Kunting tiis nalang magaling Karin.
Namaga siya buti nalang hindi na pilay ang kamay ko.Naout balance ako habang naglampaso ng sahig sa sobrang dulas.
Pasalamat ako ito lang inabot ko hindi ang ulo ko tinamaan.
Pero sa ngayon ok na hindi na siya makirot ,cold compress at mefenamic acid ang katapat niya.
Dapat dobleng ingat lalo na tumatanda ang hirap.
Good morning...
Pagkatapos ng hapunan sa loob agad ako ng kwrto gusto ko agad magpahinga.
Ampalaya na hilaw na may kamatis , sibuyas at linagyan ko ng kunting calamansi Yan na ang ulam ko kung tawagin sa amin "kilawin na ampalaya".
Medyo hindi maganda pakiramdam ko dahil sa gamot iniinom ko na pain reliver lagi ako inaantok dahil kanina nadapa may naga lang sa kamay ko.
Goodnight see you tomorrow..
Bilisng araw martes naman.
Tapos na magluto ng agahan, piniritong itlog ang ulam namin para mabilis lutuin at isa sa gusto ng anak ko ulam sa agahan.
Larawan ko to kahapon habang sa loob ng barko kung saan pauwi na ako ,biahe galing Bacolod to Dumangas port.
Medyo pagod sa biyahe pero baliwala lang sa amin ang importante mapagbigyan ang hiling nila makapunta kami sa amin tita na mayroon sakit.
Oras na rin mag relax muna ...sa loob ng Bahay ang duty ngayon..
Goodbye Bacolod
Lunes ngayon kailangan Naman gumising ng maaga at mag asikaso sa pamilya para makapasok sa trabaho at paaralan.
Sa ngayon bye muna Bacolod sa muli pagkita naman.
Sana magaling na ang tita namin.
Good morning everyone
Hello Bacolod
Anong oras na kami dumating kagabi,pero maganda ang biyahe namin hindi mainit.
Anong oras na rin kami natulog 2:30am na minsan lang magkitakita may dahilan pa medyo malayo kasi lalo na kung may pasok ang bata hindi kami agad makaalis.
Namasyal kami sa tita ng asawa ko maysakit.
Medyo Hindi na maganda ang kalagayan niya importante napuntahan namin at nakilala parin niya kami.
Kain Muna tayo bag o naman umalis..
Pista ni Santa Barbara
Bago kami umalis kanina sa amin ,kumain muna kami sa bahay ng kumari at kumpari namin dahil pista sa kanila.
Lahat ng pagkain nila masarap luto ng anak niya.
Hindi lang pàg kain ang masarap kundi damang dama ko rin ang ispirito ng Christmas sa bahay nila ang daming Christmas decors at ilaw.
Salamat sa kumari at kumpari namin nabusog kami sa mga handa nila.
Good morning..
Cute na Batang ito.
Pamankin ko first experience niya sa snow..Ang cute niya tingnan sa damit niya.
Maaga pa siyang tumawag para ipakita sa akin ang mga litrato niya kung saan namasyal Sila.
Kagigising ko lang masarap ang tulog ko dahil malamig ang panahon.
Bago simulan ang trabaho magkape muna tayo
Happy weekend 😊😊
Midnight snack with my daughter.
I couldn't sleep so I decided to go to my kitchen and see what I can find to cook and here it is, Canton with cabbage. Ate it with my daughter while she is studying for her quiz tomorrow. Well that's it for tonight, have a good night!and I'll be sleeping as well.
Goodnight 😘😘😘
Hello !!
Good morning 🌞
December na !pasko na!sa simoy ng hangin ramdam ko na ,tuwing umaga malamig at malakas ang hangin sa harap ng bahay.
Bulaklak para sainyo...kuha ko tong larawan kung saan doon kami sa bahay ng kaibigan namin.
Halos lahat ng orchid nila namukadkad ng bulaklak.
Tara na magkape Tayo tamang tama sa malamig na umaga..
Dahil holiday ngayon,walang pasok ang mga bata naglinis kami ng bahay pati sa kabilang kwrto pininturahan rin namin.
Buti nalang ang mga bata masipag rin maglinis kaya natapos namin bago mag tanhalian.
Nilagang baboy na may langka ang ulam namin para may sabaw .
Basta uasapan baboy alam ko paborito nila.
