Sinangag Oras na ng almusal.. Ginawa ko sinangag ang sobrang kanin namin kagabi .tapos green tea imbes na kape..with music pa.tara na kain tayo. Good morning everyone Makulimlim ulit ang umaga ..ingat po
Joined 23 October 2022 · 2620 posts
Simple and humble
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Sinangag Oras na ng almusal.. Ginawa ko sinangag ang sobrang kanin namin kagabi .tapos green tea imbes na kape..with music pa.tara na kain tayo. Good morning everyone Makulimlim ulit ang umaga ..ingat po
Rain rain go away come again another day.. Maulan na umaga ,pero gumising at bumangon parin at magluto dahil may pasok ang mga bata. Ilang araw na halos umulan.. Nakahanda na ang misa para sa almusal nila pansit cantoon ang ulam ng mga Bata.. Sana magustuhan nila... Sana pagpalain Tayo na panginoon sa araw na to kahit ano man pagsubok na dumating sa atin buhay. Magandang umaga sa lahat..
Tea time Dahil maulan tea muna ako,mabuti ok na Ang pakiramdam ko. Tara na samahan niyo Ako.. Good morning
Hindi maganda ang pakiramdam ko. Nakatulog ako kanina mahigit isang oras pagkatapos ko kumain. Pero kailangan ko parin ulit kumain ngayon dahil may gamot ako dapat inumin. Piniritong itlog at tirang pandesal nalang ang pinagtiisang ko at uminom ng isang basong tubig. Wala naman akong lagnat napagod lng siguro Ako kaya nawalang ako ng lakas. Goodnight mga kaingay,balik muna ako sa higaan ko para makapahinga ang katawan. Salamat bukas walang pasok sana makabawi ako ulit bago…
Crispy PATA Good morning ,lunes naman ulit alam ko busy naman ang bawat Nanay . Kakaalis lang ng mga bata papuntang school. Share ko lang kagabi yon crispy PATA na ulam namin kung saan kumain kami sa labas. Hanggang ngayon gusto ko ulit kumain. Sana matikman ko ulit ang sarap pagkaluto nila isang kilala restaurant sa amin lugar , lalo na may atsarang papaya na partner maparami ka ng kain... Sana isang araw magawa ko rin to.. Happy Monday 😁😁
UNWIND Akala ko hindi na kami umalis ng bahay kanina dahil nga may pasok na mga Bata bukas. Yon ang nasa isip ko pero hindi pala,nagyaya parin si unica iha pumunta sa isang mall may bibilhin para school niya. Hindi naman mapaiwan si bunso sympre sasama rin...dahil doon na sila hindi naman pwede hindi ko sila treat ,bilang Nanay nakonsensiya uuwi ang anak hindi ko pinakain, instead na meryenda napunta rin sa isang hapunan hehehe pero basta sa kanila wala naman ako dapat…


Good evening kaingay Akala Hindi na kami aalis dahil nga may klase bukas pero hindi nagyaya pa ang mga bata..pinabigyan ko muna dahilbukas may na naman ulit
L U N C H Ginisang gulay at adobong baboy tara na kain tayo. Simpleng pagkain basta masustansya..

Good morning Sunday ... Umuwi na brother in law ko galing mexico ,Isang mensahe na naman natanggap ko ngayon umaga tinatanong niya kung ano gusto ko pasalubong galing sa kaniya...may mga picture siya pinakita kung gusto ko tong keychain o wallet ,pagdating sa akin kahit ano ,pero pagdating sa asawa ko alam ko na ang mga hilig niya tools ang belin ko. Salamat panginoon sa mga magànda mong balita at biyaya galing sayo. Ang mga taong naging instrumento mo sa amin sila ang…

