Maagang hapunan noisemate! Kung ganito paboritong ulam ang makikita sa lamesa ma eexcite talaga ko kumain.. tipong hindi pa gutom eh mapapakain na ng di sa oras.. May dala si tatay kaninang tanghali nakasupot ulam daw yon.. dahil may ulam naman kami tinola kanina hindi ko na binuklat kung ano dala niya.. Ngayon hapon pagdating galing pag sundo sa mga bata don ko lang nabuklat na may menudo pala sa supot.. my paborito pala..ehehe Ito menudo na gustong gusto ko tuyo walang sarsa kundi kaunti mantika.. Madalas ko lang natitikaman ganitong klase pagka luto tuwing may handaan.. Sana makagawa ako nito sa birthday ni bunso nextmonth.. kain na tayo noisemate..🤗
6 comments
Ako din gusto ko konti lang sarsa, enjoy! :)
Buti pa kayo may ulam na hehe, enjoy your dinner.
Sige lang. Masarap na ulam niyo. Churr May entry din ako mamaya. Kapag naluto na Chaurrroooot
Ipost mo yan sis..ehehe
Na busy ako sis. Ahhaha. Ngayon ko lang na post
Eatwell po. 😁