#lunchtime
Body scrub
Gusto ko sana to subukan ang detox spa body scrub Isa Siya exfoliating at whitening.
Hawak ko na to pero ang haba ng pila sa Watson at ang asawa ko nagmamadali umuwi kasi anong oras na at nagutom na daw siya.
Binalik ko nalang agad at umalis.pagkatapos bumili nalang ako ng letson manok para pagdating namin kakain nalang.
Sana sa susunod na araw mabili ko .
Naisipan korin maganda rin ito panregalo sa mga inaanak ko sa pasko.
My family
Malapit na ang pasko isang araw nalang December na.Na miss ko ang pamilya ko tuwing pasko kasama ko sila.sana ngayon pasko kasama ko pa rin sila lalo na ang anak ko na panganay pero sa ngayon medyo malabo dahil sa kanya trabaho.
Ito ang silbing inspirasyon ko para maging matibay ako sa lahat na problema na dumating at patuloy nagmamahal sa kanila.
Good afternoon
Almusal
Lunes naman ulit ilang araw nalang December na bilis ng panahon.
Ang trabaho sa bahay paulit ulit nalang, pero kailangan ko parin gawin.
Basta para sa pamilya gagawin ang lahat.
Almusal muna ako bago ko tapusin ang iba ko gawain.
Sana pagpalain tayo ng panginoon..
Pizza
Pagdating sa pizza paborito ko Yan.
Kahit anong flavor walang uurongan ang bunganga ko.pasalubong mg asawa ko.
Dalawang Gabi na to lagi late na ako matulog.
Hindi ko alam ang dahilan,sana bukas maging normal na ang tulog ko.
Goodnight 😘😘😘
Namiss ko ulit maligo sa dagat kasama ang mga bata tulad nito dalawang linggo nakalipas.
Ramdam ko lang init ngayon araw,ilang araw din lagi umuulan.
Kaya bigla ako napaisip gusto maligo ulit sa dagat.
Kamusta ang hapon niyo?.
Kagigising ko lang kagabi kasi hindi maganda ang tulog ko.
Hapon na Oras na mag meryenda tara magkape Tayo.
Happy Sunday ☺️☺️☺️
Gabi na hindi parin ako inaantok..gising parin ang kaluluwa ko.
Hayan uminom nalang ako ng wine para makatulog.
Kahit hindi ko gusto ang lasa niya pinagtiisan ko nalang, hanggang dalawin ako ng puyat.
Isang shot lang naman para antukin ako.
Pagkatapos nito pasok na ako at matulog.
Magandang gabi sa inyong lahat.
Hello good evening
Tara kain tayo ..
Simpleng hapunan ginisang gulay na may sotanghon ang pagkain ko ngayon .
Hindi na ako nagkanin.
Tapos pinaresan ko nalang ng mainit na green tea.
Goodnight po
Pagkatapos ng labahin, magluto ng ulam para sa tanhalian.ito yon kanina ang ulam namin sa tanhali.
Para madali lutuin piniritong baboy nalang.
Napagod na kasi Ako .
Pero alam natin mga Nanay pagdating sa pritong baboy isa sa mga paborito ng mga anak natin.
Kaya kahit walang sabaw sa kanila ayos lang basta may sawsawan o katsup.
Plano ko sana manahi ng mga punit na damit ng mga anak ko kaso gusto ng katawan magpahinga muna.
Tulog muna ako kahit 30minuto lang para mamaya may lakas Naman.
Kitakits nalang tayo mamaya..
Ingat po kayo
Good morning 🌄🌄🌄
Palabas na si haring araw.
Makapaglaba na Ako ng malabundik na labahin.
Sana hindi umulan buong araw.
Tulad sa kuha ko kahapon ang lakas ng ulan habang nasa biyahe kamu ng asawa ko.
Kung minsan ang ganda ng sikat ng araw pero biglang nalang umulan .
Magkape muna ako bago sumalang sa mga gawain.
Sabado ngayon kaya dito muna ako sa labahin ko.
Marami din sa araw ng sabado ngpapahinga kapalit sa ilang na pàg subsob sa trabaho.
Happy weekend 😊😊😊
Good evening
Kakarating ko lang sa bahay sumama ako sa travel ng asawa ko kanina dahil nag iisa lang siya tapos ang lakas pa ng ulan kaya biglaan din ang alis ko.