Pumunta kami kanina sa kabilang bayan at doon kami dumaan sa bagong tulay . Malinis na ang tubig at mababaw na. Maganda na tingnan ang Aklan river kung ganito ang sitwasyon niya. Pero dito parin sa isip ko kung paano tumaas ang tubig baha isang linggo palang lumipas . Maraming taong naepektuhan pero kusa parin bumabangon ang importante nalampasan na ang lahat. Magandang gabi po sa lahat💕💕
Thanks God natapos ko na linisin ang room .. Umalis kahapon ang isa kong kapitbahay lumipat sa Palawan kasi doon nakatagpo ng asawa at trabaho. Nakakapagod at masakit sa paa buti nalang natapos lahat bago nagreklamo ang katawan ko. Iba na ang takbo ng katawan kung nakakedad na hahaha..... Sana mabigyan ako ng mabait na kapitbahay. Kung sino man nakatira sa room na to sana kapareho rin sa taong umalis. Pahinga muna ako sandali at magluto naman para sa tanhalian namin mabuti…
Ang belis ng panahon isang araw kasama kopa sila pumunta sa pungtod ng tatay at Nanay nila para mag alay ng bulaklak at kandila pero ngayon isang mensahe kanina pàg gising ko doon na sila sa Dubai. Namiss ko tuloy sila ,natuwa ako naabot rin nila ang gusto nila.isang trabaho naghihintay sa kanila doon. Maaga sila naulila sa mga magulang nila pero naging mabait naman na mga Bata. Hindi naging hadlang sa kanila ang kahirapan para maabot nila ang pangarap nila. Sana pagpalain…

United Nation Isa sa contestant ang pamankin ko kanina sa school nila.nging miss Bolivia siya. Hindi namin na expect nanalo siya best in costume. Napaka bibo na Bata,Ang galing niya kahit sa pàg awit. Ang pagod ng mama niya sa paggawa ng damit at sombrero niya may pakinabang din. Proud mama naman Siya para sa pamankin ko. Congrats nene Aye...

WOW!!!!galing ng teachers ng anak ko sa hischool may pa milktea sila sa estudyante nila kung sino may mataas na score every subjects nila. Nagulat si Unica iha sa binigay ng teacher niya na milktea siya daw may highest score sa mathematics subject nila. Masaya siya pumasok sa bahay may bitbit na milktea Talagang ganahan ka mag aral ng leksiyon kung ganito si teacher kabait may pa surprise pala siya . Dapat sa susunod na exam galingan nila lahat para lahat may milktea. Ay…
Maganda ang sikat ng araw kahit medyo makulimlim ang ulap kahit papaano makalaba parin ako. Daan kanina kung saan tapos na ako maghatid ng mga anak ko sa school ... May pinuntahan lang importante. Sana huwag umulan para lahat ng labahin ko matutuyo. Gandang umaga kaingay.. Ingat po kayo
Good morning 🌄🌄 Magandang balita galing sa nanay ko . Mabuti nalang hindi lahat na pananim niyang palay nasalanta ng bagyo paeng. Halos mabuti na ang iba nanumbalik ang lakas,pwera nalang sa isang kahon niya na wala talaga naiwan. Ganyang talaga ang buhay magsasaka parang sugal kung minsan panalo kung minsan talo. Pero hindi natutulog ang diyos para tulungan tayo kung ano man naranasan natin sa buhay. Kahit paano may nakalaan parin. Tulad ng isang araw kahit papaano…
Dahil may pagsubok siya bukas overtime muna siya sa mga takdang aralin niya. Medyo nahirapan siya dahil buong araw sa school. Nanibago lang siguro,ilang taong walang klase tapos ngayon buong araw na. Goodluck bukas bunso...
Kahit masakit ang ulo ko kanina umalis parin ako . Ang asawa ng kaibigan ko nagpapatulong sa akin may mga importante lang na ayusinsa mga papeles niya. Hindi ako makatangi kahit masama ang pakiramdam go parin ako ...paracetamol nalang ang katapat para maibsan ang masamang pakiramdam. Sympre pagkatapos ng lahat hindi mawawala ang pagkain..halo halo ang plano namin pero napunta sa pansit,dahil nga iba ang pakiramdam ko. Thank you manang,nabusog ako sa pansit...Lalo na masarap…
Baked macaroni.. Tara mga kaingay meryenda tayo binigay to ng kaibigan ko kagabi . Pinabaonan pa niya kami para daw may kakain kami pagdating namin sa amin... Ang bait talaga niya...salamat sa kaibigan namin ng asawa ko mabait. Tara na kain tayo...
Throwback Muna Tayo... Isang inbetasyon galing sa kaklase ko sa hischool kagabi kung pwede daw magkitakita kami ngayon pasko para pàg usapan namin homecoming alumni. Hindi ako nangako pero sana isa ako doon sa oras na yon.kaya na miss ko tuloy ang mga kaklase ko. Picture namin to magkapatid ,kung saan sabay ang okasyon namin noon 2017.. Sana maulit ulit ito at makapunta ulit ako. Sa panahon ngayon naging busy na sa mga bata lalo na mayroon klase na Sila. Good morning…
Pagod agad.. Natuwa ako kanina sa bunso ko,Akala niya walang klase sa hapon. Hindi niya alam mula ngayon buong araw na sila sa school.Kahapon palang pina condition ko na ang loob at utak niya pero ayaw niya maniwala..lol.. Hayan pagkatapos niya kumain ng tanhalian pinapahinga ko siya at muli kami bumalik sa school at doon pa niya nalalaman na totoo ang sinabi ko buong araw nga ang klase nila. Reklamo dito ,reklamo doon pero wala talaga magagawa need parin pumasok sa school.…
Hello Pilipinas Maliwalas ang.panahon ngayon.. Lahat ng tao makagalaw ng husto kompara sa ilang araw na nakalipas lagi umuulan. Para magaan na sa pakiramdam makikita mo Ang sikat ng araw na may dalang pàg asa...
Happy Halloween! Despite of all things that passed, in every situation there's a way and light for our life to go on. Dumaan man yung bagyo, masarap parin makita at dumaan sa isang lugar kung saan makikita mo may magandang kinabukasan na paparating. Whene there's a rain, then there's a sunshine.
Pista minatay Isa sa gawain natin mga pilipino sa pagsapit ng Undas binibisita natin ang yumaon mahal natin sa buhay. Para magbigay ng pugay, bulaklak,pagkain at pagtirik ng kandila. Ito ay isang tanda ng pagmamahal natin sa kanila kahit matagal na nawawala sila sa piling natin.
Hi ! Finally I'm here!!!! Newbie again here! Happy to see you here in NA!
Kahit maulan ulan pa ngayon pero ok na ang panahon kompara sa nakaraan dalawang araw na sobrang lakas.medyo maliwanag na ang kalangitan. Bumababa na rin ang level ng tubig sa Aklan river Kuha ko to kahapon kung saan pumunta kami sa bayan ng Madalag. Sana hindi na ulit bumaha kahit may malakas na ulan nakakatakot at napakahirap lalo na sa mga tao nakaranas ng baha ang kanilang mga bahay. Panalangin ko ang kaligtasan ng lahat..

