Dahil dumating na uniform ng panganay ko ni ate napilitan na ko bumili ng shoes.. napilitan means wala sa budget pero kailangan na bumili.. Happy naman dahil hindi na niya kailangan mag civilian na damit kada pasok sa school.. Sinabihan daw siya ng classmate niya bakit iyan ang lagi mong suot na pants hindi nalang daw siya kumibo pero ang sagot niya sakin nasa school ako para mag aral hindi para pumorma..ehehe nagpigil lang pala sumagot sa kaklase.. Ang totoo iilan lang ang panglakad niya pambaba minsan naghihiraman din kami mag ina.. Maghapon siya sa school kaya pinapasuot ko magiging komportable siya the whole day.. Kahit paulit ulit mahalaga komportable siya sa suot.. parang ako madami damit pero iyon at iyon lang din naman ang suot dahil don ako komportble..😅
1 comment
Bait naman ng anak mo sis, maganda yan at may uniform na siya hirap din ng civilian eh