Hello, kamusta?
Sawa ka na ba?
Sa buhay mo na wala man lang kulay at lasa?
Sa buhay mo na wala man lang saya?
Halika bibigyan kita
Ng mga pampalasa
Para buhay mo'y sumaya
At magkaroon ng kaunting lasa
Bawang, sibuyas at kamatis
Mga sangkap na kailangan ng kilatis
Kung maganda ba o nakakakuntento ayon sa gusto ng tao
Bawang
Ito ay all around
Sa anumang lutuin
Mabaho man kung aamoyin
Ngunit napakahalaga sa isang putahe na lulutuin
Gaya sa buhay ng tao
Kailangan mo ng pampalasa tulad nito
Di dahil sa amoy bagkus sa halaga
Na syang nagbibigay lasa
Na pag wala ito tila may kulang pa
Na siyang hinahanap ng ating dila
Sibuyas
Bago mo magamit kailangan mo muna dumaan sa dahas
Ito'y parang isang salita ng tao
Palabas pa lang sa bibig ay tagos na agad sa puso
Sa bawat talop at hiwa
Paniguradong tutulo ang iyong luha
Tulad ng buhay ng tao
Hindi kailanman liligaya o sasarap
Kung hindi ka dadanas ng pighati at paghihirap
Kamatis
Na kailangan ng masuring pagkikilatis
Dahil kung minsan ay napakaganda
Ngunit yun ay balat lang pala
At sa loob ay nabubulok na
Kaya't bago magtiwala kilalanin muna
Dahil hindi mo alam baka siya pa ang sayo ay sisira
Bawang, sibuyas, kamatis
Tatlong sangkap na kailangan ng kilatis
Na maihahalintulad sa tao
Na minsan ay hindi nagpapakatotoo
At minsan ay mga inaabuso
Tiwala
Sa tatlong sangkap ay hindi makikita
Sa tao lamang ay nagmumula
Kaya't tayo'y maging magandang halimbawa
Para sa ating mga kapwa
Kailangan mo pa ba ng mabubulaklak na salita?
Bago ka maniniwala?
Kung gusto mong buhay mo ay sumaya
At magkaroon ng lasa
Matutong magpakumbaba
Sa Dyos magtiwala
At maging mabuting halimbawa
Sa iyong kapwa