Medyo pagod pero sulit naman ang alis ko dahil pagdating namin doon sa destinasyon ng asawa ko nagpakain rin ang besita niya .nag enjoy Naman Ako kasama Sila.
Hindi mawawala ang pasta dahil Isa sa paborito ko kanya kanya kami ng order.
Gusto ko matulog maaga para makapahinga ng maaga.
Bukas naghihintay na ang mala bundok ko na labahin.
Goodnight 😘😘😘😘
Blessing galing sa inaanak ko .
Nagbakasyon siya sa Dubai noon dalawang linggo nakalipas at ang dalawang niyang kapatid doon ngtrabaho.
Napakaswerte ako sa kanila kahit paano mayroon pasalubong si ninang ..
Maagang pamasko ,may damit na ako para sa pasko.
Salamat sa mga inaanak ko napakaswerte ako sa inyo..
May pa advance na pamasko..
Isang panalangin lang ang pamasko ko sainyo patuloy na mabigyan kayo ng magandang buhay at malakas na katawan.
Thank you very inaanak ko...
Ingat kayo palagi
My Monday
Umalis kami ni bunso kanina dahil may gusto siya ipagbili sa akin isang laruan niya at sapatos dahil sira na ang sapatos niya.
Pagkatapos kumain kami sa isang fastfood.
Bonding rin namin to mag Ina.
Sabi ni Unica iha sa susunod siya naman ang ka bonding ko kung wala na daw siya maraming takdang aralin.
I love pasta...
Salamat sa panginoon sa mga biyaya binigay niya sa akin ..may mga tao hindi ko inaasahan ngayon araw napakaimportante pala ako sa kanya.
Imiss you so much Amiga ko
Good night kaingay
Kakarating ko lang galing palengke ,bukas may pasok naman ang mga bata.
Kung iisipin ko lang ang trabaho ko araw araw nakakapagod pero kung naging positibo ka sa buhay maging makahulugan pala ang buhay.
May mga bagay na hindi ko na expect pero kusang dumarating...sabi ko nga mahal talaga ako ng panginoon.
Isang kaibigan malayo sa akin sa ibang bansa ,nakatanggap ako ng mensahe at tawag galing sa kanya kaninang umaga , wala pala imposible kahit sa mensahe magkikita parin kami at mayroon pa siya pa sabog sa akin.
Kahit malayo man ang destansiya namin,Hindi lang sa halakhakan at kalungkutan pero naalala parin niya ako.
Kaya mula umaga hanggang ngayon masarap parin sa pakiramdam na isipin bigla ako naalala.
At excited ako sa pàg uwi niya..
Sana makasama mo ako balang araw sa handaan mo na yan,sa ngayon hanggang litrato lang muna ako.
Imissyousomuch Mae ..
Cheesy nachos
Nagkita kami ng kumari ko sa isang mall ngayon hapon habang may bumibili ako.ilang taong hindi kami nagkita dahil sa pandemic.
Laking pasalamat namin nagkatagpo kami sa loob ng mall
Hindi na pinalipas kumain kami isang resto bar, sagot niya natuwa naman ako.
Ang sarap ng nachos at pizza nila...
Salamat sa kumari ko mabait at mapagbigay...nabusog ako.
My meryenda
Ilang araw na umuulan at kung minsan malakas pa ang hangin.
Wala naman bagyo siguro panahon lang nang tag ulan.
Dahil malamig masarap humigop ng mainit na sabaw.wala na ako maisip pa labuyo noodles at nilagyan ng baguio petsay para may gulay at isang nilagang itlog.
Solve na ang meryenda ko.
Tara na samahan niyo ako.
Salamat sa asawa ko..
Dahil birthday niya nakarating kami ng Boracay..at nag enjoy ang lahat lalo na Ako kasama ang buong pamilya.
Kumain sa eat all you can at nakijamming sa isang resto bar.
Kahit puyat pero sulit rin...
Wala na daming sasabihin ako..Ang importante na kompleto ko ang bakasyon with my family..
Masaya at sulit..
Tara na sa Boracay..
Enjoy ko muna ang gabi minsan lang naman .
Happy time with my family
Pahinga muna tayo sa trabaho sa bahay ...
Dito muna ako sa tabi ng dagat para makapag relax...
#BORACAY