala akong nakita.. Sikat samin ang tindahan ng palabok na yan.. Pancit malabon ang kanilang specialty.. Kapag nawala hiya ko tatanong ko kay kapitbahay…

@Encarnation3456

Dahil wala kami pasok ngayon late na ang aming tanghalian.. chicken kaldareta with gata ang luto ni nanay.. Madami yan patatas kanina pinapak ko na.. gustong gusto ko talaga patatas sa mga de sarsa.. Kain uli tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Miryenda tayo noisemate.. Turon saging at fresh buko.. ito ang isa sa madalas binibili ni partner na miryenda.. Sakto ang init ngayon sarap ng buko juice.. Pero kung ako oorder ngayon at may pera milk tea at dunkin donnut ang bibilin ko kung lang naman..hehe Kaso waley kaya thankful pa rin ako sa dumating na miryenda..πŸ˜…

@Encarnation3456

Mirienda time noisemate.. Malamig na fresh buko at mainit na turon.. Ang masarap sa turon na ito luto ang loob ng saging hindi tinipid sa asukal at ang lutong ng balat.. Kain po tayo..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kain tayo ng itlog na may patatas wala kami natirang ulam kanina tanghali kaya napaluto ng easy but yummy.. catsup o toyo mansi ang sawsawan nito solve na.. Happy dinner time sa inyo..πŸ€—

@Encarnation3456

Nakatapos din maglaba ng maaga..πŸ˜… Nakakapagod man feeling blessed pa rin dahil damit ng pamilya ko ang mga nilabhan ko.. Naalala ko kaibigan ko sa ibang bansa sabi niya.. Gustuhin man niya pagsilbihan ang sarili pamilya gaya ng ipag laba o ipagluto.. pero di niya magawa nakakalungkot napilitan siya malayo at ibang tao ang pinagsisilbihan upang kumita para sa pamilya.. Nakita ko pala may tira pa mga bata sa lamesang konting ulam para hindi masayang pinalaman ko sa boling..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Maaraw ngayon samantalahin natin ang pag sampay ng mga damit habang maganda panahon.. Nadaan ng bakery kanina pagka hatid kay ate brey binili ko na din ng lugaw at request na donnut si bunso nanawa na ata siya sa tempura.. 9pesos ang isang donnut gusto ko sana tikman kung masarap kaya lang tulog pa si bunso panget naman kung bawas na makikita..hehe May nakita ko uli bago sa bakery banana cake balikan ko yon mamaya..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate..πŸ€— Kamusta kayo di nako nakabalik kagabi dito.. Nahiya nako replayan mga comment sakin kahapon masiyado ng late..hehe Breakfast time na ni bunso lugaw itlog at donnut.. Mamaya may pasok kami 1pm.. Makapag saing na para ulam nalang mamaya.. Happy Thursday noisemate.. GOD bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Happy lunch time noisemate.. Tirang adobo manok ang ulam pinirito ko uli.. mas masarap mas malasa na kapag ilang araw na sa ref.. Maya maya hatiran time na sa school.. Kain na tayo..πŸ€—

@Encarnation3456

Good afternoon noisemate.. Ang panahon talaga hindi masabi.. Umalis ako ng tirik ang araw kaya hindi ko na sinilong sinampay biruin mo pauwi na kami biglang buhos ng ulan nabasa tuloy mga tuyo na..πŸ˜… Ayan sinampay ko uli sa loob ng bahay.. Buti naihatid ko na si bunso baga pa umulan..

@Encarnation3456

Maaulan na hapon noisemate.. Ang lakas ng kulog.. hanggang ngayon umuulan baha na agad sa labas namin.. Sana tumigil bago pa sumundo ng iskwela mamayang uwian.. Stay safe noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Kontra dengue.. Hindi kita sa picture pero ang usok ngayon sa loob ng bahay namin amoy buga ng tambucho.. Kala ko may sasakyan lang sa labas na kakaiba ang tunog may nag papausok na pala para sa mga lamok kontra dengue.. Walang abiso biglaan.. hindi ko alam kung pwede pa kainin nasa lamesa namin ulam nakatakip lang ng butas butas na pangtakip nausukan na.. Mainam na din nag spray dumadami lamok ngayong tag ulan..

@Encarnation3456

Good evening noisemate.. 5pm na dumating si partner may dalang pang masang pizza..hehe alanganin oras ng miryenda.. Kain po tayo..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Friday na at katapusan na rin ng September.. Nawa maging masaya at ligtas ang buong araw natin.. Almusal tayo ng tuyo at itlog para may energy sa mga gawain.. wag lang ako masobrahan dahil kapag busog imbis na energy antok ang nararamdaman..ehehe GOD bless us noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Bago tuluyang sumubo picture muna..hehe Famous almusal nating mga Pilipino tuyo at itlog.. Abot kaya.. simpleng lutuin at masarap.. Happy Friday noisemate.. GOD bless sating lahat..πŸ€—

@Encarnation3456

May bisita ko si nanay.. may dalang tilapya at talong dito na daw siya magluluto.. Nagpagupit naman si tatay habang naghihintay nagluto na siya para mamayang tanghali may ulam na.. Mukang mapapaaga tanghalian namin..😊

@Encarnation3456

Happy lunch time noisemate.. Nalate na ang post tapos na kami kumain.. Yan ang pinirito ni nanay talong at tilapya meron din kamatis sibuyas sawsawan.. Simpleng masarap na tanghalian..🀭

@Encarnation3456

Happy lunch time noisemate.. pritong tilapya at talong ang ulam na mas pinasarap ng sawsawang kamatis sibuyas.. Before and after lang ng post ko sa kabilang bahay natin..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. May padala si nanay na monggo medyo maaga pa pero makakain na para maaga makaligpit.. may duty pako sa batcha mamaya.. Happy dinner time sa inyo mamaya noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Good evening noisemate kamusta kayo.. Yan ang inulam namin ngayon hapunan kakatapos lang kumain.. monggo with talbos ng kamote and tokwa.. Happy dinner time din sa inyo..πŸ€—