Dahil sa masamang panahon ,salamat sa kaibigan ko sa munting pagkain binigay niya sa akin kinatutuwa ko naman.dito mo makikita kung paano ka alalahanin ng mga kaibigan mo sa oras ng kalamidad ... Salamat sa arosbalensiyana at suman kung tawagin sa amin hindi na naorasan sa akin simot agad. Isa sa paborito ko tong pagkain kaya pagtanggap ko kinain agad na mimiss ko ng sobra.

Pray for Aklan Sana humupa na ang malakas na ulan . Ganito ang sitwasyon sa kalibo may mga lugar na sobra pa dito ang sinapit marami na nasirang tulay at halos nalubog na sa baha. Hanggang ngayon malakas parin ang ulan dito. Hinihiling ko isang panalangin niyo para sa taga Aklan. Panginoon huwag mo kami pababayaan #bagyo paeng


Breadtalk Usapang tinapay sa bread talk ako. Sa bawat kagat lalong sumasarap at malinamnam. Wala na ako hahanapin pa kundi dito lang sa bread talk.. Pasalubong ng kaibigan ko kahapon sa akin . Isa sa mga paborito ko Basta galing sa breadtalk. #thank you bff

Lahat na ginawa niya doon sa school sa oras ng cook out nila sinubukan nya gawin dito sa bahay. Unang subok niya ang galing niya magprito ng itlog sa isang papel.naluto naman at kinain niya rin pagkatapos. Nakakatawa kahit paano may natutunan rin sya sa cook out nila kahapon sa school. Sana marami kapa natutunan para kusang matuto ka sa gawain at pagluto. Good job bunso...


+1 more